Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa. Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa? Nang umagos ang Aking mga anak at tao sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Na ang ibig sabihin, kapag sinimulan Ko ang Aking gawain sa lupa nang personal, at kapag ang panahon ng paghatol ay malapit na sa pagtatapos, nagsisimula Akong mag-atas ng Aking mga salita sa buong sansinukob, at pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasamang lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at may kahalayan, ngunit isang banal na kaharian. Babaguhin Ko ang lahat ng mga bagay, upang sila ay mailaan para sa Aking paggamit, upang hindi na nila muling dalhin ang makamundong paghinga, at hindi na muling madungisan ng lasa ng lupa. Sa lupa, ang tao ay naghagilap para sa layunin at mga pinagmulan ng Aking mga salita, at nakamasid sa Aking mga gawa, gayon pa man walang kahit sinuman ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng Aking mga salita, at walang kahit sinuman ang tunay na namasdan ang kamanghaan ng Aking mga gawa. Ngayon lamang, kapag Ako ay personal na dumarating kasama ng tao at sinasabi ang Aking mga salita, na ang tao ay may kaunting kaalaman sa Akin, inaalis ang lugar para sa “Akin” sa kanilang mga isipan, sa halip ay lumilikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga pagkaintindi at puno ng pag-uusisa; sino ang hindi nais na makita ang Diyos? Sino ang hindi nagnanais na makaharap ang Diyos? Ngunit ang tanging bagay na sumasakop sa isang tiyak na lugar sa puso ng tao ay ang Diyos na sa pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap maunawaan. Sino ang matatanto ito kung hindi Ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang totoong maniniwala na Ako ay talagang umiiral? Siguradong walang pahiwatig nang pagdududa? May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ang “Ako” ng realidad, at walang sinuman ang may kakayahang maghambing sa kanila. Kung hindi Ako naging katawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na makikilala niya Ako, hindi ba’t ang naturang kaalaman ay isa pa ring pagkaintindi? Sa bawat araw ay naglalakad Ako sa gitna nang walang tigil na daloy ng mga tao, at sa bawat araw ay kumikilos Ako sa loob ng bawat tao. Kapag Ako ay totoong nakita ng tao, magagawa niyang makilala Ako sa Aking mga salita, at maunawaan ang mga paraan kung paano Ako nagsasalita pati na rin ang Aking mga layunin.