Kapag umabot na sa rurok ang panahon ng paghatol, hindi Ko mamadaliin ang pagtapos sa Aking
gawain, ngunit isasama Ko rito ang katibayan ng panahon ng pagkastigo at hahayaan Kong makita ng lahat ng bayan Ko ang katibayan na ito; at magdudulot ito ng mas maraming bunga. Ang katibayan na ito ang gagamitin Ko sa pagkastigo sa malaking pulang dragon, at hahayaan Kong makita ito ng Aking bayan upang mas higit nilang malaman ang Aking disposisyon. Ang panahon na matatamasa Ako ng Aking bayan ay kapag nakastigo na ang malaking pulang dragon. Ang sanhi ng pagtindig at paghihimagsik ng mga tao ng malaking pulang dragon ay ang Aking plano, at ang paraan ng pagperpekto Ko sa Aking bayan, at ito ay napakahusay na pagkakataon para lumago sa buhay ang bayan Ko. Kapag lumitaw ang maliwanag na buwan, agad masisira ang tahimik na gabi. Kahit nasa pilas-pilas ang buwan, masaya ang tao, at matiwasay na nakaupo sa ilalim ng liwanag ng buwan, hinahangaan niya ang magandang tanawin sa ilalim ng liwanag. Hindi mailarawan ng tao ang kanyang mga damdamin; parang gusto niyang ibalik ang kanyang mga saloobin sa nakaraan, parang nais niyang tumingin sa kinabukasan, na parang tinatamasa niya ang kasalukuyan. Makikita sa kanyang mukha ang isang ngiti, at may mabangong simoy sa nakalulugod na hangin; sa pag-ihip ng magiliw na lawiswis, mahahalata ng tao ang mabangong halimuyak, at tila nilasing siya nito at hindi niya magising ang kanyang sarili. Ito ang pinaka-oras na personal Akong pumupunta sa mga tao, at mas tumindi ang mabangong simoy na naaamoy ng tao, at sa gayong paraan tumatahan ang lahat ng tao sa gitna ng samyong ito. May kapayapaan Ako sa tao, nabubuhay siya na may magandang pakikisama sa Akin, hindi na siya pasaway sa kanyang pakitungo sa Akin, hindi Ko na pinupungos ang mga kakulangan ng tao, wala na sa mukha ng tao ang itsurang parang nababalisa, at hindi na banta ang kamatayan sa buong ng sangkatauhan. Ngayon, pasulong na Ako kasama ang tao sa panahon ng pagkastigo, pasulong na kasama siya sa Aking tabi. Ginagawa Ko ang Aking gawain, ang ibig sabihin, ihinampas Ko ang Aking tungkod sa kalagitnaan ng tao at tumama ito sa bahaging suwail ang tao. Sa mga mata ng tao, tila may mga kakaibang kapangyarihan ang tungkod Ko: Tumatama ito sa lahat ng mga kaaway Ko at hindi sila madaling makatatakas dito; sa gitna ng lahat ng sumasalungat sa Akin, ginagampanan ng tungkod ang likas niyang gamit; ginagampanan ng lahat ng mga nasa Aking kamay ang kanilang tungkulin ayon sa orihinal Kong layunin, at hindi nila kailanman sinuway ang mga kagustuhan Ko o nagbago sa kanilang diwa. Bilang resulta, uungol ang mga tubig, guguho ang mga bundok, mabubuwag ang mga malalaking ilog, magbabago palagi ang tao, lalabo ang araw, magdidilim ang buwan, hindi na mabubuhay ang tao nang may kapayapaan, mawawala na ang katahimikan sa lupa, ang mga kalangitan ay hindi na muling magiging mahinahon, at tahimik, at hindi na kailanman muling magtatagal. Mababago ang lahat ng mga bagay at mababawi ang kanilang orihinal na anyo. Magkakawatak-watak ang lahat ng mga kabahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng mga bansa sa mundo; mawawala na ang mga araw ng pagbabalikan ng mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng mga bagay na dating nasa lupa. Hindi Ko bibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang mailabas nila ang kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin, at natutunan Kong kamuhian ang mga damdamin ng mga tao sa isang antas. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, kaya Ako ay naging “iba” sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang “konsensya”; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging nanlulupaypay sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking paghawak ng mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa mundo? Sino na ang naging katulad Ko, na nagtatrabaho sa araw at gabi, na hindi isinasaalang-alang ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano sa pamamahala Ko? Paano maihahambing ang tao sa Diyos? Paano siya magiging kaayon ng Diyos? Paano na ang Diyos, na lumilikha, ay maging kaparehong uri ng tao, na nilikha? Bakit lagi Akong naninirahan at kumikilos kasama ng tao sa lupa? Sino ang nag-aalala para sa Aking puso? Ang mga panalangin ba ng tao? Sumang-ayon Ako minsan na samahan ang tao at lumakad kasabay niya—at oo, nabubuhay ang tao hanggang ngayon sa ilalim ng Aking pag-aalaga at pag-iingat, ngunit kailan ang araw na maaaring humiwalay ang tao mula sa Aking pag-aalaga? Kahit hindi kailanman iningatan ng tao ang Aking puso, sino ang maaaring manatiling nabubuhay sa isang lupain na walang liwanag? Dahil lamang sa mga pagpapala Ko na nabubuhay ang tao hanggang ngayon.