Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang Himno ng Salita ng Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


Ang Himno ng Salita ng Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"

I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana, 
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.

Mga Pagbigkas ni Cristo | Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Pagkakaroon ng Realidad

Ang kakayahang maipaliwanang nang tahasan ang mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan—ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Taglay mo man ang katotohanan o hindi, hindi ito nakabatay sa kung ano ang iyong sasabihin, sa halip, ito ay nakabatay sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ito lamang ang naituturing na realidad, at ito lamang ang naituturing na pagkamit mo ng pagkaunawa at tunay na tayog. Kailangan mong makayanan ang pagsusuri sa mahabang panahon, at kailangan mong maisabuhay ang wangis na hinihingi sa iyo ng Diyos; hindi ito dapat na sa anyo lamang, ngunit kailangan itong likas na dumaloy palabas sa iyo. Sa gayon ka lamang tunay na magkakaroon ng realidad, at sa gayon mo lamang makakamit ang buhay.

Tagalog Gospel Songs | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


Tagalog Gospel Songs | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


I
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao,
nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila.
Sa katawang-tao'y nadama Niya 
ang kawalang kakayahan ng tao,
na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan.
Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,
at mas mapagmalasakit sa Kanyang 
mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus.

Tagalog Gospel Songs | Walang Nakauunawa sa Kalooban ng Diyos




Tagalog Gospel Songs | Walang Nakauunawa sa Kalooban ng Diyos


 I
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa gitna n'yo.
Ngunit walang bakas ng sampung porsiyento ng Diyos.
Ang sampung porsiyentong bigay ng maka-Diyos,
inaagaw at kinukuha ng masama.
Di ba kayong lahat ay ikinakalat mula sa Diyos?
Di ba kayo palaban sa Diyos?
Paano makikita ng Diyos ang masama
n'yong gawa bilang bagay na mahalaga?
Kusang ipinagkaloob ng Diyos ang lahat sa inyo,
kaya kahit nagdurusa kayo, nakakamit pa rin n'yo
lahat ng dinadala Niya para sa inyo mula sa langit.
Ngunit wala talaga kayong paglalaan.
Kahit kaunti ang inyong inilalaan,
kalaunan kayo'y magbibigay-sulit sa Diyos.

Kidlat ng Silanganan | 4. Ano ang ibig sabihin ng tunay na manalangin?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, pakiramdam na Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin.

salita ng Diyos | "Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat" (Sipi 2)



salita ng Diyos | "Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat" (Sipi 2)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras."

Tayong mga Kristiyano ay nananalangin sa ngalan ng Panginoong Hesukristo araw-araw, pero alam ba natin ang kahulugan ni Kristo?