Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawa’t araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakahalaga na ang pagsasagawa ay maisentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba’t-ibang mga perspektibo upang gawing kitang-kita ang Kanyang karunungan at walang-hanggang kapangyarihan. Hindi mahalaga kung Siya man ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi mo nasasabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao mula kung saan Siya ay nangungusap.

Tagalog Christian Songs | "Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot"



Tagalog Christian Songs | "Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot"


I
Hindi ibinubunyag o ipinapakita ang Kanyang pagdurusa.
Ang Diyos ay nagtitiis at naghihintay ng tahimik.
Hindi kalamigan o manhid, ni isang tanda ng kahinaan.
Ang kakanyahan at pagmamahal ng Diyos
ay palaging walang pag-iimbot.
Ibinibigay ng Diyos ang Kanyang pinakamahusay,
Kanyang pinakamahusay na panig.
Pinakamabubuting mga bagay ay Kanyang ibinibigay.
Naghihirap Siya para sa sangkatauhan;
tahimik na nadadala ang Kanyang pagdurusa.

Salita ng Buhay | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos" (Sipi 1)


Salita ng Buhay | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos" (Sipi 1)



Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos.

Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon | Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP



Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon | Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP


Kapag hindi nagtagumpay ang CCP sa tangka nitong pilitin ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos sa pamamagitan ng malupit nilang pagpapahirap at pag- brainwash at pangungumbinsi, ginagamit nila ang mga miyembro ng pamilya bilang pain para subukan sila. Sa harap ng ganitong hamak na mga panloloko, paano naninindigan at nananatiling matwid ang mga Kristiyano, sa pagbubulaan sa mga ito? At ano ang ipinapayo nila?

Alam ng maraming tao na ang Kristiyanismo ay isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, ngunit hindi nila alam ang kahulugan ng Kristiyanismo. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan tungkol sa Kristiyanismo, mangyaring panoorin: Ano ang Kristiyanismo?

Pag-bigkas ng Diyos | Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

Salita ng Diyos,nagkatawang tao ang diyos,

Maraming bagay ang inaasahan Kong makamit ninyo. Ngunit, ang inyong mga kilos at lahat ng inyong pamumuhay ay hindi lubusang makasunod sa Aking mga hinihingi, kaya wala Akong pagpipilian kundi ang diretsahin kayo at ipaliwanag ang Aking kalooban. Dahil mahina ang inyong pagkilala at ang inyong pagpapahalaga ay mahina rin, talagang halos wala kayong muwang sa Aking disposisyon maging sa Aking diwa, kung kaya ito ay isang mahalagang bagay na kailangan Kong ipagbigay-alam agad sa inyo. Gaano mo man naunawaan noong una o kahit ikaw man ay handang sumubok na unawain ang mga isyung ito, dapat Ko pa ring ipaliwanag ang mga ito sa inyo nang detalyado. Ang mga isyung ito ay hindi lubusang iba sa inyo, ngunit tila hindi ninyo naiintindihan o hindi kayo pamilyar sa kahulugang nakapaloob sa mga ito. Marami sa inyo ang may malabong kaunawaan, at higit dito, bahagya lamang at hindi kumpleto.

Tagalog Gospel Songs | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


Tagalog Gospel Songs | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.
Tao'y kilala ng Diyos gaya ng palad N'ya.
Lihim na dako'y tahanan ng Diyos, 
kalawaka'y higaan Niya.