Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan | Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos


Sa maraming taon ang Espiritu ng Diyos ay masusing gumagawa sa lupa. Sa paglipas ng panahon, gumamit ang Diyos ng maraming tao upang isagawa ang Kanyang gawain. Ngunit ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na mapagpapahingahan. Kaya’t kumilos ang Diyos sa iba’t-ibang tao sa pagsasagawa ng gawain Niya at higit sa lahat Siya ay gumamit ng mga tao upang isagawa ito. Iyon ay dahil, sa loob ng maraming taon, hindi huminto ang gawain ng Diyos. Nagpatuloy itong sumulong sa pamamagitan ng mga tao, hanggang sa kasalukuyan. Kahit na marami na ang sinabi at ginawa ng Diyos, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, dahil hindi kailanman nagpakita ang Diyos sa tao, at Siya ay walang anyo. Kaya kailangang tuparin ng Diyos ang gawaing ito—ang pagpapahayag sa lahat ng tao ng tunay na kahalagahan ng praktikal na Diyos. Sa hangaring ito, dapat ipakita ng Diyos ang Kanyang Espiritu, tunay at nahahawakan, sa mga tao at kumilos sa kanilang kalagitnaan. Tanging kapag nagkaanyo ang Espiritu ng Diyos, at nagkaroon ng laman at mga buto, at nakikitang lumakad sa gitna ng mga tao, sinasamahan sila sa kanilang mga buhay, minsan ay nagpapakita at minsan ay ikinukubli ang Sarili Niya, ang mga tao ay mas mauunawaan Siya. Kapag nanatili sa katawang-tao ang Diyos, hindi Niya lubos na matatapos ang Kanyang gawain. Pagkatapos gumawa sa katawang-tao ng ilang panahon, isinasagawa ang ministeryo na kailangang gawin sa katawang-tao, dapat lisanin ng Diyos ang katawang-tao at gumawa sa espirituwal na dako sa anyo ng laman katulad ng ginawa ni Jesus matapos gumawa sa isang panahon sa normal na pagkatao at kinukumpleto ang lahat ng gawaing kailangang tapusin. Maaaring naaalala ninyo ito mula “Sa Landas … (5)”: “Naaalala Ko ang Aking Ama na sinasabi sa Akin, ‘Sa lupa, isagawa Mo lamang ang Aking kalooban at tapusin ang Aking atas. Wala Ka nang ibang aalalahanin.’” Ano ang nakikita mo sa mga siping ito? Nang ang Diyos ay pumarito sa lupa, ginawa Niya lamang ang gawain ng pagka-Diyos. Ito ang komisyon ng makalangit na Espiritu sa Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay pumarito lamang upang pumunta sa lahat ng dako at mangusap, upang ihayag ang Kanyang tinig sa iba’t-ibang paraan at mula sa iba’t-ibang pananaw. Ang Kanyang pangunahing layunin at simulain sa paggawa ay ang tustusan ang tao at turuan sila. Hindi Niya inaalala ang mga bagay na katulad ng magkaakibat na panaong relasyon o ang mga salaysayin sa buhay ng tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay ang mangusap para sa Espiritu. Kapag nagpapakita sa katawang-tao ang Espiritu ng Diyos nang aktuwal, nagbibigay lamang Siya para sa buhay ng tao at inihahayag ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa mga gawain ng tao, iyon ay, hindi Siya nakikisali sa gawain ng sangkatauhan. Hindi maaaring gumawa ang tao ng maka-Diyos na gawain, at hindi nakikisali ang Diyos sa gawain ng tao. Sa loob ng ilang taong gumawa ang Diyos sa lupa, gumamit Siya ng mga tao upang isagawa ang mga gawain Niya. Ngunit ang mga taong ito ay hindi maituturing na Diyos na nagkatawang-tao; maituturing lamang silang mga taong ginamit ng Diyos. Ngunit ang Diyos ng ngayon ay maaaring tuwirang mangusap mula sa pananaw na pagka-Diyos, isugo ang tinig ng Espiritu, at gumawa sa ngalan ng Espiritu. Ang lahat ng mga tao na ginamit ng Diyos sa paglipas ng panahon ay nagtataglay din ng Espiritu ng Diyos sa kanilang mga katawan, ngunit bakit hindi sila maaaring tawaging Diyos? Ang Diyos ngayon ay Espiritu ng Diyos na tuwirang gumagawa sa laman, si Jesus rin ay Espiritu ng Diyos na gumagawa sa laman. Ang panghuling dalawang ito ay tinatawag na Diyos. Kaya’t ano ang pagkakaiba? Sa paglipas ng panahon, ang mga taong ginamit ng Diyos ay may mga karaniwang pag-iisip at katuwiran. Alam nilang lahat kung paano kumilos at pangasiwaan ang mga pangyayari sa buhay. Nagtataglay sila ng payak na kaisipan at mga karaniwang bagay na nararapat mayroon ang mga tao. Ang karamihan sa kanila ay mayroong mga bukod-tanging kakayahan at likas na talino. Sa paggawa sa pamamagitan ng mga taong ito, ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang mga kakayahan nila, na ibinigay ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang kumikilos upang gumana ang mga kakayahan nila, at ginagamit ang kanilang lakas upang paglingkuran ang Diyos. Ngunit, ang katangian ng Diyos ay malaya mula sa kaisipan at malaya mula sa diwa. Hindi nito isinasama ang mga kuro-kuro ng tao at mayroong kakulangan sa kung ano angkaraniwang tinataglay ng tao. Iyon ay dahil, hindi nauunawaan ng Diyos ang mga simulain ng pag-uugali ng tao. Ito ang mangyayari kapag ang Diyos ngayon ay bumababa sa lupa. Siya ay gumagawa at nangungusap na hindi isinasama ang mga makataong palagay at makataong kaisipan, ngunit tuwirang inihahayag ang orihinal na mga intensyon ng Espiritu at tuwirang gumagawa sa ngalan ng Diyos. Ito ay nangangahulugang ang Espiritu ay lumalabas upang gumawa, na hindi rin nagsasama ng kahit na kaunting pag-iisip ng tao. Iyon ay, ang Diyos na nagkatawang-tao na kumakatawan sa tuwirang pagka-Diyos, ay walang kaisipang pantao o ideolohiya, walang pagkakaunawa sa mga simulain ng pag-uugali ng tao. Kung mayroon lamang pagka-Diyos na gawain (nangangahulugan na kung ang Diyos Mismo lamang ang nagsasagawa ng gawain), ang gawain ng Diyos ay hindi maisasagawa sa lupa. Kaya kapag pumarito sa lupa ang Diyos, kailangan Niyang magkaroon ng ilang tao na magagamit Niya upang gumawa sa sangkatauhan na kaugnay sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng mga gawain ng tao upang alalayan ang Kanyang pagka-Diyos na gawain. Kung hindi, ang tao ay mahihirapang tuwirang makisama sa gawaing pagka-Diyos. Ganito ang nangyari kay Jesus at sa Kanyang mga alagad. Sa panahon ng Kanyang buhay, binuwag ni Jesus ang mga lumang kautusan at nagtatag ng mga bago. Siya rin ay madalas na nangusap. Ang lahat ng ito ay ginawa sa pagka-Diyos. Ang mga alagad Niya, katulad nina Pedro, Pablo at Juan, lahat sila ay nanalig sa mga salita ni Jesus bilang kanilang saligan. Iyon ay dahil, nagsasagawa ang Diyos sa panahon ng gawain sa paglulunsad, at inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Nagdala Siya ng bagong panahon at binuwag ang luma, at tinupad ang mga salitang “Ang Diyos ang Simula at ang Katapusan”. Sa madaling salita, dapat magsagawa ang tao ng gawain ng tao bilang saligan sa pagka-Diyos na gawain. Matapos sabihin ni Jesus ang mga nais Niyang sabihin at tinapos ang Kanyang gawain sa lupa, iniwan Niya ang tao. At ang mga tao ay gumawa ayon sa simulain ng Kanyang mga salita at gumawa ayon sa mga katotohanang sinabi Niya. Ang lahat ng mga taong ito ay gumagawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang nagsasagawa ng mga gawain, kahit gaano karaming ulit Siya mangusap, hindi pa rin mauunawaan ng mga tao ang mga salita Niya, dahil Siya ay gumagawa sa pagka-Diyos at maaari lamang mangusap nang maka-Diyos. Mahirap para sa Kanya ang magpaliwanag ng mga bagay na maiintindihan ng mga karaniwang tao. Kaya’t kinailangan Niya ang mga apostol at mga propetang sumunod sa Kanya upang punan ang gawain Niya. Ito ang simulain kung paano gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao—ginagamit ang katawang-tao upang mangusap at kumilos upang matapos ang gawaing pagka-Diyos, at ginagamit ang ilan pang mga tao na sumusunod sa puso ng Diyos na punan ang mga gawain ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga tao na nagawang sumunod sa Kanyang puso upang magpastol at diligan ang sangkatauhan sa gayon ay makatanggap ng katotohanan ang bawat tao.

Kidlat ng Silanganan |Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob


Kidlat ng SilangananDumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo  ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa pangangalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas. Magmula ngayon, nakápások Ako sa isang bagong kapanahunan, dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo. Nang bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” nagsimula Ako ng isa pang bahagi ng gawain sa orihinal Kong plano, upang Ako ay higit pang makilala ng mga tao nang mas malalim. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawain, kaya’t Ako ay nagmamadaling nagpaparoon at parito, ginagawa ang Aking bagong gawain sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong kapanahunan, at nakapagdala Ako ng bagong gawain upang dalhin ang mas maraming mga bagong tao sa bagong kapanahunan at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nakapagsagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawain na hindi maaarok ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na umindayog sa hangin, kung saan pagkatapos noon ay marami ang tahimik na naaanod kasama ng pag-ihip ng hangin. Katotohanan, ito ay ang “giikan” na malapit Ko nang linisin; ito ay ang Aking hinahangad at ito rin ay Aking plano. Sapagka’t maraming masasamang nilalang ang tahimik na nakagapang papasok habang Ako ay nasa gawain, nguni’t hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, pangangalatin Ko sila sa tamang panahon. Pagkatapos lamang noon na Ako ay magiging bukal ng buhay, nagpapahintulot sa mga yaon na tunay na nagmamahal sa Akin na tumanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ng mabangong samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang lupain ng alikabok, wala roong nananatiling purong ginto, kundi buhangin lamang, kaya’t, kinakatagpo ang mga kalagayang ito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng gawain. Dapat mong malaman na ang Aking tinatamo ay puro, pinong ginto, hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking bahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging mga dapò sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng bawa’t maiisip na paraan upang ang mga bagay na ito ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakamalay kung ano ang Aking gagawin. Kinukuha ang oportunidad na ito, pinalalayas Ko yaong mga masasama, at napipilitan silang iwan ang Aking presensya. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, nguni’t magkakaroon pa rin ng araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanasà ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay ibinabaling ko ang Aking katawan at ipinakikita ang Aking maluwalhating mukha sa mga bayang Gentil, upang ang mga tao ay makapanirahan sa isang mundo nang sila lamang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang patuloy Kong winiwika ang mga salita na dapat Kong sabihin, at tinutustusan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang napalaganap ang Aking gawain. Ipahahayag Ko pagkatapos ang Aking kalooban sa mga tao, at sisimulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawain sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawain, at hinahayaan ang mga tao na gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya upang isakatuparang kasama Ko ang gawaing marapat kong gawin.

Walang sinuman ang nananampalataya na makikita nila ang Aking kaluwalhaitan, at hindi Ko sila pinipilit, sa halip inililipat ang Aking kaluwalhatian mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan at dinadala ito sa isa pang mundo. Kapag ang mga tao ay nagsising muli, saka Ko ipamamalas ang Aking kaluwalhatian sa karamihan pa niyaong may paniniwala. Ito ang prinsipyo kung paano ako gumagawa. Dahil mayroong oras na ang Aking kaluwalhatian ay lilisanin ang Canaan, at mayroon ding panahon kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay lilisanin ang mga napili. Bilang karagdagan, mayroong isang panahon kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay lilisanin ang buong daigdig, magsasanhi upang ito ay maging makulimlim at isinasadlak ito sa kadiliman. Kahit ang lupain ng Canaan ay hindi makikita ang liwanag ng araw; mawawalan ang lahat ng tao ng kanilang pananampalataya, nguni’t walang sinuman ang kayang tiising iwan ang mabangong samyo ng lupain ng Canaan. Kapag dumaan Ako papunta sa bagong langit at lupa at saka Ko lamang ibubunyag ang iba pang bahagi ng Aking kaluwalhatian, una, sa lupain ng Canaan, magsasanhi ng kinang ng liwanag na sumikat sa buong daigdig, na nakalubog sa madilim na gabi, kung kaya’t ang buong daigdig ay lalapit sa liwanag. Hayaan ang lahat ng tao sa buong daigdig na lumapit upang humugot ng lakas mula sa kapangyarihan ng liwanag, pinahihintulutan ang Aking kaluwalhatian na tumindi pa at magpakita nang panibago sa bawat bansa. Hayaang mapagtanto ng buong sangkatauhan na matagal na Akong dumating sa mundo ng mga tao at matagal na ring dinala ang Aking kaluwalhatian mula Israel tungo sa Silangan; dahil ang Aking kaluwalhatian ay sumisikat mula sa Silangan, kung saan ito dinala mula sa Kapanahunan ng Biyaya hanggang sa araw na ito. Nguni’t ito ay mula sa Israel na Aking nilisan at mula roon na Ako ay dumating sa Silangan. Kung kailan lamang na ang liwanag ng Silangan ay marahang nagiging kulay puti saka ang kadiliman sa buong daigdig ay magsisimulang maging liwanag, at doon lamang matutuklasan ng tao na matagal na akong lumisan sa Israel at muling bumabangon sa Silangan. Yamang minsan na Akong nakábábâ sa Israel at sa dakong huli ay nilisan ito, hindi na Ako maipapanganak sa Israel, dahil ang Aking gawain ay pumapatnubay sa buong sansinukob, at ang higit pa, ang kidlat ay tuwirang kumikislap mula Silangan hanggang Kanluran. Sa kadahilanang ito nakábábâ Ako sa Silangan at dinala ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Hinahangad ko na dalhin ang mga tao mula sa buong daigdig tungo sa lupain ng Canaan, kaya’t ipinagpapatuloy kong ilabas ang Aking mga pagbigkas sa lupain ng Canaan upang pigilan ang buong sansinukob. Sa panahong ito, walang liwanag sa buong daigdig maliban sa Canaan, at lahat ng tao ay nasa panganib ng gutom at lamig. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadálá Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito. Pahihintulutan Ko ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag at makita ang kaluwalhatian na mayroon Ako noon sa Israel; sila ay pahihintulutan Ko na makitang matagal na Akong nakábábâ mula sa isang puting ulap tungo sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at hayaan silang makita ang hindi-mabilang na mga ulap na puti at masaganang kumpul-kumpol na prutas, at higit pa rito, hayaan silang makita si Jehova na Diyos ng Israel. Sila ay hahayaan Kong tumingin sa Panginoon ng mga Hudyo, ang kinasasabikang Mesiyas, at sa buong pagpapakita Ko na inuusig na ng mga hari sa buong mga kapanahunan. Ako ay gagawa sa buong sansinukob at Ako ay gaganap ng dakilang gawain, ibinubunyag ang Aking buong kaluwalhatian at lahat ng Aking mga gawa sa tao sa mga huling araw. Ipakikita Ko ang Aking maluwalhating mukha sa kapuspusan nito sa mga naghintay sa Akin nang maraming taon, sa mga nanabik sa Akin na dumating sa ibabaw ng puting ulap, sa Israel na nanabik sa Akin na magpakitang muli, at sa buong sangkatauhan na siyang umuusig sa Akin, upang ang lahat ay makaalam na matagal Ko nang inalis ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, nang sa gayon ito ay wala na sa Judea. Sapagka’t ang mga huling araw ay nakárátíng na!

Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa “Bundok ng mga Olivo” ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang “sanggol” na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!


mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Talababa:

a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang pariralang “makita na.”


Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos—ang nagbalik na Panginoong Jesus—ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong




 Kidlat ng SilangananAng Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago,

at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.

Habang mas maraming gawain ang Diyos

mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

   Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad.Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: "Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian." Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupa kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lupang ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng yugto ng Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahulugan ng lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at yaong mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Judas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at doon nagkakamit yaong mga ninanais Niyang magkamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

Kidlat ng Silanganan | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)



Kidlat ng Silanganan | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig
Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.
Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay pangkaharian.
Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,
nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.
Salita Mo’y umaakay sa amin at kami’y matamang sumusunod sa Iyo.
Sa D’yos na biyaya, disposisyong masama ay naiwaksi.
Lasap namin ang salita ng D’yos at namumuhay ng isang bagong buhay sa harap Niya.
Mahalin puso ng D’yos, tunay na ibigin Siya, pasalamatan at purihin Siya.
La la la la la ... la la la la la ...

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan


Ang anim-na-libong-taong plano sa  pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinanabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad ito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan natin ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang miminsan ngunit ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang pagpapakita ng Diyos, at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumaba sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain sa pag-umpisa ng isang Kapanahunan at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang relihiyosong pamamaraan. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang panukala; ito ay, sa halip, para sa kapakanan ng isang yugto ng gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at ito ay laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao. Ang Diyos ay isinasagawa ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa iba sa alinmang mga panahon. Hindi ito lubos na maisip ng tao, at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na naguumpisa ng bagong Kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain, para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, it ang gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahalagahan ng pagpapakita ng Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Kidlat ng Silanganan | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan 
Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

Ano ang dapat ninyong malaman:

1. Ang gawain ng Diyos ay hindi higit-sa-natural, at hindi kayo dapat magkimkim ng mga pagkaintindi ukol dito.

2. Dapat ninyong maunawaan ang pangunahing gawaing isasakatuparan sa pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahong ito.

Hindi Siya dumating upang magpagaling, o magpalayas ng mga demonyo, o upang magpakita ng mga milagro, at hindi Siya naparito upang palaganapin ang ebanghelyo ng pagsisisi, o pagkalooban ang tao ng katubusan. Iyan ay dahil naisakatuparan na ni Jesus ang gawaing ito, at hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Sa kasalukuyan, naparito ang Diyos upang dalhin sa katapusan ang Kapanahunan ng Biyaya at tanggalin ang lahat ng kaugalian ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang praktikal na Diyos ay naparito upang ipakita na Siya ay totoo. Noong dumating si Jesus, Siya ay nagwika ng kaunting mga salita; una sa lahat, nagpakita Siya ng mga milagro, nagpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagpagaling at nagpalayas ng mga demonyo, kung hindi, nagwika Siya ng mga propesiya upang mapaniwala ang tao, at upang tulungan ang tao na makita na Siya ay totoong Diyos, at isang mahinahong Diyos na walang kinakatigan. Sa huli, kinumpleto Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus. Ang Diyos ng kasalukuyan ay hindi nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, ni hindi Siya nagpapagaling at nagpapalayas ng mga demonyo. Noong dumating si Jesus, kinatawan ng gawaing Kanyang ginawa ang isang bahagi ng Diyos, nguni’t sa kasalukuyan ay dumating ang Diyos upang isagawa ang yugto ng gawain na nararapat, dahil ang Diyos ay hindi umuulit ng parehong gawain; Siya ang Diyos na laging bago at hindi naluluma, at dahil dito lahat nang nakikita mo ngayon ay ang mga salita at gawain ng praktikal na Diyos.

Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay dumating pangunahin upang wikain ang Kanyang mga salita, upang ipaliwanag ang lahat ng kinakailangan sa buhay ng tao, upang ituro kung ano ang dapat pasukin ng tao, upang ipakita sa tao ang mga gawa ng Diyos, at upang ipakita sa tao ang karunungan, walang-hanggang kapangyarihan, at pagiging-kamangha-mangha ng Diyos. Sa pamamagitan ng maraming paraan kung paano nagwiwika ang Diyos, nakikita ng tao ang pagiging-kataas-taasan ng Diyos, ang kalakihan ng Diyos, at, higit pa rito, ang kababaang-loob at pagiging-kubli ng Diyos. Nakikita ng tao na ang Diyos ay kataas-taasan, nguni’t Siya rin ay mapagkumbaba at nakakubli, at maaaring maging pinakamababa sa lahat. Ilan sa Kanyang mga salita ay winika nang tuwiran mula sa perspektibo ng Espiritu, ilan sa Kanyang mga salita ay winika nang direkta mula sa perspektibo ng tao, at ilan sa Kanyang mga salita ay winika mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan. Dito maaaring makita na ang pamamaraan ng gawain ng Diyos ay higit na paiba-iba at sa pamamagitan ng mga salita na pinahihintulutan Niya ang tao na makita ito. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay parehong normal at totoo, at dahil dito ang pangkat ng mga tao sa mga huling araw ay isinasailalim sa pinakamatindi sa lahat ng mga pagsubok. Dahil sa pagiging-karaniwan at pagiging-tunay ng Diyos, ang lahat ng tao ay pumasok sa gitna ng mga pagsubok na iyon; na lumusong ang tao sa mga pagsubok ng Diyos ay dahil sa pagiging-karaniwan at pagiging-tunay ng Diyos. Noong panahon ni Jesus, walang mga pagkaintindi o mga pagsubok. Dahil karamihan sa gawain na naisakatuparan ni Jesus ay ayon sa mga pagkaintindi ng tao, sinunod Siya ng mga tao, at wala silang naging mga pagkaintindi tungkol sa Kanya. Ang mga pagsubok sa kasalukuyan ay ang pinakamatinding kinakaharap ng tao, at kapag sinabi na ang mga taong ito ay nakalabas mula sa malaking kapighatian, ito ang matinding paghihirap na tinutukoy dito.

Sa kasalukuyan, nangungusap ang Diyos sa mga tao upang lumikha sa kanila ng pananampalataya, pag-ibig, pagdurusa, at pagsunod. Ang mga salitang winika ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay naaayon sa sangkap ng kalikasan ng tao, ayon sa asal ng tao, at ayon sa kung saan dapat pumasok ang tao sa kasalukuyan. Ang Kanyang paraan ng pananalita[a] ay kapwa totoo at normal: Hindi Siya nangungusap nang patungkol sa kinabukasan, ni hindi rin Siya lumilingon sa nakaraan; nangungusap lamang Siya tungkol doon sa kung ano ang dapat na mapasok, maisagawa, at maintindihan sa kasalukuyan. Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at magpagaling, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila ang pagdating ni Jesus, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at ang Diyos ay hindi na kailanman magsasagawa ng yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao; halimbawa, hinulaan na ng Lumang Tipan ang pagdating ng Mesiyas, nguni’t ang nangyari ay dumating si Jesus, kung kaya’t hindi tama na dumating ang isa pang Mesiyas. Dumating na nang minsan si Jesus, at ito ay magiging mali kapag si Jesus ay darating pang muli sa panahong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawa’t kapanahunan, at bawa’t pangalan ay inilalarawan ng kapanahunan. Sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay dapat na laging magpakita ng mga tanda at kababalaghan, dapat laging magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at dapat laging maging katulad ni Jesus, nguni’t sa panahon ngayon ang Diyos ay hindi na katulad noon. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling—kung ginawa Niya nang eksakto ang ginawa ni Jesus—kung gayon, uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o silbi. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawa’t panahon. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, ito ay agad na ginagaya ng mga masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang yapak ng Diyos, ang Diyos ay nagpapalit ng pamamaraan; kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ito ay ginagaya ng mga masasamang espiritu. Kailangan ninyong maging malinaw tungkol sa mga bagay na ito. Bakit ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay kaiba sa gawain ni Jesus? Bakit hindi nagpapakita ang Diyos ngayon ng mga tanda at kababalaghan, hindi nagpapalayas ng mga demonyo, at hindi nagpapagaling? Kung ang gawain ni Jesus ay kapareho ng gawain na naisakatuparan noong Kapanahunan ng Kautusan, maaari ba Siyang naging kinatawan ng Diyos ng Kapanahunan ng Biyaya? Maaari bang nakumpleto ni Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus? Kung, gaya noong Kapanahunan ng Kautusan, pumasok si Jesus sa templo at pinanatili ang Araw ng Pamamahinga, kung gayon ay wala sanang umusig sa Kanya at tinanggap Siya ng lahat. Kung gayon, napako kaya Siya sa krus? Nakumpleto kaya Niya ang gawain ng pagtubos? Ano ang magiging punto kung ang Diyos na nagkatawang-tao nitong mga huling araw ay nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, gaya ni Jesus? Kung ginagawa lamang ng Diyos ang isa pang yugto ng Kanyang gawain sa mga huling araw, isang kumakatawan sa isang bahagi ng Kanyang plano sa pamamahala, maaaring makatamo ang tao ng mas malalim na pagkakilala sa Diyos, at doon lamang maaaring makumpleto ang plano sa pamamahala ng Diyos.

Sa panahon ng mga huling araw naparito ang Diyos pangunahin na upang wikain ang Kanyang mga salita. Nagsasalita Siya mula sa perspektibo ng Espiritu, mula sa perspektibo ng tao, at mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan; nagsasalita Siya sa iba’t-ibang paraan, gamit ang isang paraan sa isang panahon, at gumagamit ng mga paraan ng pagsasalita upang baguhin ang mga pagkaintindi ng tao at alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao. Ito ang pangunahing gawain na naisakatuparan ng Diyos. Dahil naniniwala ang tao na naparito ang Diyos upang magpagaling, magpalayas ng mga demonyo, magpamalas ng mga milagro, at upang magkaloob ng mga materyal na biyaya sa tao, isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito ng gawain—ang gawain ng pagkastigo at paghatol—upang alisin ang mga gayong bagay mula sa mga pagkaintindi ng tao, upang malaman ng tao ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos, at upang ang imahe ni Jesus ay maaaring maalis sa kanyang puso at mapalitan ng bagong imahe ng Diyos. Sa oras na ang imahe ng Diyos sa puso ng tao ay maging luma, ito ay nagiging isang idolo. Nang dumating si Jesus at isinagawa ang yugtong iyon ng gawain, hindi Niya kinatawan ang kabuuan ng Diyos. Nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, nagwika ng ilang mga salita, at sa bandang huli ay napako sa krus, at kumatawan Siya sa isang bahagi ng Diyos. Hindi Siya maaaring kumatawan sa kabuuan ng Diyos, nguni’t kumatawan sa Diyos sa paggawa ng isang bahagi ng gawain ng Diyos. Iyan ay dahil ang Diyos ay labis na dakila, at lubhang kamangha-mangha, at hindi maarok, at dahil ginagawa lamang ng Diyos ang isang bahagi ng Kanyang gawain sa bawa’t panahon. Ang pangunahing gawain ng Diyos sa panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Kautusan, pinangunahan ni Jehova si Moises palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at nagwika ng ilang mga salita sa mga Israelita; noong panahong iyon, ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos ay ginawang payak, nguni’t dahil ang kakayahan ng tao ay limitado at walang anumang makakapagpakumpleto ng kanyang kaalaman, ipinagpatuloy ng Diyos ang pagwiwika at paggawa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Nakaya ni Jesus na magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at mapako sa krus, tatlong araw matapos noon Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa laman sa harap ng tao. Tungkol sa Diyos, wala nang iba pang nalaman ang tao bukod dito. Ang nalalaman lamang ng tao ay ang mga ipinakikita ng Diyos sa kanya, at kung ang Diyos ay wala nang ipakikita sa tao, kung gayon ay hanggang doon lamang ang hangganan ng Diyos para sa tao. Dahil dito, ang Diyos ay nagpapatuloy sa paggawa, upang ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay maging mas malalim, at upang unti-unti niyang malaman ang sangkap ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang tao. Ang iyong tiwaling disposiyon ay isinisiwalat ng mga salita ng Diyos, at ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi ay pinapalitan ng katotohanan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, una sa lahat, ay dumating dito upang isakatuparan ang mga salita na “ang Salita ay nagiging katawang-tao, ang Salita ay dumarating sa katawang-tao, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao.” at kung wala kang sapat na kaalaman tungkol dito, kung ganoon hindi mo pa rin kayang tumayo nang matatag; sa panahon ng mga huling araw, unang-unang layunin ng Diyos ang makagawa ng isang yugto ng gawain kung saan ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ito ay isang bahagi ng plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya naman, ang inyong pagkakilala ay dapat maging malinaw; hindi alintana ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang tao na limitahan Siya. Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito sa panahon ng mga huling araw, kung gayon ang pagkakilala ng tao tungkol sa Kanya ay hindi maaaring lumawak pa. Malalaman mo lamang na ang Diyos ay maaaring mapako sa krus at maaaring wasakin ang Sodoma, at si Jesus ay maaaring maibangon mula sa mga patay at magpakita kay Pedro…. Nguni’t hindi mo kailanman masasabi na matutupad ng mga salita ng Diyos ang lahat, at maaaring lupigin ang tao. Sa pamamagitan lamang ng pagdaranas sa mga salita ng Diyos na maaari kang makapagsalita tungkol sa gayong pagkakilala, at kung higit pang gawain ng Diyos ang iyong maranasan, higit ding magiging lubos ang pagkakilala mo sa Kanya. Doon mo lamang maititigil ang paglilimita sa Diyos sa iyong mga pagkaintindi. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang gawain, at walang iba pang tamang paraan upang kilalanin ang Diyos. Sa kasalukuyan, maraming tao ang walang ginagawa kung hindi maghintay lamang na makakita ng mga tanda at mga kababalaghan at ng panahon ng delubyo. Naniniwala ka ba sa Diyos, o ikaw ba ay naniniwala sa delubyo? Kung ikaw ay maghihintay hanggang sa delubyo ay magiging napakahuli na ang lahat, at kung ang Diyos ay hindi magpapadala ng delubyo, Siya ba ay hindi na Diyos? Naniniwala ka ba sa mga tanda at kababalaghan, o ikaw ba ay naniniwala sa Diyos Mismo? Hindi nagpakita si Jesus ng mga tanda at kababalaghan noong Siya ay pinagtawanan ng iba; hindi ba Siya Diyos? Naniniwala ka ba sa mga tanda at mga kababalaghan, o naniniwala ka ba sa sangkap ng Diyos? Ang mga pananaw ng tao tungkol sa paniniwala sa Diyos ay mali! Si Jehova ay nagwika ng maraming mga salita noong Kapanahunan ng Kautusan, nguni’t kahit ngayon ang ilan sa mga iyon ay hindi pa naisasakatuparan. Masasabi mo bang si Jehova ay hindi Diyos?

Sa kasalukuyan, dapat maging malinaw sa inyong lahat na, sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan ng “ang Salita ay nagiging katawang-tao” na isinasakatuparan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa daigdig, pinahihintulutan Niya ang tao upang makilala Siya, at upang makiisa sa Kanya, at upang makita ang Kanya mismong mga gawa. Pinahihintulutan Niya ang tao na makita nang malinaw na kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at may mga panahon din na hindi Niya kayang gumawa ng mga ito, at ito ay nababatay sa kapanahunan. Mula rito, maaari mong makita na ang Diyos ay hindi hindi-kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, bagkus ay binabago ang Kanyang paggawa ayon sa Kanyang gawain, at ayon sa kapanahunan. Sa kasalukuyang yugto ng gawain, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan; na kaya Siya ay nagpakita ng ilang mga tanda at kababalaghan sa kapanahunan ni Jesus ay dahil sa kakaiba ang gawain Niya nang panahong iyon. Hindi na ginagawa ng Diyos ang gawaing iyon ngayon, at ang ilang tao ay naniniwala na wala Siyang kakayahang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, o di kaya naman ay iniisip nila na kung hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, ay hindi Siya Diyos. Hindi ba iyon isang kamalian? Ang Diyos ay kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, nguni’t Siya ay kumikilos sa ibang kapanahunan, kaya naman hindi Siya gumagawa ng nasabing gawain. Dahil ito ay sa ibang kapanahunan, at dahil ito ay ibang yugto ng gawain ng Diyos, maging ang mga gawang ginawang payak ng Diyos ay kakaiba rin. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi ang paniniwala sa mga tanda at kababalaghan, ni hindi ang paniniwala sa mga milagro, bagkus ang paniniwala sa Kanyang tunay na gawain sa bagong kapanahunan. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan nang paggawa ng Diyos, at ang pagkakilalang ito ang nagbubunga sa tao ng paniniwala sa Diyos, na ang ibig sabihin, ang pananampalataya sa gawain at mga gawa ng Diyos. Sa yugtong ito ng gawain, ang Diyos ang pangunahing nagsasalita. Huwag kang maghintay na makakita ng mga tanda at kababalaghan; hindi mo makikita ang mga ito! Dahil hindi ka ipinanganak noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung ikaw nga ay ipinanganak noon, nakakita ka sana ng mga tanda at kababalaghan, nguni’t ikaw ay ipinanganak nitong mga huling araw, at dahil dito ay maaari mo lamang makita ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos. Huwag umasa na makita ang higit-sa-karaniwang Jesus nitong mga huling araw. Ang makikita mo lamang ay ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, na hindi kaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Sa bawa’t kapanahunan, ginagawang malinaw ng Diyos ang mga iba’t-ibang gawa. Sa bawa’t kapanahunan, ginagawa Niyang payak ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos, at ang gawain ng bawa’t kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kumakatawan sa isang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Ang mga gawang Kanyang ginagawang payak ay magkakaiba ayon sa kapanahunan kung kailan Siya ay kumikilos, nguni’t lahat ng mga iyon ay nagsasanhi sa tao ng pagkakilala sa Diyos na mas malalim, isang paniniwala sa Diyos na mas mapagkumbaba, at mas totoo. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa lahat ng gawa ng Diyos, at dahil ang Diyos ay labis na kamangha-mangha, labis na dakila, dahil Siya ay Makapangyarihan-sa-lahat, at hindi maarok. Kung naniniwala ka sa Diyos dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at kayang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, kung gayon ang iyong pananaw ay mali, at ang ilang tao ay magsasabi sa iyo, “Hindi ba ang mga masasamang espiritu ay kaya ring gawin ang mga bagay na iyon?” Hindi ba ito upang mapagkamalan ang imahe ng Diyos sa imahe ni Satanas? Sa kasalukuyan, ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa Kanyang maraming mga gawa at dahil sa maraming kaparaanan kung saan Siya ay gumagawa at nagwiwika. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas upang lupigin ang tao at gawin siyang perpekto. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa Kanyang maraming mga gawa, hindi dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nauunawan lamang Siya ng tao dahil nakikita nila ang Kanyang mga gawa. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaalam ng mga aktwal na gawa ng Diyos, kung paano Siya gumagawa, ang matalinong mga pamamaraan na Kanyang ginagamit, paano Siya nagwiwika, at kung paano Niya ginagawang perpekto ang tao—sa pamamagitan lamang ng pagkakaalam ng mga aspetong ito—saka mo maaabot ang pagiging-tunay ng Diyos at maiintindihan ang Kanyang disposisyon. Kung ano ang Kanyang nais, kung ano ang Kanyang kinasusuklaman, kung paano Siya gumagawa sa tao—sa pamamagitan ng pagkaunawa sa mga nais at hindi-nais ng Diyos, maaari mong pag-ibahin kung alin ang positibo at negatibo, at sa pamamagitan ng iyong pagkakilala sa Diyos ay mayroong pag-unlad sa iyong buhay. Sa madaling salita, kailangan mong magkaroon ng pagkakilala sa gawa ng Diyos, at dapat mong ituwid ang iyong mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos.

mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay naglalaman ng salitang “Ito.”

Ang pinagmulan:
Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos—ang nagbalik na Panginoong Jesus—ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Awit ng Taos-pusong Pagkapit



Kidlat ng Silanganan | Awit ng Taos-pusong Pagkapit
Narito S’ya, S’ya’y D’yos sa laman.
Wika’t gawa Niya ay totoong lahat.
Dunong N’ya’t pagkamat’wid, mahal ko.
Nakita’t nakamtan S’ya, kaypalad ko.
Narito S’ya, S’ya’y D’yos sa laman.
Wika’t gawa N’ya, totoong lahat.
Dunong N’ya’t pagkamat’wid, mahal ko.
Nakita’t nakamtan S’ya, kaypalad ko.
Puso’t pag-ibig N’ya’y angkin.
Ibigi’t sundan S’ya, o aking sinta.
S’ya’y iniibig, kaytamis, nagtitiis para sa Kanya.
Kamtin at ibigin S’ya, mabuhay para sa Kanya.

Kidlat ng Silanganan | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Minarkahan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Praktikal

Kidlat ng Silanganan | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo
   Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala mo lamang ang Tao—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagunawa sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, pati, kabilang dito ang pagkilala sa bawa't pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, dapat mo munang malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; dito, naman, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na pinagkakaabalahan ng lahat.

Kidlat ng Silanganan | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na




Kidlat ng Silanganan | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na

ga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi.


Kidlat ng Silanganan | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa


Kidlat ng Silanganan | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

      Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?