Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses … na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, ngunit hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang Diyos ay ganito, ngunit paano mo samakatwid maipapaliwanag na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na naipapakita at ipinapaalam sa mga tao.”

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng
 Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal 

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?



Tagalog Christian Song | "Saan ang aking tahanan" | God Is My Soul Harbor


Saan ang aking tahanan

Pinupulot ko'ng maliit kong brush 
at nagpinta ng maliit na bahay,
Nasa loob si Inay, pati na rin si Itay.
Ako at ang aking babaeng kapatid ay naglalaro sa araw, 
naaarawan kami at punong-puno kami ng init.
Nakangiti si Inay na at pati rin si Itay,
ako at ang aking babaeng kapatid ay nakangiti rin.
Ito ang aking pamilya, nasa aking papel
ito'y nasa aking panaginip, sa'king panaginip.

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Baixue Shenyang City
       Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Cristianong Musikang | Dalanging Tunay

I

Ang dalanging tunay ay mula sa puso.
Ito ay batay sa kalooban at salita ng Diyos.
Pakiramdam mo’y napakalapit mo sa Kanya,
at tila Siya ay kaharap mo.
Ibig sabihin nito’y marami kang masasabi sa Diyos,
puso mo’y umaalab na parang araw,
ika’y napupukaw ng kariktan ng Diyos,
ang mga nakakarinig ay naluluguran.
Ang dalanging tunay ay magdadala ng kapayapaa’t kagalakan,
ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,
ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;
at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay.

II
Ang dalanging tunay ay walang pormalidad
at di lang pagbibigkas.
Ito ay hindi panggagaya ng iba.
Sambitin mo ang nasa iyong puso at nang pukawin ka ng Diyos.
Upang maging mabisa ang mga dalangin mo,
salita ng Diyos ay dapat mong basahin.
Makikita lamang ang kaliwanagan
kung salita Niya’y batayan ng dalangin.

Ang tinig ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

      Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang ang bawa’t tagasunod ay malinaw na malaman ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao


 Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao

Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia'y nagkakahubog.
Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito.
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n'yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla't galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkilala sa Diyos ay ang Landas Tungo sa Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan

Ang Pagkilala sa Diyos ay ang Landas Tungo sa Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan


    Dapat muling suriin ng bawat isa sa inyo ang inyong buhay sa paniniwala sa Diyos upang tingnan kung, sa paghahangad sa Diyos, tunay na nauunawaan ninyo, tunay na naintindihan, at tunay na humantong sa pagkilala sa Diyos, kung tunay na nalalaman kung anong pag-uugali ang dinadala ng Diyos sa iba’t ibang uri ng mga taong nilalang, at kung tunay na nauunawaan ninyo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa inyo at kung paano ipakahulugan ng Diyos ang kanyang bawat kilos. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, na gumagabay sa direksiyon ng iyong pagsulong, na nagtatakda ng iyong tadhana, at nagtutustos ng iyong mga pangangailangan—gaano mo, sa panghuling pagsusuri, nauunawaan at gaano mo talagang nakikilala Siya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawat araw? Alam mo ba ang mga saligan at layunin kung saan ibinabatay Niya ang Kanyang bawat pagkilos? Alam mo ba kung paano kang ginagabayan Niya? Alam mo ba ang mga paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan na ginagamit Niya upang akayin ka? Alam mo ba kung ano ang ninanais Niya na makamit mula sa iyo at kung ano ang ninanais Niya na matamo sa iyo? Alam mo ba ang pag-uugali na ipinakikita Niya sa sari-saring paraan na ikinikilos mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong iniibig Niya? Alam mo ba ang pinagmumulan ng Kanyang kaligayahan, galit, kalungkutan, at kagalakan, ang mga kaisipan at mga ideya na nasa likod ng mga ito, at ang Kanyang pinakadiwa? Alam mo ba, sa panghuli, kung anong uri ng Diyos ang Diyos na ito na iyong pinaniniwalaan? Ang mga tanong bang ito at iba pang mga tanong na ganito ay mga bagay na hindi mo kailanman naunawaan o naisip? Sa paghahangad ng iyong paniniwala sa Diyos, hinawi mo na ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at karanasan sa mga salita ng Diyos, ang mga hindi pagkakaunawaan hinggil sa Kanya? Ikaw ba, pagkatapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay dumating sa tunay na pagpapasakop at pagkalinga? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay humantong upang malaman ang mapanghimagsik at satanikong kalikasan ng tao at nagtamo ng kakaunting pagkaunawa sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng patnubay at pagliliwanag ng mga salita ng Diyos, ay nagsimulang magtaglay ng bagong pananaw sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakadama ng Kanyang kawalan ng pagpaparaya para sa mga pagkakasala ng tao pati kung ano ang kinakailangan Niya sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo nalalaman kung ano ang magkamali ng pang-unawa sa Diyos, o kung paano hawiin ang hindi pagkakaunawaan na ito, samakatwid maaaring sabihin ng sinuman na hindi ka kailanman pumasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi kailanman naunawaan ang Diyos, o kahit papaano maaaring sabihin ng sinuman na hindi mo kailanman ninais na maunawaan Siya. Kung hindi mo nalalaman kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman ang pagpapasakop at pagkalinga, o kahit paano hindi ka kailanman tunay na nagpasakop at kumalinga para sa Diyos. Kung hindi mo kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi mo kailanman tunay na taglay ang tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, ngunit ikaw ay nasa kalagayan ng pagkalito at kawalan ng pagpapasiya sa iyong landas sa hinaharap sa buhay, kahit sa punto na nag-aatubili na tumuloy pasulong, samakatwid tiyak na hindi ka kailanman tunay na nakatanggap ng pagliliwanag at patnubay ng Diyos, at maaari ring sabihin ng sinuman na ikaw ay hindi kailanman tunay na natustusan o napunang muli ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa dumaan sa pagsubok ng Diyos, samakatwid hindi na kailangang banggitin na tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang kawalan ng pagpaparaya ng Diyos sa mga pagsama ng loob ng tao, ni mauunawaan mo kung ano ang panghuling kinakailangan sa iyo ng Diyos, at lalong hindi kung ano, sa panghuli, ang Kanyang gawain sa pamamahala at pagliligtas ng tao. Ilang taon man na naniniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi siya kailanman nakaranas o nahiwatigan ng anuman sa mga salita ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi siya lumalakad sa landas tungo sa kaligtasan, ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na nilalaman, ang kanyang kaalaman sa Diyos din ay tiyak na wala, at hindi kailangang banggitin na wala siyang ideya ng kahit na ano kung paano igalang ang Diyos.