Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang tinig ng Diyos| Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, tamang-landas, pag-ibig

Kidlat ng Silanganan|Ang tinig ng Diyos| Ang Ikalabing-walong Pagbigkas   


    Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi umiiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakikilala na Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III



Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat.”
Rekomendasyon:
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Salita ng Diyos| Ang Ikalabimpitong Pagbigkas

sansinukob, karunungan, Diyos, liwanag, lightning

Kidlat ng Silanganan| Salita ng Diyos| Ang Ikalabimpitong Pagbigkas


   Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila na may pagtitig ng mausisang pagkabighani, at pinagmamasdan ang mga paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; o ang iba ay nakatayong handa sa pagharap nila sa liwanag, upang baka sakaling mas malinaw nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may sinuman bang nakatuklas kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May sinuman bang napukaw kailanman sa pagiging katangi-tangi ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguguluhan lamang; nasusugatan sila sa mga mata at nasusubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa pinakamalakas nito, hindi pahihintulutan sa gayong kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay nasa abot ng kaningningan ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay nasa abot ng pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, nasa abot din ng mga sugat na ipinataw ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi abot sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang buong sangkatauhan sa daigdig ay maaantig Ko dahil dito. Mula sa kataas-taasang tugatog sa kalangitan, tinatanaw Ko ang buong daigdig, pinagmamasdan ang kakatwa at kamangha-manghang kababalaghan ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito, naghahanap ng isdang malululon. Samantala, lubusang hindi ito alam sa ilalim ng dagat, na kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi kayang pukawin upang mamalayan, dahil ang sahig ng karagatan ay kasing-payapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa “mga pagtatalo ng bibig at dila.” Sa di-mabilang na kakaiba at nakakatuwang kababalaghan, ang sangkatauhan ang siyang pinaka-nahihirapang magbigay sa Akin ng kaluguran. Ito ay dahil masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, at kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog, at sa kanyang mga mata ay palaging may sukat ng paghihimagsik. Napapaloob sa Aking pagdisiplina sa tao, napapaloob sa Aking paghatol sa kanya, nagkaroon na ng marami na pag-iingat, marami na kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito wala ang sangkatauhan kahit na pinakakaunting kamalayan. Wala Akong napagmalupitan kailanman na kahit sinong tao: Ako ay nagpatupad lamang ng nararapat na pagtutuwid noong naging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog lamang ng nararapat na tulong. Ngunit, kapag ang sangkatauhan ay patuloy na lumalayo sa Akin at dagdag pa nito, ginagamit ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong lilipulin ang sangkatauhan, hindi binigbigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagparangya ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila palalong lumakad na may karangyaan at katayugan, paghahari-harian sa iba, sa ibabaw ng mundo.

Christians Should Not Support the Persecution of The Church of Almighty God – Massimo Introvigne



Christians Should Not Support the Persecution of The Church of Almighty God – Massimo Introvign


On November 20–21, 2017, in just two days, seventeen reports attacking The Church of Almighty God (CAG) were published intensively on Ta Kung Pao and Wen Wei Po, the mouthpiece media of the Chinese Communist Party (CCP) in Hong Kong (HK), citing the rumors and fallacies consistently fabricated by the CCP to discredit and condemn the CAG. The reports, by quoting a few pastors’ personal comments, denied the Christian identity of the members of the CAG, and accused them of “stealing sheep,” which caused the loss of believers of other religious groups. Upon this, Prof. Massimo Introvigne, an Italian sociologist, the founder and managing director of the Center for Studies on New Religions (CESNUR), makes comments as follows.
Recommendation:
Gospel Is Being Spread!
 The Return of the Lord Jesus
Investigating the Eastern Lightning

Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos   ay Nakaupo sa



 Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos   ay Nakaupo sa


Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Sa Kanyang kamahalan
hinahatulan Niya ang masamang sanlibutan;
hinahatulan Niya ang lahat ng mga bansa
at lahat ng mga tao, ang lupa at mga dagat
at ang lahat ng nabubuhay na mga bagay na nasa kanila,
gayon din sila na lasing sa alak ng kalaswaan.
Tiyak na hahatulan sila ng Diyos,
at tiyak na magagalit Siya sa kanila
at sa ganito ay mahahayag ang kamahalan ng Diyos.
Ang ganitong paghatol ay magiging mabilis
at ipatutupad nang walang pag-antala.
Susunugin silang lahat ng nagliliyab na galit ng Diyos
dahil sa kanilang karumal-dumal na mga krimen
at sasapitin nila ang malaking kalamidad anumang oras;
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan
na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
Ang mananagumpay na minamahal na mga anak ng Diyos
ay tiyak na lalagi sa Sion,
at hindi na lilisanin ito kailanman,
at hindi na lilisanin ito kailanman.
Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos!
Ang pagwawakas ng sanlibutan
ay nagaganap sa ating harapan
Ang paghatol sa mga huling araw ay nagsimula na.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Pagsaliksik sa 
Kidlat ng Silanganan

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang tinig ng Diyos| Ikalabing-anim na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Kaharian, kaluwalhatian

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas


  Napakarami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming mga bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Nguni’t ang mga kakayahan ng tao sa pagtanggap ay kulang na kulang: Hindi niya kayang arukin nang lubos ang Aking mga salita ayon sa Aking ipinagkakaloob, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan nguni’t nananatiling mangmang sa iba. Gayunpaman hindi Ko pinarurusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado ng kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng mga tao. Kaya, ito rin, ang panahon kung kailan ang Aking mga anak na lalaki at bayan ang mamamahala sa buong mundo. Yaong mga nakakakilala sa Akin ay tiyak na magiging mga haligi ng Aking kaharian, at walang iba kundi sila ang magiging kwalipikado upang mamahala at gumamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Ang lahat ng nakakakilala sa Akin ay mayroon ngang pagiging Ako, at nagagawang isabuhay Ako sa gitna ng lahat ng mga tao. Hindi Ko tinitingnan kung hanggang saan Ako nakikilala ng tao: Walang makahahadlang sa Aking gawain sa anumang paraan, at walang maitutulong sa Akin ang tao at walang magagawa para sa Akin. Masusundan lamang ng tao ang Aking paggabay sa Aking liwanag, at mahahanap ang Aking kalooban sa liwanag na ito. Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang kanyang paggalang sa Akin ay masyadong kakaunti; iginagalang niya Ako kapag kaharap niya Ako, nguni’t walang kakayahang maglingkod sa Akin sa harap ng Espiritu. Ito ay tila, para sa tao, ang Espiritu ay hindi umiiral kailanman. Bilang resulta, walang taong nakakilala sa Espiritu; sa Aking pagkakatawang-tao, ang nakikita lamang ng mga tao ay isang laman at dugo, at hindi nararamdaman ang Espiritu ng Diyos. Maaari kayang tunay na matupad ang Aking kalooban sa ganitong paraan? Ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin; parang sadya silang tinuruan ni Satanas upang lokohin Ako. Nguni’t hindi Ako naliligalig ni Satanas. Gagamitin Ko pa rin ang Aking karunungan para lupigin ang buong sangkatauhan at talunin ang nagpapatiwali ng buong sangkatauhan, upang sa gayon ay maitatag ang Aking kaharian dito sa lupa.

Salita ng Diyos| Ang Ikalabinlimang Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Kaharian, pag-ibig

Kidlat ng Silanganan|Salita ng Diyos| Ang Ikalabinlimang Pagbigkas


    Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kayang makilala ang sarili niya, kilalang-kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang palad, para bang lahat ng ibang tao ay nakapasa at nakatanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, at dahil dito, tila nakuha niya ang buong sukat ng lahat ng iba hanggang sa kanilang katayuang pang-kaisipan. Lahat ng mga tao ay ganito. Ang tao ay nakapasok na ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, ngunit ang kanyang kalikasan ay nananatiling walang pagbabago. Siya ay gumagawa pa rin tulad ng ginagawa Ko sa harap Ko, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling natatanging “kalakalan.” Kapag ito ay natapos na at siya ay muling lumalapit sa Akin, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kasuklam-suklam? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na ganap na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga tupang bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, kilalang-kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang palad, nang masaya sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga sa Aking harapan? Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi ang mga ito, na tila ang Aking mga salita ay pabigat? Sa napakaraming beses, na nakita Ko ang sangkatauhang ginawang masama ng Aking kaaway, nawalan na Ako ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses, nakikitang lumalapit ang tao sa Akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan ng paggalang sa sarili, ang kanyang hindi na magbabago pang katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga intensiyon ay tapat. Napakaraming beses na, nakikita Ko ang tao ay may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses na, nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling bayan, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan dahil sa mga bagay na ito. Ang mga tao ay hindi alam kung paano matuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang pangunahing kahulugan ng pagpapala o pagdurusa. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging taimtim sa kanilang paghahanap sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo, tumatayo sa Aking harapan, mistulang kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade? Tiyak na ang pag-ibig ninyo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na inukol sa iyo ng iba? Tunay nga, na ang pinagdadaang pagsubok ay hindi magtutulak sa tao na talikdan ang kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magsasanhi sa kanya na magreklamo laban sa Aking isinaayos? Walang sinumang tao ang kailanma’y talagang napahalagahan ang espadang taglay ng Aking bibig: Nalalaman lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi talagang inuunawa nang mas malalim. Kung ang mga tao ay tunay na nakita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang naiintindihan sa totoong kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang kaalaam-alam kung gaano kahirap-talunin ang Aking mga salita, o kung gaano ang kanilang kalikasan ay nabubunyag, at kung gaano ang kanilang kasamaan ay nakatanggap ng paghatol, na napapaloob sa mga salitang iyon. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at di-naglalaang saloobin.