Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.
Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan
Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong
Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.
Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi)
Kung nais mong maging karapat-dapat na magamit ng Diyos, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos; dapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, dapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, dapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, hindi mo ito magagawa nang hindi nalalaman ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (ang Diyos) masabi sa inyo kung ano talaga ang nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay makukumbinsi.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, dapat ninyong maunawaan una sa lahat ang katotohanang panloob ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehova. At dapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung pinaka-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman sa Diyos at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong sasabihin kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pamamaraan, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.
Huwag Magtuon sa Biblia: Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon
Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit.
Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi)
7. Ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao ay may sariling mga prinsipyo rin. Maaari lamang Siyang magsagawa ng gawain at tungkulin ng Ama sa batayan na nagtataglay Siya ng karaniwang pagkatao. Pagkatapos lamang noon maaari Niyang simulan ang Kanyang gawain. Sa Kanyang pagkabata, hindi masyadong naiintindihan ni Jesus ang lahat ng naganap sa sinaunang panahon, at sa pamamagitan lamang ng pagtatanong sa mga guro Niya naunawaan. Kung nagsimula Siya sa Kanyang gawain sa unang pagkakataon na natuto Siyang magsalita, paanong posibleng hindi ito makagawa ng anumang mga pagkakamali? Paano makakagawa ang Diyos ng mga maling hakbang? Samakatuwid, pagkatapos lamang nito na Siya ay nagsimula sa Kanyang gawain; hindi Siya nagsagawa ng anumang gawain hanggang ganap Siyang handa sa pagsasagawa ng mga nasabi. Sa edad na 29, naging ganap na si Jesus at sapat na ang Kanyang pagkatao upang magsagawa ng gawain na gagawin Niya. Pagkatapos lamang noon na ang Banal na Espiritu, na nanatiling nakatago ng tatlumpung taon, ay nagsimulang magpahayag ng Kanyang sarili, at opisyal nang nagsimulang gumawa sa Kanya ang Espiritu ng Diyos. Nang panahong iyon, naghanda si Juan ng pitong taon sa paghahanda ng daan para sa Kanya, at sa pagtatapos ng kanyang gawain, itinapon si Juan sa bilangguan. Pagkatapos ay ganap na napunta ang pasanin kay Jesus. Kung isinagawa Niya ang gawaing ito sa edad na 21 o 22, noong marami Siyang kakulangan sa pagkatao at kapapasok pa lamang sa pagkabinata, kulang pa rin sa pang-unawa sa maraming mga bagay, hindi pa Niya kakayaning panghawakan ang pamumuno. Noong panahong iyon, natupad na ni Juan ang kanyang gawain ng ilang panahon bago simulan ni Jesus ang Kanyang gawain sa Kanyang pagkabinata. Sa edad na iyon, sapat na ang Kanyang karaniwang pagkatao upang magsagawa ng gawain na dapat Niyang gawin.
8. Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios” (Juan 1:1-2).
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
“Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nanggagaling ang katotohanan mula sa mundo ng tao, ngunit ang katotohanan sa tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, alalaon baga'y, mula sa Diyos Mismo, at hindi matatamo ng tao.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)