Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV) (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


🍀 🍀🍀🍃🍎🍎 🍃🍀🍀🍀

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
1. Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo
1) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

Takasan ang Pagkaalipin ng mga Relihiyosong Fariseo at Bumalik sa Diyos


Sa buong komunidad ng mga relihiyon, alam ng mga pastor ang Biblia pagbali-baligtarin man ito at madalas nilang ipaliwanag sa mga tao ang mga sipi sa Biblia. Sa ating paningin, mukhang kilala nilang lahat ang Diyos, pero bakit sinisisi at kinokontra ng napakarami sa mga relihiyoso ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw- araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).


Nakakapagpalaya ang Pagtapon sa Kapangyarihan ni Satanas

kaharian, salita ng Diyos, iglesia, buhay,  landas

Momo    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

    Bago ako naniwala sa Diyos, anuman ang ginagawa ko, hindi ko ginustong mapag-iwanan. Handa akong tanggapin ang anumang paghihirap hangga't nangangahulugan ito na maaari akong umangat kaysa kaninuman. Matapos kong tanggapin ang Diyos, nanatiling pareho ang aking saloobin, dahil matibay akong naniwala sa kasabihang, "Walang paghihirap, walang makakamtam," at nakita ko ang aking saloobin bilang patunay ng aking adhikain. Nang ibunyag ng Diyos ang katotohanan sa akin, sa wakas ay nalaman ko na ako ay nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, nabubuhay sa ilalim ng kaharian nito.

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikatlong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Pagsasarili: Ang Ikatlong Sugpungan
1. Matapos ang Pagiging Nagsasarili, ang Isang Tao ay Nagsisimulang Maranasan ang Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha
2. Pag-iwan sa Sariling mga Magulang at Seryosong Pag-uumpisa na Gampanan ang Sariling Papel sa Teatro ng Buhay
Pag-aasawa: Ang Ikaapat na Sugpungan

Madadala Tayo Sa Kaharian ng Langit Matapos Tanggapin ang Pagtubos ng Panginoong Jesus?



Batay sa mga salita ng Panginoong Jesus sa krus na "Naganap na," karaniwan ay sinasabi nang patapos ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na tapos na kung gayon ang pagliligtas sa sangkatauhan. Kapag nagbalik ang Panginoon, tatanggapin ang mga nananalig sa kaharian ng langit, at hindi na kailangang padalisayin at iligtas ang mga tao. Naaayon ba ang pananaw na ito ng mga pastor at elder sa mga salita ng Diyos? Saan tumutukoy sa huli ang Panginoong Jesus, nang sabihin Niyang "Naganap na" sa krus? Bakit gugustuhing ipahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw, na hinahatulan at dinadalisay ang mga tao? Anong klaseng mga tao ba talaga ang makakapasok sa kaharian ng langit?

Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! | Lahat ba ng Nasa Biblia ay Salita ng Diyos?


Gaya ng maraming relihiyoso na may pananampalataya sa Panginoon, noon pa man ay nadama na ni Elder Li na "lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos," at "ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos." Ang mga ideyang ito ang naging batayan noon pa man ng kanyang pananampalataya. Tumimo ito sa kanyang puso at naging kapwa isang balakid sa kanyang pag- aaral sa tunay na daan at mga taling humadlang sa kanya na tanggapin ito. Nang matiyagang basahan ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Elder Li tungkol sa salita ng Diyos at ipaliwanag sa kanya ang katotohanan, sa wakas ay naunawaan na rin niya na hindi lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, ngunit naroon ang mga salita ng Diyos at ng tao. Hindi na ngayon nakatali at nakakadena si Elder Li sa mga ideyang ito tungkol sa relihiyon.

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (Ikalawang bahagi)

langit, Diyos, Jesus, Espiritu, Salita ng Diyos




   14. Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol. Tanging sa ganitong paraan na mawawakasan Niya ang kapanahunan. Ang layunin ni Jesus ay upang magpatuloy ang tao sa pag-iral, pamumuhay, at ang umiral sa mas maayos na paraan. Iniligtas Niya ang tao mula sa kasalanan nang sa gayon ay tumigil ang tao sa paglusong sa kasamaan at hindi na mamuhay pa sa Hades at impyerno, at sa pagligtas sa tao mula sa Hades at impyerno, hinayaan Niyang magpatuloy na mabuhay ang tao. Ngayon, ang mga huling araw ay dumating na. Lilipulin Niya ang tao at wawasakin nang lubusan ang sangkatauhan, na nangangahulugang babaguhin Niya ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Sa gayon, magiging imposible, sa mahabagin at mapagmahal na disposisyon sa nakaraan, na wakasan ng Diyos ang kapanahunan o maisakatuparan ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Ang bawat kapanahunan ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang bawat kapanahunan ay naglalaman ng mga gawain na nararapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang gawaing ginawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago.