Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas

sansinukob, Job, salita ng Diyos, Pedro, Pablo

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas


  Iniiwan ng mga salita ng Diyos ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo; ito ay para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na parang wala Siyang kahit anong iniisip na pag-ukulan ng anumang pansin ang mga gawa ng tao, at ganap na walang pakialam sa tayog ng mga tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasalita ay hindi nakatuon sa mga pagkaintindi ng mga tao, kundi umiiwas sa tao, gaya ng orihinal na hangarin ng Diyos. Sa maraming kadahilanan, ang mga salita ng Diyos ay di-matarok at di-mapasok ng tao. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos ay hindi para magkamit ang mga tao ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan o tanging kasanayan mula sa mga iyon; sa halip, ang mga iyon ay isa sa mga pamamaraan kung saan sa pamamagitan nito ay nakagawa ang Diyos mula sa simula hanggang sa ngayon. Sabihin pa, mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay nakatamo ng mga bagay-bagay kaugnay sa mga hiwaga, o mga bagay-bagay hinggil kay Pedro, Pablo, at Job—nguni’t ito ang dapat nilang makamtan, at kung ano ang kaya nilang makamtan, at, gaya ng akma sa kanilang tayog, narating na nito ang taluktok nito. Bakit ganoon na ang resulta na hinihingi ng Diyos na makamit ay hindi mataas, gayunman ay nakapagsalita Siya ng napakaraming mga salita? Ito ay kaugnay sa pagkastigo na Kanyang sinasalita, at likas lamang, ito ay nakakamit lahat nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagtitiis ng higit na pagdurusa sa ilalim ng mga pagsalakay ng mga salita ng Diyos. Sa ibabaw, walang sinuman sa kanila ang tila napakitunguhan, ang mga tao ay nagsimulang mapalaya sa paggawa ng kanilang gawain, at ang mga taga-serbisyo ay naitaas bilang mga tao ng Diyos—at dito, nakikita sa mga tao na sila ay nakapasok sa pagtatamasa. Sa katunayan, ang realidad ay, mula pagpipino, sila ay nakapasok tungo sa mas mahigpit na pagkastigo. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga yugto ng Aking gawain ay malápít na nakaugnay ang isa sa kasunod, bawa’t isa ay higit na mas mataas.” Iniahon ng Diyos ang mga taga-serbisyo mula sa walang-hanggang kalaliman at ibinulid sila tungo sa lawa ng apoy at asupre, kung saan ang pagkastigo ay higit na nakakapighatî. Sa gayon, sila ay nagdurusa ng mas matinding paghihirap, kung saan mula rito ay bahagya na silang makatatakas. Hindi ba’t ang gayong pagkastigo ay mas nakakapighatî? Yamang nakapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, bakit ganito na ang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa halip na anumang kasayahan? Bakit sinasabi na yamang napalaya mula sa mga kamay ni Satanas, sila ay ibinigay sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalaala mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling paghihirap ay nagpapatotoo nang malakas at umaalingawngaw para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung ang mga tao ay hindi naibigay sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino ang kahit kailan ay nakabigkas ng mga salitang gaya ng “Natalo ko ang dyablo” matapos silang magpakamatay? Ang magpakamatay pagkatapos na ituring ang kanilang laman bilang ang kaaway—nasaan ang tunay na kahalagahan nito? Bakit nagsalita ang Diyos nang ganoon? “Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan.” Kung inaasam ng Diyos na yaong mga walang peklat ay maging Kanyang pagpapahayag, bakit Siya matiyaga at masigasig na nagsalita ng napakaraming salita mula sa pananaw ng tao upang labanan ang mga pagkaintindi ng mga tao? Bakit Siya mag-aabala para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Kaya ito ay nagpapakita na may tunay na kahalagahan sa pagsasakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang laman matapos maging nagkatawang-taong laman at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi magiging dalisay at ang tao ay hindi magiging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Ano ang kahulugan kapag ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa esensya ng tao? Sa mga mata ng mga tao, ang laman ay nagpapakitang walang kakayahang gawin ang anumang bagay, o kaya ay masyadong kulang. Sa mga mata ng Diyos, ito ay hindi kailanman mahalaga—nguni’t sa tao, ito ay malaking usápín. Para bang sila ay lubos na walang kakayahang lutasin ito at ito ay dapat na personal na hawakan ng isang katawang makalangit—hindi ba ito pagkaintindi ng mga tao? “Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang ‘maliit na bituin’ na bumaba mula sa kalangitan, isang maliit na bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos’.” Yamang ang mga tao ay walang kabuluhan, bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanilang mga pagkaintindi mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari kayang ito rin ay karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila.” Dahil ang tantiya ng mga tao sa Diyos ay “napakataas,” maraming mga bagay ang “hindi-kayang-makamit” para sa Diyos, na naglalagay sa Kanya sa “mahirap na kalagayan.” Bahagya lamang nababatid ng mga tao na ang hinihingi nila sa Diyos na makayang gawin ay kanilang mga pagkaintindi. At hindi ba’t ito ang tunay na kahulugan ng “Ang isang matalas na tao ay maaaring maging biktima ng kanyang sariling katalinuhan”? Ito ay tunay na isang halimbawa ng “matalas sa pangkalahatan, nguni’t sa sandaling ito isang hangal”! Sa inyong pangangaral, inyong hinihingi na bitawan ng mga tao ang Diyos ng kanilang mga pagkaintindi, at ang Diyos ba ng inyong mga pagkaintindi ay nakaalis na? Paano mabibigyang pakahulugan ang mga salita ng Diyos na “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao”? Ang mga iyon ay hindi upang gawing negatibo at walang-galang ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay tunay na ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na naguguni-guni ng mga tao?
  
  Bagaman may mga nakabasa sa lahat ng mga salita na sinalita ng Diyos at makapagkakaloob ng pangkalahatang balangkas ng mga iyon, sino ang makapagsasalita kung ano ang sukdulang layunin ng Diyos? Ito ang kulang sa sangkatauhan. Kung mula man sa anong pananaw nagsasalita ang Diyos, ang Kanyang pangkalahatang layunin ay upang ipakilala sa mga tao ang Diyos na nasa katawang-tao. Kung wala ang pagiging tao—kung ang lahat ng nasa Kanya ay ang katangian ng Diyos sa langit—kung gayon ay wala ng pangangailangan para sa Diyos na magsalita ng ganoong karami. Maaaring masabi na ang kulang sa mga tao ay ang pasimulang-gamit na mga materyales na nakakaugnay sa mga salita ng Diyos. Na ang sabihing, kung ano ang nahahayag sa tao ay ang panimulang-batayan ng kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mga pagkaintindi ng mga tao, at sa gayon, ang mga tao ay naglilingkod sa mga pagbigkas ng Diyos. Likas lamang na, ito ay nakabatay sa kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mga pagkaintindi ng mga tao—tanging sa paraang ito lamang masasabi na ito ay ang kumbinasyon ng teyorya at realidad, sa gayon lamang ang mga tao ay mas mabisang mapapaging-seryoso tungkol sa pagkilala sa kanilang mga sarili. Ano ang magiging punto kung ang Diyos sa katawang-tao ay katugma ng mga pagkaintindi ng mga tao at ang Diyos ay nagpatotoo rin sa Kanya? Eksaktong dahil dito kaya ang Diyos ay gumagawa mula sa negatibong panig, ginagamit ang mga pagkaintindi ng mga tao upang paliwanagin ang Kanyang dakilang kapangyarihan. Hindi ba ito ang karunungan ng Diyos? Lahat ng ginagawa ng Diyos sa bawa’t isa ay mabuti—kaya bakit hindi magbigay ng papuri sa panahong ito? Kung ang mga bagay-bagay ay nakaabot sa isang tiyak na punto, o dumating ang araw, ikaw ba, gaya ni Pedro, ay makabibigkas ng mga panalangin mula sa kaibuturan ng iyong sarili sa gitna ng mga pagsubok? Tangi lamang, tulad ni Pedro, kung kaya mo pa ring purihin ang Diyos kapag nasa mga kamay ni Satanas magkakaroon ng tunay na kahulugan ang “maging napalaya mula sa gapos ni Satanas, pinagtatagumpayan ang laman, at pinagtatagumpayan si Satanas.” Hindi ba ito isang higit na tunay na patotoo para sa Diyos? Ito lamang ang bunga na nakamit ng “pagka-Diyos na dumarating upang kumilos at ng pitong-ulit na pinatinding Espiritu na gumagawa sa tao,” kaya’t, ganoon din, ito ang bunga na nakamit ng “Espiritu na lumalabas mula sa katawang-tao.” Ang gayong mga pagkilos ba ay hindi tunay? Dati ay lagi mong pinag-uukulan ng pansin ang realidad, nguni’t mayroon ka bang tunay na kaalaman tungkol sa realidad sa ngayon? “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao, gayunman ay kabaligtaran ang paniniwala ng mga tao. Sa gayon, ang kanilang “kapakumbabaan” ay nabunyag sa bawa’t galaw nila. Sila ay laging may pananagutan na lumakad sa unahan Ko pinangungunahan Ako sa daan, lubhang natatakot na Ako ay maliligaw, nahihintakutan na Ako ay gagala tungo sa matandang mga kagubatan sa kaloob-looban ng mga kabundukan. Bunga nito, lagi Akong napapangunahan ng mga tao pasulong, takót na takót na Ako ay lalakad tungo sa madilim na bilangguan.” Ano ang inyong kaalaman tungkol sa payak na mga salitang ito—kaya ba ninyong tunay na tarukin ang mga ugat ng mga salita ng Diyos sa mga ito? Napag-ukulan ba ninyo ng pansin kung tungkol sa aling mga paniwala ninyo nasalita ng Diyos ang gayong mga salita? Ang inyo bang pansin sa bawa’t araw ay nakatuon sa susing puntong ito? Sa unang pangungusap ng sumunod na bahagi, na kaagad na sumusunod, sinasabi ng Diyos, “Gayunman ang mga tao ay hindi nakababatid ng Aking kalooban at patuloy na nananalangin para sa mga bagay-bagay mula sa Akin, na para bang ang mga kayamanang naipagkaloob Ko sa kanila ay walang kakayahang katagpuin ang kanilang mga pangangailangan, na para bang nahihigitan ng kinakailangan ang tustos.” Sa pangungusap na ito makikita kung ano ang mga paniwala sa loob ninyo. Hindi tinatandaan o iniimbestigahan ng Diyos kung ano ang ginawa ninyo sa nakaraang mga panahon, kaya huwag nang isipin ang tungkol sa mga bagay ng nakaraan. Ang higit na mahalaga ay kung kaya ninyong likhain “ang espiritu ni Pedro sa huling kapanahunan” sa landas ng hinaharap—mayroon ba kayong pananampalataya upang makamit ito? Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay walang iba kundi ang pagtulad kay Pedro, upang ang mga tao ay maaaring sukdulang makapagbuo ng isang landas upang magdala ng kahihiyan sa malaking pulang dragon. Dahil dito kaya sinasabi ng Diyos na, “Umaasa lamang Ako na ang mga tao ay may paninindigan na makipagtulungan sa Akin. Hindi Ko hinihingi na ipagluto nila Ako ng masarap na pagkain, o ayusin saanman ang maaari Kong mahimlayan ng Aking ulo….” Sa sanlibutan, ang mga tao ay hinihingan na magkaroon ng “espiritu ni Lei Feng” sa mga taon ng 1990, subali’t sa bahay ng Diyos, hinihingi ng Diyos na likhain ninyo ang “natatanging estilo ni Pedro.” Nauunawaan ba ninyo ang kalooban ng Diyos? Kaya ba ninyong tunay na makipagtunggali para dito?

   “Gumagalaw Ako sa ibabaw ng mga sansinukob, at habang Ako ay naglalakad pinagmamasdan Ko ang mga tao ng buong sansinukob. Sa kalagitnaan ng mga kumpol ng mga tao sa lupa, hindi nagkaroon kailanman ng sinuman na akma para sa Aking gawain o na tunay na nagmamahal sa Akin. Sa gayon, sa sandaling ito Ako ay naghihinagpis sa pagkadismaya, at ang mga tao ay kaagad na naghihiwahiwalay, upang hindi na muling magtipon, takót na takót na sila ay Aking ‘mahuhuling lahat sa isang lambat.’” Karamihan sa mga tao, marahil, ay lubhang nahihirapang maunawaan ang mga salitang ito. Itinatanong nila kung bakit hindi humihingi ng malaki ang Diyos sa tao, gayunman ay naghihinagpis Siya sa pagkadismaya dahil walang sinuman ang akma para sa Kanyang gawain. Mayroon bang pagkakasalungat dito? Sa literal na pananalita, mayroon—subali’t sa realidad, walang pagkakasalungat. Marahil naaalala mo pa nang sinabi ng Diyos, “Ang lahat ng Aking mga salita ay magbubunga ng Aking nais.” Kapag ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, tumututok ang mga tao sa bawa’t pagkilos Niya upang makita nang tumpak kung ano ang gagawin Niya. Kapag isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain tungo kay Satanas sa espirituwal na kinasasaklawan, mayroong, sa ibang mga pananalita, naibubunga na lahat ng uri ng mga pagkaintindi sa gitna ng mga tao sa lupa dahil sa Diyos na nasa katawang-tao. Kapag ang Diyos ay naghihinagpis sa pagkadismaya, iyan ay, kapag Siya ay nagsasalita tungkol sa lahat ng mga pagkaintindi ng tao, sinusubukan ng mga tao ang lahat ng kanilang makakaya upang pakitunguhan ang mga iyon, at mayroon pang mga naniniwala na sila ay walang pag-asa, sapagka’t sinasabi ng Diyos na lahat niyaong may mga pagkaintindi tungkol sa Kanya ay Kanyang mga kaaway—kaya’t paanong hindi “maghihiwahiwalay” ang mga tao dahil dito? Partikular sa ngayon, kapag ang pagkastigo ay nakarating, ang mga tao ay higit pang natatakot na aalisin sila ng Diyos. Sila ay naniniwala na matapos silang makastigo, ang Diyos ay “huhulihin silang lahat sa isang lambat.” Nguni’t ang mga katunayan ay hindi gayon: Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Hindi Ko inaasam na ‘pigilin’ ang mga tao sa gitna ng Aking pagkastigo, na hindi kailanman tatakas. Dahil ang Aking pamamahala ay kulang sa mga gawa ng tao, hindi posibleng matagumpay na matapos ang Aking gawain, na humahadlang upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang mabisa.” Ang kalooban ng Diyos ay hindi para magwakas ang Kanyang gawain sa sandaling napatay ang lahat ng mga tao—ano ang magiging punto niyan? Sa pamamagitan ng paggawa sa mga tao at pagkastigo sa kanila, pinalilinaw ng Diyos ang Kanyang mga gawa sa pamamagitan nila. Dahil hindi kailanman natanto ng mga tao na mayroon nang pagkastigo sa tono ng mga salita ng Diyos, ang mga ito ay hindi kailanman nagkaroon ng pagpasok sa kanilang kamalayan. Hindi kayang ipahayag ng mga tao ang kanilang paninindigan, kaya’t ang Diyos ay hindi makapagsalita ng anuman sa harap ni Satanas, na pumipigil sa gawain ng Diyos mula sa pagsulong. Sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Minsan ay inimbitahan Ko ang tao bilang panauhin sa Aking bahay, gayunman ay nagtatakbo siya paroo’t-parito dahil sa Aking mga tawag—na parang, sa halip ng pag-anyaya sa kanya bilang isang panauhin, pinapupunta Ko siya sa dakong bitayan; sa gayon ang Aking bahay ay naiwang walang laman, sapagka’t Ako ay laging naiiwasan ng tao, at palaging nakaalerto laban sa Akin. Dahil dito ay wala Akong anumang paraan upang isakatuparan ang bahagi ng Aking gawain.” Dahil sa mga pagkakamali ng tao sa kanyang gawain kaya malinaw na inihahayag ng Diyos ang Kanyang mga kinakailangan sa tao. At dahil ang mga tao ay nabibigong ganapin ang hakbang na ito ng gawain kaya nagdaragdag ang Diyos ng higit pang mga pagbigkas—na eksaktong ang “isa pang bahagi ng gawain sa tao” na sinasalita ng Diyos. Nguni’t hindi Ako dadako sa “paghuli sa kanilang lahat sa isang lambat” na sinasabi ng Diyos, sapagka’t maliit lamang ang kinalaman nito sa gawain ng kasalukuyan. Likas lamang na, sa mga pagbigkas ng Diyos sa buong sansinukob, marami sa Kanyang mga salita ang nakikitungo sa tao—nguni’t dapat maunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos; anuman ang sinasabi Niya, ang Kanyang mga hangarin ay laging mabuti. Maaaring masabi na dahil ang mga paraan ng pagsasalita ng Diyos ay napakarami, ang mga tao ay hindi isandaang porsyentong tiyak tungkol sa mga salita ng Diyos, at naniniwala na karamihan sa mga salita ng Diyos ay sinasalita dahil sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain, at kaunti lamang ang tunay na nilalaman, na nag-iiwan sa kanila na litó at nabibigatan sa kanilang mga iniisip—sapagka’t sa kanilang mga pagkaintindi, ang Diyos ay napakarunong, Siya ay lubusang hindi nila kayang abútín, na para bang sila ay walang nalalaman, at sila ay walang kaalam-alam tungkol sa kung paano kakainin ang mga salita ng Diyos. Ginagawa ng mga tao ang mga salita ng Diyos na walang-anyô at masalimuot—gaya ng sinasabi ng Diyos, “laging inaasam ng mga tao na dagdagan ng pampalasa ang Aking mga pagbigkas.” Dahil ang kanilang mga ideya ay masyadong kumplikado, at “bahagya nang makakamit” ng Diyos, bahagi ng mga salita ng Diyos ay sinisikil ng tao, iniiwan Siya na walang pagpipilian kundi magsalita sa isang paraan na deretsahan at nakikitungo-nang-malinaw. Sapagka’t ang mga hinihingi ng mga tao ay “napakataas,” at dahil ang kanilang guni-guni ay napakayaman—na para bang kaya nilang tumawid tungo sa espirituwal na kinasasaklawan upang mamasdan ang mga gawa ni Satanas—nabawasan nito ang mga salita ng Diyos, sapagka’t mas maraming sinasabi ang Diyos, mas nagiging malungkot ang mga mukha ng mga tao. Bakit hindi na lamang sila tumalima, sa halip na pagbulay-bulayin ang kanilang katapusan? Nasaan ang pakinabang dito?

 Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao 


 Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


 Rekomendasyon: 

 Ang Ebanghelyo ay lumalaganap! 

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos