'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto, puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos. 'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos, ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo, at ito'y daranasin mong lubusan ng may buong pananampalataya. 'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti, sa bawat araw, 'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos, pagbubuksan Siya ng iyong puso. 'Pag tunay na bukas ang 'yong puso, 'pag tunay na bukas ang 'yong puso, iyong makikitang suklam at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling. 'Pag tunay na bukas ang 'yong puso, 'pag tunay na bukas ang 'yong puso. Makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan, tungo sa kahariang walang katulad. Sa kaharia'y walang pandaraya, walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan. Tanging kataimtiman at katapatan; tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob. Siya'y pag-ibig, Siya'y mapag-aruga, walang hanggang kahabagan. Sa iyong buhay, saya'y nadarama, kung buksan ang puso mo sa Diyos. Sa dunong Niya't lakas napupuspos ang kaharian, maging ng awtoridad Niya't pag-ibig. Makikita mo kung anong mayroon at sino Siya, kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya, ng hapis, ng lungkot at galit, nariyang makita ng lahat. 'Pag binuksan ang puso mo sa Diyos at anyayahan Siyang tumuloy. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang- Rekomendasyon: Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ngIglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."
I Kaharian ng D'yos dumating sa lupa; persona ng D'yos puno't mayaman. Sinong titigil at 'di magsasaya? Sinong tatayo at 'di sasayaw? O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa D'yos. Awitin ang iyong awit ng tagumpay upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal sa buong mundo. 'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos at tinataas ngalan N'ya. Tinitingnan nila mga gawa N'ya. Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
Abo sa Abo, Alabok sa Alabok Walang hindi magkakasakit at mamamatay. Walang makakapagbago sa mga batas ng pagtanda at pagkakasakit. "Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito?"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan."
Nakikita ng Makapangyarihan sa lahat ang pag-iyak at kawalanghiyaan ng mga nagdurusa't nasaktan, dama ang takot at hina ng taong nawalan ng kaligtasan. Tumatanggi sila sa kalinga Niya, sa sariling landas dumaraan, iniiwasan mga mata Niyang naghahanap. Mas gusto nilang danasin mga pasakit ng dagat, kasama ang kaaway. Ang paghihinagpis ng Makapangyarihan sa lahat ay di na maririnig ninuman. Mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ayaw nang abutin, ayaw na Niyang hipuin ang miserableng sangkatauhan.