Ang gawain ng Diyos sa mga tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Kanya. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang gawain ay hindi mapaghihiwalay mula sa Diyos, at pinamamahalaan ng mga kamay Niya, at maaari ring masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring tumanggi rito, dahil ito ay katotohanan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakana ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinaggagalingan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi maaaring humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit sa lahat, ay walang layuning humiwalay sa tao. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at ang saloobin Niya ay laging mabuti. Ang gawain ng Diyos at ang mga saloobin Niya (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) aykapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao. Ang mga ganoong pangitain ay pamamahala rin ng Diyos, at gawain na hindi kayang isagawa ng tao. Ang mga atas ng Diyos sa tao sa gawain Niya ay tinatawag na “pagsasagawa” ng tao. Ang mga pangitain ay ang sariling gawain ng Diyos Mismo, o ang kalooban Niya para sa sangkatauhan o ang mga layunin at kahalagahan ng gawain Niya. Ang mga pangitain ay maaari ring sabihin na bahagi ng pamamahala, dahil ang pamamahalang ito ay gawain ng Diyos, at ito ay nakatuon sa tao, na nangangahulugang ito ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa mga tao. Ang gawaing ito ay ang patunay at ang daan kung saan makikilala ng tao ang Diyos, at ito ay mahalagang-mahalaga para sa tao. Kung, sa halip na magbigay-pansin sa kaalaman na gawain ng Diyos, nagbibigay-pansin lamang ang mga tao sa mga aral ng paniniwala sa Diyos, o sa mga mabababaw at hindi makabuluhangsalaysayin, hindi nila makikilala ang Diyos, at, higit pa rito, sila’y hindi makasusunod sa puso ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay lubhang makatutulong sa kaalaman ng tao patungkol sa Diyos, at ito ay tinatawag na mga pangitain. Ang mga pangitain ay ang gawain ng Diyos, ang kalooban Niya, at ang layunin at kahalagahan ng gawain ng Diyos; ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng tao. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa kung ano ang dapat isagawa ng tao, kung ano ang dapat gawin ng mga nilalang na sumusunod sa Diyos. Ito ay tungkulin din ng tao. Ang dapat gawin ng tao ay hindi isang bagay na madaling maunawaan ng tao sa simula, ngunit mga atas na ginawa ng Diyos para sa tao sa gawain Niya. Ang mga atas na ito ay unti-unting naging mas malalim at mataas sa paggawa ng Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, kailangang sundin ng tao ang utos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, kailangang pasanin ng tao ang kanilang krus. Iba ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang mga atas sa tao ay mas matataas kaysa sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Habang ang mga pananaw ay mas nagiging mataas, ang mga atas sa tao ay mas nagiging mataas, at nagiging mas malinaw at mas makatotohanan. Gayon din, ang mga pangitain ay mas nagiging makatotohanan. Ang maraming totoong pangitaing ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa pagsunod ng tao sa Diyos, ngunit, higit dito, ay kapaki-pakinabang sa kanyang kaalaman tungkol sa Diyos.