Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Tagalog Christian Songs | "Kalooban ng D'yos Nabuksan na sa Lahat" (Tagalog Dubbed)



 Tagalog Christian Songs | "Kalooban ng D'yos Nabuksan na sa Lahat" (Tagalog Dubbed)

I
Mula sa paglikha sa tao, 
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.
Di kailanman sinadya ng D'yos na itago diwa N'ya, 
ni ang kanyang disposisyon o kalooban.
Talagang di pansin ng sangkatauhan
ang mga gawa ng Diyos, at ang Kanyang kalooban,
kaya ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina,
ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina.
Mula sa paglikha sa tao,
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.

Kidlat ng Silanganan| Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Kidlat ng Silanganan| Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan


  Ang gawain na nagawa ni Jehovah sa mga Israelita ay itinatag sa sangkatauhan sa lupa na pinagmulan ng Diyos, ang Kanyang banal na lugar kung saan Siya nagkaroon ng presensya. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa mga Israelita. Sa simula, hindi Siya nagtrabaho sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang mga tao na nakita Niyang angkop upang paghigpitan ang mga saklaw ng Kanyang gawain. Ang Israel ay ang pook kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at mula sa alabok ng pook na iyon nilikha ni Jehovah ang tao; ito ang pundasyon ng Kanyang gawain sa mundo. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noah at ni Adan, ay ang pundasyon ng gawain ni Jehovah sa lupa.

Kidlat ng Silanganan| Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos



Kidlat ng Silanganan| Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos
I
Sa mga gawain ng Diyos, sinumang tunay ang pagdanas may galang at takot sa Kanya, mas mataas kaysa paghanga.Kastigo’t paghatol N’ya tao’y kita disposisyon N’ya, sa puso nila’y igalang S’ya. Diyos ay dapat sambahin at sundin, dahil anyo’t disposisyon Niya kaiba sa mga nilalang, higit sa mga nilalang. Diyos lang marapat sambahin at pasakop.

Kidlat ng Silanganan| Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos


Kidlat ng Silanganan | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos


  Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni’t walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?

Kidlat ng Silanganan|Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Kidlat ng Silanganan|Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Kidlat ng Silanganan|Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao


    Ang gawain ng Diyos sa mga tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Kanya. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang gawain ay hindi mapaghihiwalay mula sa Diyos, at pinamamahalaan ng mga kamay Niya, at maaari ring masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring tumanggi rito, dahil ito ay katotohanan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakana ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinaggagalingan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi maaaring humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit sa lahat, ay walang layuning humiwalay sa tao. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at ang saloobin Niya ay laging mabuti. Ang gawain ng Diyos at ang mga saloobin Niya (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) aykapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao. Ang mga ganoong pangitain ay pamamahala rin ng Diyos, at gawain na hindi kayang isagawa ng tao. Ang mga atas ng Diyos sa tao sa gawain Niya ay tinatawag na “pagsasagawa” ng tao. Ang mga pangitain ay ang sariling gawain ng Diyos Mismo, o ang kalooban Niya para sa sangkatauhan o ang mga layunin at kahalagahan ng gawain Niya. Ang mga pangitain ay maaari ring sabihin na bahagi ng pamamahala, dahil ang pamamahalang ito ay gawain ng Diyos, at ito ay nakatuon sa tao, na nangangahulugang ito ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa mga tao. Ang gawaing ito ay ang patunay at ang daan kung saan makikilala ng tao ang Diyos, at ito ay mahalagang-mahalaga para sa tao. Kung, sa halip na magbigay-pansin sa kaalaman na gawain ng Diyos, nagbibigay-pansin lamang ang mga tao sa mga aral ng paniniwala sa Diyos, o sa mga mabababaw at hindi makabuluhangsalaysayin, hindi nila makikilala ang Diyos, at, higit pa rito, sila’y hindi makasusunod sa puso ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay lubhang makatutulong sa kaalaman ng tao patungkol sa Diyos, at ito ay tinatawag na mga pangitain. Ang mga pangitain ay ang gawain ng Diyos, ang kalooban Niya, at ang layunin at kahalagahan ng gawain ng Diyos; ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng tao. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa kung ano ang dapat isagawa ng tao, kung ano ang dapat gawin ng mga nilalang na sumusunod sa Diyos. Ito ay tungkulin din ng tao. Ang dapat gawin ng tao ay hindi isang bagay na madaling maunawaan ng tao sa simula, ngunit mga atas na ginawa ng Diyos para sa tao sa gawain Niya. Ang mga atas na ito ay unti-unting naging mas malalim at mataas sa paggawa ng Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, kailangang sundin ng tao ang utos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, kailangang pasanin ng tao ang kanilang krus. Iba ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang mga atas sa tao ay mas matataas kaysa sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Habang ang mga pananaw ay mas nagiging mataas, ang mga atas sa tao ay mas nagiging mataas, at nagiging mas malinaw at mas makatotohanan. Gayon din, ang mga pangitain ay mas nagiging makatotohanan. Ang maraming totoong pangitaing ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa pagsunod ng tao sa Diyos, ngunit, higit dito, ay kapaki-pakinabang sa kanyang kaalaman tungkol sa Diyos.

Kidlat ng Silanganan| Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos

Kidlat ng Silanganan| Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos

Kidlat ng Silanganan | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos


  Upang makapagpatotoo sa Diyos at mapahiya ang malaking pulang dragon, dapat mayroon kang prinsipyo at isang kondisyon: Dapat mong mahalin ang Diyos sa iyong puso, at pumasok sa mga salita ng Diyos. Kung hindi ka papasok sa mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang paraan na pahiyain si Satanas. Sa iyong pagsulong sa buhay, itinatakwil mo ang malaking pulang dragon at lubos na ikinahihiya ito, at sa pamamagitan lamang nito talagang mapapahiya ang malaking pulang dragon. Habang higit mo pang sinasang-ayunang isagawa ang mga salita ng Diyos, lalo mong napatutunayan ang pag-ibig mo sa Kanya at ang pagkamuhi mo sa malaking pulang dragon; habang higit mo pang sinusunod ang mga salita ng Diyos, lalong napatutunayan ang pagkasabik mo sa katotohanan. Ang mga taong hindi nasasabik sa mga salita ng Diyos ay mga taong walang buhay. Ang mga gayong tao ay nasa labas ng mga salita ng Diyos, at mga kaanib sa relihiyon. Ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ay may mas malalim na kaalaman sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita. Kung 'di mo kinasasabikan ang mga salita ng Diyos, hindi ka totohanang nakakakain at nakaiinom ng Kanyang mga salita, at kapag wala kang kaalaman sa mga salita ng Diyos, wala kang paraan para magpatotoo sa Diyos o magbigay kasiyahan sa Kanya.

Kidlat ng Silanganan| Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos


Kidlat ng Silanganan| Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na  

Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?
Rekomendasyon:
1. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw


2. Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos