Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na napakayaman. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na napakayaman. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas

sansinukob, Job, salita ng Diyos, Pedro, Pablo

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas


  Iniiwan ng mga salita ng Diyos ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo; ito ay para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na parang wala Siyang kahit anong iniisip na pag-ukulan ng anumang pansin ang mga gawa ng tao, at ganap na walang pakialam sa tayog ng mga tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasalita ay hindi nakatuon sa mga pagkaintindi ng mga tao, kundi umiiwas sa tao, gaya ng orihinal na hangarin ng Diyos. Sa maraming kadahilanan, ang mga salita ng Diyos ay di-matarok at di-mapasok ng tao. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos ay hindi para magkamit ang mga tao ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan o tanging kasanayan mula sa mga iyon; sa halip, ang mga iyon ay isa sa mga pamamaraan kung saan sa pamamagitan nito ay nakagawa ang Diyos mula sa simula hanggang sa ngayon. Sabihin pa, mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay nakatamo ng mga bagay-bagay kaugnay sa mga hiwaga, o mga bagay-bagay hinggil kay Pedro, Pablo, at Job—nguni’t ito ang dapat nilang makamtan, at kung ano ang kaya nilang makamtan, at, gaya ng akma sa kanilang tayog, narating na nito ang taluktok nito. Bakit ganoon na ang resulta na hinihingi ng Diyos na makamit ay hindi mataas, gayunman ay nakapagsalita Siya ng napakaraming mga salita? Ito ay kaugnay sa pagkastigo na Kanyang sinasalita, at likas lamang, ito ay nakakamit lahat nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagtitiis ng higit na pagdurusa sa ilalim ng mga pagsalakay ng mga salita ng Diyos. Sa ibabaw, walang sinuman sa kanila ang tila napakitunguhan, ang mga tao ay nagsimulang mapalaya sa paggawa ng kanilang gawain, at ang mga taga-serbisyo ay naitaas bilang mga tao ng Diyos—at dito, nakikita sa mga tao na sila ay nakapasok sa pagtatamasa. Sa katunayan, ang realidad ay, mula pagpipino, sila ay nakapasok tungo sa mas mahigpit na pagkastigo. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga yugto ng Aking gawain ay malápít na nakaugnay ang isa sa kasunod, bawa’t isa ay higit na mas mataas.” Iniahon ng Diyos ang mga taga-serbisyo mula sa walang-hanggang kalaliman at ibinulid sila tungo sa lawa ng apoy at asupre, kung saan ang pagkastigo ay higit na nakakapighatî. Sa gayon, sila ay nagdurusa ng mas matinding paghihirap, kung saan mula rito ay bahagya na silang makatatakas. Hindi ba’t ang gayong pagkastigo ay mas nakakapighatî? Yamang nakapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, bakit ganito na ang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa halip na anumang kasayahan? Bakit sinasabi na yamang napalaya mula sa mga kamay ni Satanas, sila ay ibinigay sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalaala mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling paghihirap ay nagpapatotoo nang malakas at umaalingawngaw para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung ang mga tao ay hindi naibigay sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino ang kahit kailan ay nakabigkas ng mga salitang gaya ng “Natalo ko ang dyablo” matapos silang magpakamatay? Ang magpakamatay pagkatapos na ituring ang kanilang laman bilang ang kaaway—nasaan ang tunay na kahalagahan nito? Bakit nagsalita ang Diyos nang ganoon? “Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan.” Kung inaasam ng Diyos na yaong mga walang peklat ay maging Kanyang pagpapahayag, bakit Siya matiyaga at masigasig na nagsalita ng napakaraming salita mula sa pananaw ng tao upang labanan ang mga pagkaintindi ng mga tao? Bakit Siya mag-aabala para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Kaya ito ay nagpapakita na may tunay na kahalagahan sa pagsasakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang laman matapos maging nagkatawang-taong laman at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi magiging dalisay at ang tao ay hindi magiging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Ano ang kahulugan kapag ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa esensya ng tao? Sa mga mata ng mga tao, ang laman ay nagpapakitang walang kakayahang gawin ang anumang bagay, o kaya ay masyadong kulang. Sa mga mata ng Diyos, ito ay hindi kailanman mahalaga—nguni’t sa tao, ito ay malaking usápín. Para bang sila ay lubos na walang kakayahang lutasin ito at ito ay dapat na personal na hawakan ng isang katawang makalangit—hindi ba ito pagkaintindi ng mga tao? “Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang ‘maliit na bituin’ na bumaba mula sa kalangitan, isang maliit na bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos’.” Yamang ang mga tao ay walang kabuluhan, bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanilang mga pagkaintindi mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari kayang ito rin ay karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila.” Dahil ang tantiya ng mga tao sa Diyos ay “napakataas,” maraming mga bagay ang “hindi-kayang-makamit” para sa Diyos, na naglalagay sa Kanya sa “mahirap na kalagayan.” Bahagya lamang nababatid ng mga tao na ang hinihingi nila sa Diyos na makayang gawin ay kanilang mga pagkaintindi. At hindi ba’t ito ang tunay na kahulugan ng “Ang isang matalas na tao ay maaaring maging biktima ng kanyang sariling katalinuhan”? Ito ay tunay na isang halimbawa ng “matalas sa pangkalahatan, nguni’t sa sandaling ito isang hangal”! Sa inyong pangangaral, inyong hinihingi na bitawan ng mga tao ang Diyos ng kanilang mga pagkaintindi, at ang Diyos ba ng inyong mga pagkaintindi ay nakaalis na? Paano mabibigyang pakahulugan ang mga salita ng Diyos na “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao”? Ang mga iyon ay hindi upang gawing negatibo at walang-galang ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay tunay na ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na naguguni-guni ng mga tao?