Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos| Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan
Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang. Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.
Kidlat ng Silanganan| Wakasan ang Sumpa
Kidlat ng Silanganan| Wakasan ang Sumpa
Si Fu Jinhua ay isang elder sa isang bahay-iglesia sa China. Ilang taon na siyang nananalig sa Panginoon at palaging iniisip na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, na kailangan lang niyang manalig sa Panginoon at kumapit sa Biblia, at kapag bumaba ang Panginoon sa isang ulap ay madadala siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nagsimulang magduda ang kanyang mga kapanalig. Lumitaw na ang apat na buwan na naging dugo, at ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natupad.
Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa
Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, nakakainggit ang inyong pananampalataya, ngunit natatanto ba ninyo na nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-makatarungan? Alam Ko na napakamataimtim at napakamatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ninyo nauunawaan ang tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paano ko hindi mauunawaan si Jesus? Huwag na nating intindihin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng damit na gusto Niyang isuot. Hinahamak Mo ba ako kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at pagsamahan ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang katotohanan, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?
Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. Bago nilikha ang mundo, o matapos itong likhain, hindi pa binalak ni Jehovah ang unang yugto ng gawain, sa kautusan; ang pangalawang yugto ng gawain, sa biyaya; o ang pangatlong yugto ng gawain, ang panlulupig, na kung saan Siya muna ang gagawa kasama ang isang grupo ng tao—ang ilan ay mga inapo ng Moab, at mula rito lulupigin Niya ang buong sansinukob. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito matapos likhain ang mundo; hindi Niya sinabi ang mga salitang ito pagkatapos ng Moab, lalo’t higit bago si Lot. Ang lahat ng Kanyang mga gawain ay napatupad nang kusang-loob. Mismong ganito kung papaano sumulong ang Kanyang buong anim na libong taon ng gawaing pamamahala; hindi Siya sumulat ng plano na katulad ng Paglalagom na Talaguhitan para sa Pagsulong ng Sangkatauhan bago likhain ang mundo. Sa gawain ng Diyos, tuwiran Niyang ipinahahayag kung ano Siya; hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang isipan upang gumawa ng plano. Mangyari pa, maraming mga propeta ang nagpahayag ng kanilang mga hula, ngunit hindi pa rin masasabi na ang gawain ng Diyos ay laging tiyak sa paggawa ng plano; ang mga hula ay ginawa ayon sa aktwal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas. Ganito ang paraan nang unang nilikha ni Jehovah si Adan at Eba nang sa gayon maihayag nila ang Diyos sa lupa at upang magkaroon ng mga saksi sa Diyos sa mga likha, ngunit nagkasala si Eba matapos tuksuhin ng ahas; gayundin ang ginawa ni Adan, at magkasama sa hardin nilang kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, mayroong idinagdag na gawain si Jehovah para sa kanila. Nakita Niya ang kahubaran nila at binalot ang kanilang katawan ng damit na gawa sa katad ng hayop. Matapos ito, sinabi Niya kay Adan, “Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo … hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Sa babae ay sinabi Niyang, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Mula noon ay pinalayas Niya sila mula sa Hardin ng Eden at sila’y hinayaang mamuhay sa labas ng hardin, katulad ng ginagawa ngayon ng mga makabagong tao sa lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao sa simula, hindi Niya binalak na hayaang matukso ng ahas ang tao matapos niyang likhain at isinumpa ang tao at ang ahas. Wala talaga Siyang ganitong plano; ito ay ang pagsulong lamang ng mga bagay na nagbigay sa Kanya ng bagong gawain sa mga nilikha. Matapos maisagawa ni Jehovah ang gawain kina Adan at Eba sa lupa, ang sangkatauhan ay patuloy na sumulong sa loob ng ilang libong taon, hanggang “At nakita ni Jehova na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi si Jehova na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso. … Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ni Jehova.” Sa oras na iyon si Jehovah ay nagkaroon ng mas maraming bagong gawain, dahil ang sangkatauhan na Kanyang nilikha ay naging sobrang makasalanan matapos tuksuhin ng ahas. Sa kalagayang ito, pinili ni Jehovah ang pamilya ni Noe mula sa mga taong ito at kinahabagan sila, at isinagawa ang Kanyang gawain na wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang sangkatauhan ay nagpatuloy sa pagsulong sa ganitong paraan hanggang sa araw na ito, naging labis na tiwali, at nang ang pagsulong ng sangkatauhan ay umabot sa tuktok, ito rin ay ang magiging katapusan ng sangkatauhan. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo, ang katotohanan ng Kanyang gawain ay nanatili sa ganitong paraan. Ito ay katulad kung paano mauuri ang tao ayon sa kanilang klase; malayo sa bawat isang tao na itinalaga sa kalagayang kanilang kinabibilangan sa pinakasimula, ang mga tao ay unti-unting nabibilang sa mga kalagayan matapos sumailalim sa pamamaraan ng pagsulong. Sa katapusan, kung sinuman ang hindi maililigtas ay ibabalik sa kani-kanilang mga ninuno. Wala sa mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na makatotohanan at praktikal na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Ito ay tulad nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehovah ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; ang isa ay makapagsasabi na ito ay hindi inaasahan. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehovah si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na muling lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad ng punto na aking sinabi kanina: “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas.” Kahit gaano naging tiwali ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehovah; kaya, naggugol Siya sa bagong gawain mula nang nilkha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit kailanman. Patuloy na nagsagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinagawa ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang madunong na gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang mga kaaway na itinitiwali ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, upang matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan. Hindi Niya kailanman ibinunyag ang Kanyang karunungan sa harap ng pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong daigdig, at walang mga puwersa ng kadiliman na sumakop sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan ay pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, ang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigting sa bawat magkakasunod na yugto. Ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito ay makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, pagka-makapangyarihan, at ang katotohanan ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang pagka-makapangyarihan ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang katotohanan ng Diyos.
Kidlat ng Silanganan| Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo
Kidlat ng Silanganan| Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo
Changkai Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning
Kidlat ng Silanganan| Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo
Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hahayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na masyadong maging matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pagsasagawa ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.
Kidlat ng Silanganan| Ang Kahulugan ng Tunay na Tao
Kidlat ng Silanganan| Ang Kahulugan ng Tunay na Tao
Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong lulupigin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang paglupig sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at matagal nang naging kanyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. Ang orihinal kahulugan ng lupigin ay paggapi, manghiya. Ayon sa mga tao ng Israel, ito ay ang ganap na pagtalo, pagwasak, at pagkawala ng kakayahan pang lumaban sa Akin. Ngunit ngayon gaya ng gamit ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay ang manlupig. Dapat ninyong malaman na ang Aking layunin ay ang ganap na mabura at mapulbos ang masama sa sangkatauhan, upang ito ay hindi na maaaring maghimagsik laban sa Akin, o magkaroon pa ng hininga para antalain o abalahin ang Aking gawain. Sa gayon, kung ang mga tao ang tatanungin, ang ibig sabihin nito ay panlulupig. Anuman ang maging kahulugan ng salitang ito, ang Aking tungkulin ay ang talunin ang sangkatauhan. Tunay ngang ang sangkatauhan ay karugtong ng Aking pamamahala, ngunit upang mas maging tumpak, ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na lumalaban at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga supling ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga nagmana sa diablo na Akin nang kinamuhian at tinanggihan at kumalaban sa Akin. Ang kalangitan sa ibabaw ng buong sangkatauhan ay madilim at mapanglaw, wala ni isang kislap ng kaliwanagan. Ang mundo ng mga tao ay nasa matinding karimlan, at kapag nanirahan sa loob nito ang sinuman ay hindi man lang niya makikita ang kanyang sariling kamay kapag ito ay iniunat niya sa kanyang harapan at hindi niya makikita ang araw sa kanyang pagtingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa ay maputik at puno ng mga butas, at ito ay paliku-liko at paikot-ikot; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang mga sulok sa dilim ay puno ng mga labi ng mga patay. Ang mga malalamig at madidilim na mga sulok ay puno ng mga kawan ng mga demonyo na doon ay naninirahan. Sa buong sangkatauhan ang mga kawan ng mga demonyo ang dumarating at umaalis. Ang supling ng napakaraming halimaw na natatakpan ng dumi ay sama-samang nakikipaglaban sa isang marahas na pakikipagbuno, ang tunog nito ay nakapagpapakilabot sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa ganoong mundo, at sa gayong “makamundong paraiso”, saan makahahanap ang sinuman ng kaligayahan sa buhay? Saan pupunta ang sinuman upang mahanap ang kanyang hantungan sa buhay? Ang sangkatauhan, na noon pa man ay nayurakan na sa ilalim ng mga paa ni Satanas, ay kumikilos nang naaayon sa anyo ni Satanas—naging mismong larawan pa nito. Sila ang katibayan ng pagiging “malakas at malinaw na saksi,” ni Satanas. Ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga latak, o ang gayong mga supling nitong tiwaling pamilya ng tao, paano sila makapagpapatotoo sa Diyos? Saan manggagaling ang Aking kaluwalhatian? Nasaan ang Aking saksi? Ang kaaway na naninindigan laban sa Akin at ginagawang tiwali ang sanagkatauhan ay naparumi na ang sangkatauhan, ang Aking likha, nag-uumapaw sa Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay. Ninakaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang ipinuno nito sa tao ay walang iba kundi lason na nahahaluang maigi ng kapangitan ni Satanas at ang katas mula sa bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. Sa simula, Aking nilkha ang sangkatauhan, samakatuwid, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay tunay at may hugis, puno ng buhay, puno ng sigla, at higit sa lahat, taglay ang pakikisama ng Aking kaluwalhatian. Iyon ay ang maluwalhating araw nang Aking lalangin ang tao. Sumunod doon, si Eba ay ginawa mula sa katawan ni Adan, ninuno din ng tao, kaya ang mga tao na Aking nilikha ay napuno ng Aking hininga at puspos ng Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na gawa ng Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking kaanyuan. Kaya ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay ang Aking nilikha na puspos ng Aking sigla, puspos ng Aking kaluwalhatian, tunay at nasa mabuting anyo, mayroong kaluluwa at hininga. Siya ang tanging nilikha na pinagkalooban ng espiritu na maaaring kumatawan sa Akin, magtaglay ng Aking anyo, at tumanggap ng Aking hininga. Sa simula, si Eba ay ang pangalawang tao na pinakalooban ng hininga na aking ipinasiyang likhain, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging nilikha na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, puno ng Aking sigla, at higit sa lahat ay mapagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya siya rin ay Aking kalarawan, dahil siya ang pangalawang tao na nilikha mula sa Aking sariling anyo. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging isang buhay na tao, nabigyan ng espiritu, nabubuhay na laman at buto, bilang Aking ikalawang patotoo at bilang Aking ikalawang anyo sa sangkatauhan. Sila ay mga ninuno ng sangkatauhan, ang kanyang dalisay at pinakamamahal na kayamanan, at orihinal na buhay na nilalang na may espiritu. Gayunman tinapakan at dinambong ng masama ang supling ng mga ninuno ng sangkatauhan, ikinulong ang mundo ng mga tao sa lubos na kadiliman, upang ang mga supling na ito ay hindi na naniniwala sa Aking pag-iral. At ang mas kasuklam-suklam ay sa parehong pagkakataon nang ginagawang tiwali at tinatapakan ng masama ang mga tao, malupit nitong kinukuha ang Aking kaluwalhatian, ang Aking patotoo, ang sigla na aking ipinagkaloob sa mga tao, ang hininga at buhay na hinipan Ko sa kanila, lahat ng Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, at lahat ng napakaingat na pagsisikap na Aking ipinuhunan sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at iniwala ang lahat ng Aking ipinagkaloob sa kanila, itinapon ang kaluwalhatian na Aking ipinagkaloob. Paano pa nila ihahayag na Ako ang Panginoon ng mga nilikha? Paano sila maniniwala sa Aking pag iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang pagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa lupa? Paano tatanggapin ng mga apong lalaki at mga apong babae ang Diyos na itinuring na Panginoon ng mga nilikha ng kanilang sariling mga ninuno? Ang kaawa-awang mga apong lalaki at apong babae ay bukas-palad na ibinigay sa masama ang kaluwalhatian, ang anyo, at ang patotoo na Aking ipinagkaloob kina Adan at Eba, at ang buhay na ipinagkaloob sa sangkatauhan na kanilang inaasahan, na hindi iniisip kahit kaunti ang presensiya ng masama, at ibinigay ang lahat ng Aking kaluwalhatian dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng titulong “latak”? Paanong nangyari na ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga demonyo, ang gayong mga naglalakad na bangkay, ang gayong mga anyo ni Satanas, ang gayong Aking mga kaaway ay magtataglay ng Aking kaluwalhatian? Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin ang Aking patotoo sa mga tao at ang lahat na dati Kong pag aari, na Aking ibinigay sa sangkatauhan matagal na panahon na ang nakalilipas—lubusang lulupigin ang sangkatauhan. Ngunit dapat mong malaman, ang mga taong Aking nilikha ay mga banal na tao kasama ng Aking sariling anyo at Aking kaluwalhatian. Sila ay hindi dating kay Satanas, o sumailalim sa kanyang pang-aapak, ngunit lubos na ang Aking pagpapahayag, wala ni katiting na bakas ng lason. Kaya, hahayaan Kong malaman ng lahat na ang nais Ko lamang ay iyong nilikha ng Aking kamay, Aking minamahal na mga walang bahid na hindi kailanman kabilang sa kahit na anumang nilikha. Gayundin, Ako ay masisiyahan sa kanila at titingnan sila bilang Aking kaluwalhatian. Ngunit, ang Aking nais ay hindi ang sangkatauhan na pinasama ni Satanas, pag-aari ni Satanas ngayon, na hindi Ko na orihinal na nilikha. Dahil nais Kong bawiin ang Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, Aking lubos na lulupigin ang natitirang mga nakaligtas na sangkatauhan, bilang patunay ng Aking kaluwalhatian sa Aking tagumpay laban kay Satanas. Ginagamit Ko lamang ang Aking patotoo bilang kalinawan, bilang layunin ng Aking kagalakan. Ang gayon ay ang Aking layunin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)