Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal| Kuwento ni Xiaozhen


Kidlat ng Silanganan| Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal| Kuwento ni Xiaozhen



Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …

Rekomendasyon:

Ang Ebanghelyo  ay lumalaganap!

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

















Pag-bigkas ng Diyos| Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

Disposisyon, Gawain, Diyos, Malalaman, Papuri

Kidlat ng Silanganan| Pag-bigkas ng Diyos| Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain


  Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo.

I.Ang kaharian ng Diyos ay nakarating na sa lupa; ang persona ng Diyos ay ganap at sagana. Sino’ng makakahinto sa pagbubunyi? Sino’ng makakahinto sa pagsayaw? O Sion, itaas ang ‘yong bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa Diyos. Awitin ang ‘yong awit ng tagumpay upang ikalat ang banal N’yang ngalan sa buong mundo. Di-mabilang na mga tao’y nagagalak na nagpupuri sa D’yos, di-mabilang na tinig ‘tinataas ngalan N’ya. Masdan kamangha-mangha N’yang mga gawa; ngayo’y kaharian N’ya’y nakarating na sa lupa.

Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

 buhay, Diyos, espiritu, iglesia, pag-ibig

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas


  Ayon sa likas na mga katangian ng sangkatauhan, iyan ay, ang tunay na mukha ng sangkatauhan, ang makayang makapagpatuloy hanggang ngayon ay tunay na hindi naging isang madaling bagay, at tangi lamang sa pamamagitan nito kaya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay naging kitang-kita.c Ang tao ay hindi karapat-dapat na lumapit sa harap ng Diyos, subali’t minamahal Niya ang sangkatauhan alang-alang sa Kanyang pamamahala at upang ang Kanyang dakilang gawa ay matupad bago maging lubhang matagal. Sa katotohanan, walang tao ang makapagsusukli sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan sa loob ng panahon ng kanilang buhay. Marahil may umaasam na masuklian ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kanilang mga buhay, nguni’t sinasabi Ko sa iyo: Ang tao ay hindi karapat-dapat na mamatay sa harap ng Diyos, kaya’t ang kamatayan ng tao ay walang kabuluhan. Sapagka’t sa Diyos ang kamatayan ng isang tao ay hindi man lamang karapat-dapat na mabanggit, ni may halaga man itong isang sentimo, kundi, ito ay tulad ng kamatayan ng isang langgam. Aking pinapayuhan ang mga tao na huwag isipin ang iyong sarili na napakahalaga, at huwag isipin na ang mamatay para sa Diyos ay may taglay na bigat ng isang malaking bundok. Sa katotohanan, ang kamatayan ng isang tao ay isang bagay na kasinggaan ng isang balahibo. Hindi ito karapat-dapat na maitala. Nguni’t gayundin, ang laman ng tao ay isinumpang mamatay ng kalikasan, kaya’t sa katapusan, ang katawang pisikal ay kailangang magwakas sa lupa. Ito ang tapat na katotohanan, at walang makapagtatanggi rito. Ito ay isang “batas ng kalikasan” na Aking binuo mula sa lahat ng karanasan ng pantaong buhay. Kaya’t hindi namamalayan, ang pagwawakas ng Diyos para sa tao ay binibigyang-kahulugan sa ganoon. Nauunawaan mo ba? Hindi nakapagtataka na sinasabi ng Diyos “Aking kinamumuhian ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha kong nadarama ang kanilang nadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao.”

Kidlat ng Silanganan| Pelikulang Kristiano| App



Kidlat ng Silanganan| Pelikulang Kristiano| App



To fulfill the strong desire of people from various backgrounds to study God’s work in the last days, The Church of Almighty God has released its first mobile app. This app contains e-books, music, and videos. This includes millions of words expressed by Christ of the last days—Almighty God, original songs recorded by The Church of Almighty God and many other movies and videos about the gospel. We welcome all those who investigate the true way to use this app.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Pelikulang Kristiano| Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?



Kidlat ng Silanganan| Pelikulang Kristiano| Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?


Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5: 19). “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11: 29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo  ay lumalaganap!
 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Ang tinig ng Diyos| Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas

 Diyos, Pagbigkas, Kaalaman, Propesiya, gawai

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas


  Sa katotohanan, batay sa ginawa ng Diyos sa mga tao, at ibinigay sa kanila, pati na rin ang siyang pagmamay-ari ng mga tao, maaaring sabihin na hindi labis ang Kanyang mga hinihiling sa mga tao, na hindi Siya humihingi ng sobra sa kanila. Paano, kung gayon, nila maaaring hindi subukang pasiyahin ang Diyos? Nagbibigay ang Diyos ng isandaang porsyento sa tao, ngunit hinihiling lamang Niya ang isang maliit na bahagi ng mga tao—paghingi ba ito nang sobra-sobra? Gumagawa ba ang Diyos ng gulo mula sa wala? Kadalasan, hindi kilala ng mga tao ang kanilang mga sarili, hindi nila sinusuri ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos, at kaya mayroong mga kadalasang pagkakataon na sila ay nasisilo—paano kaya ito maituturing na pakikipagtulungan sa Diyos? Kung mayroon mang oras na hindi nagpataw ang Diyos ng mabigat na pasanin sa mga tao, guguho sila na parang putik, at hindi nila aakuhin sa kanilang mga sarili na maghanap ng mga maaaring gawin. Ganyan ang mga tao, alinman sa walang pasubali o negatibo, kailanma’y walang kakayahan na aktibong makiisa sa Diyos, palaging naghahanap ng negatibong dahilan upang magpatalo sa kanilang mga sarili. Tunay ka bang isang tao na gumagawa ng lahat hindi para sa kanilang mga sarili, ngunit upang pasiyahin ang Diyos? Tunay ka bang isang tao na hindi tumutupad sa mga pangangailangan ng gawain ng Diyos bilang resulta ng kanilang mga sariling emosyon o mga kagustuhan? “Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao?” Bakit hinihingi ng Diyos ang mga bagay na iyon nang maraming beses nang sunud-sunod? Kung gayon bakit Siya umiiyak sa sama ng loob? Walang napala ang Diyos sa mga tao, ang lahat lamang ng nakikita Niya ay ang gawa na kanilang kinukuha at pinipili. Bakit sinasabi ng Diyos, “habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao”? Tanungin ninyo ang inyong mga sarili: Mula simula hanggang huli, sino ang kayang gumawa ng gawain ng kanilang tungkulin nang walang anumang pagpipilian? Sino ang hindi kikilos nang ayon sa “mga damdamin sa kanilang mga puso”? Nagbibigay ang mga tao ng kalayaan sa kanilang mga karakter, nangingisda sa loob ng tatlong araw at iniiwan ang mga lambat upang matuyo sa loob ng dalawang araw. Umiinit at lumalamig ang mga ito nang salitan: Kapag mainit ang mga ito, kaya ng mga ito na sirain ang lahat ng bagay sa mundo, at kapag malamig ang mga ito, kaya ng mga ito na pagyeluhin ang lahat ng mga tubig sa daigdig. Hindi ito ang “silbi” ng tao, ngunit ito ang pinakaangkop na pagkakatulad sa estado ng tao. Hindi ba ito totoo? Marahil mayroon Akong “mga pagkaintindi” sa tao, marahil sinisiraan Ko sila ng puri—ngunit gayunman, “Kung may katotohanan lalakaran mo ang buong mundo; kung wala ang katotohanan, wala kang mararating.” Kahit na isa itong talinghaga ng tao, sa tingin Ko nararapat itong gamitin dito. Hindi Ko sinasadyang pahintuin ang mga tao at itanggi ang kanilang mga ginagawa. Hayaan ninyong konsultahin Ko kayo ukol sa ilang mga tanong: Sino ang nakakakita sa gawa ng Diyos bilang ang gawa ng kanilang sariling tungkulin? Sino ang makapagsasabi, “Hangga’t kaya kong pasiyahin ang Diyos, ibibigay ko ang aking lahat”? Sino ang makapagsasabi, “Hindi alintana ang iba, gagawin ko ang lahat ng kinakailangan ng Diyos, at kahit pa gaano kahaba o kaikli ang gawain ng Diyos, marapat kong tuparin ang aking tungkulin; trabaho ng Diyos ang pagdadala ng Kanyang gawain sa katapusan, hindi ito isang bagay na iniisip ko”? Sino ang may kakayahan sa ganoong kaalaman? Hindi mahalaga ang inyong palagay—marahil mayroon kang mas mataas na mga kabatiran, kung saan Aking tinatanggap, inaamin Ko ang pagkatalo—ngunit dapat Kong sabihin sa inyo na isang tapat na puso na dalisay at marubdob ang nais ng Diyos, hindi ang puso ng isang lobo na walang utang na loob. Ano ang alam ninyo sa “pagtatawarang” ito? Mula simula hanggang huli, “nilalakbay na ninyo ang mundo.” Sa isang sandali kayo ay nasa “Kunming,” sa walang hanggan nitong batis, at sa isang kisapmata makararating na kayo sa malupit na lamig at nababalot ng niyebeng “Polong Timog.” Sino ang hindi na nakabalik pa sa kanilang mga sarili? Isang espiritu na “Walang pahinga hanggang kamatayan” ang hinihingi ng Diyos, ang nais Niya ay isa na siyang “hindi tatalikuran ng mga tao hanggang marating nila ang pader ng timog.” Natural, ang intensyon ng Diyos ay hindi para piliin ng mga tao ang maling daan, ngunit upang kupkupin ang ganoong espiritu. Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Kapag inihahambing Ko ang mga “regalo” na ibinigay nila sa Aking mga bagay, agad napapansin ng mga tao ang Aking kahalagahan, at saka lamang nila nakikita ang Aking kalakihan.” Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Marahil, binibigyan ka ng kaunting kaalaman ng pagbabasa ng mga unang nabanggit na salita, dahil tinatanggal ng Diyos ang buong puso ng tao para sa paghihimay, sa anong oras na malaman ng mga tao ang mga salitang ito. Ngunit dahil sa malalim na kahulugan sa loob ng mga salita ng Diyos, nananatili ang mga taong hindi nalilinawan tungkol sa “lumang katawan,” dahil hindi sila nag-aral sa isang medikal na unibersidad, ni hindi sila mga arkeologo, at kaya nararamdaman nila na hindi kayang unawain ang bagong terminong ito—at doon lamang sila nagpadadaig nang bahagya. Dahil ang mga tao ay walang kapangyarihan sa harap ng lumang katawan; kahit na hindi ito tulad ng isang mabangis na halimaw, ni hindi nito kayang lipulin ang sangkatauhan gaya ng isang bombang atomiko, hindi nila alam kung ano ang gagawin dito, na para bang wala silang kapangyarihan. Ngunit sa Akin, mayroong mga paraan ng pakikitungo sa lumang katawan. Hindi kailanman gumagawa ng pagsisikap ang tao na mag-isip ng isang pangontra na siyang naghatid sa iba’t ibang uri ng kaibahan ng tao na madalas na nagpapakita sa Aking mga mata; kagaya ng sinabi ng Diyos: “Kapag ipinapakita Ko sa kanila ang Aking kabuuan, tinitingnan nila Ako nang may dilat na mga mata, nakatayo sa harapan Ko nang hindi gumagalaw, kagaya ng isang haliging asin. At kapag pinagmamasdan Ko ang kanilang kaibahan, nahihirapan Akong pigilan ang Aking sarili sa pagtawa. Dahil nagpaparamdam sila upang humingi ng mga bagay mula sa Akin, binibigyan Ko sila ng mga bagay na nasa Aking kamay, at hinahawakan nila ito sa kanilang dibdib, iniingatan ang mga ito kagaya ng isang bagong-silang na sanggol, isang gawi na kanilang ginagawa lang sa ilang sandali.” Hindi ba mga gawa ito ng lumang katawan? Dahil, ngayon, naiintindihan ng mga tao, bakit hindi sila tumatalikod, at bagkus ay nagpapatuloy pa? Sa katunayan, hindi kayang matamo ng tao ang isang bahagi ng mga kinakailangan ng Diyos, ngunit hindi pinakikinggan ng mga tao ang mga ito, dahil “hindi Ko kinakastigo nang magaan ang tao. Sa kadahilanang ito na palaging nabibigyan ang mga tao ng kalayaan na pamahalaan ang kanilang katawan. Hindi nila sinusunod ang Aking kalooban, ngunit hindi kailanman Ako nilinlang sa Aking hukuman” Hindi ba ito ang katayuan ng tao? Hindi sa sinasadya ng Diyos na maghanap ng mali, ngunit isa itong katotohanan—dapat bang ipaliwanag ito ng Diyos? Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Ito ay dahil ang pananampalataya ng mga tao ay labis na dakila na sila ay “kahanga-hanga.” Sa kadahilanang ito, sinusunod Ko ang mga pagsasaayos ng Diyos, at kaya hindi Ako masyadong nagsasabi ng patungkol dito; dahil sa pananampalaya ng mga tao, susunggaban Ko ito, ginagamit ang kanilang pananampalataya upang dulutan sila na isagawa ang kanilang tungkulin nang wala Ako na nagpapaalala sa kanila. Mali bang gawin ito? Hindi ba ito ang tiyak na kailangan ng Diyos? Marahil, sa sandaling marinig ang ganoong mga salita, maaaring makaramdam ng pagkasuya ang ilang mga tao—kaya magsasalita Ako tungkol sa ibang bagay, upang bigyan sila ng kaunting kalayaan. Kapag sumailalim na sa pagkastigo ang lahat ng mga napiling tao ng Diyos sa sansinukob, at kapag naituwid ang estado sa kaibuturan ng tao, palihim na magbubunyi ang mga tao sa kanilang mga puso, na para bang nakatakas sila sa kapighatian. Sa sandaling ito, hindi na mamimili ang mga tao para sa kanilang mga sarili, dahil ito mismo ang epekto na natamo sa panahon ng huling gawain ng Diyos. Sa Kanyang mga hakbang na nagpatuloy hanggang sa ngayon, sumailalim lahat ang mga anak ng Diyos at ang mga tao sa pagkastigo, at hindi rin makaliligtas ang mga Israelita sa yugtong ito, dahil nabahiran ang mga tao ng karumihan sa loob, at kaya dinadala ng Diyos ang lahat ng tao na pumasok sa dakilang tunawang hurno para sa pagpipino, na isang kinakailangan na daan. Sa sandaling lumampas ito, muling mabubuhay mula sa kamatayan ang mga tao, na siyang tiyak na naunang sinabi ng Diyos sa “Nagsasalita ang Pitong Espiritu.” Hindi na Ako magsalita pa ng tungkol dito, upang hindi na makagalit ng mga tao. Dahil ang gawain ng Diyos ay nakamamangha, dapat sa wakas ay matamo ang mga propesiya na winika ng bibig ng Diyos; kapag hinihiling ng Diyos na magsasalita na naman ang mga tao ukol sa kanilang mga pagkaintindi, labis silang namamangha, at kaya walang sinuman ang dapat na mag-alala o mabalisa. Kagaya ng sinabi Ko, “Sa lahat ng Aking gawain, kailanman ba’y mayroong isang hakbang na isinagawa ng mga kamay ng tao?” Nauunawaan mo ba ang diwa ng mga salitang ito?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

The Chinese Communist Party Uses “Cult” as a Pretext to Persecute Religious Beliefs | What’s a Cult?




The Chinese Communist Party Uses “Cult” as a Pretext to Persecute Religious Beliefs | What’s a Cult?


Since the Chinese Communist Party took power, it has been frantically suppressing religious beliefs. The Chinese Communist Party’s religious policy and China’s human rights conditions have been roundly denounced by democratic countries and international human rights organizations. China’s definition of “cult” and its use of cult as a pretext to attack religious beliefs have particularly drawn serious doubts and criticisms of the international community. The guests in this episode are Professor Massimo Introvigne, founder and director of the Center for Studies on New Religions in Italy and Professor Holly Folk from the University of Western Washington of the United States. They have an in-depth discussion and exchange of views on the CCP’s definition of “cult” and on the issue of the CCP’s condemnation of The Church of Almighty God under the pretext of cult. So, how do the professors look at the CCP’s use of cult as a pretext to suppress and persecute religious beliefs? Please have a look!
Recommendation:
Gospel Is Being Spread!
The Eastern Lightning—The Light of Salvation
The Church of Almighty God was founded by the returned Lord Jesus personally in the last days