Noon lamang pagkatapos ng katotohanan na si Jesus ay maging tao saka naisip ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, pati ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong isang ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong mga bahagi, ang lahat ng mga ito ay matinding nakatanim sa karaniwang mga paniwala na ipinalalagay na ito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Yaong tatlong mga bahagi na pinag-isa ay ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Sa kaparehong kalagayan, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga paniwala, pinaniniwalaan nila na kung ang Ama lamang o ang Anak lamang hindi ito maipagpapalagay na Diyos. Ang pinagsama-sama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maipagpapalagay na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng mananampalataya, kasama ang bawat isang tagasunod na sa gitna ninyo, ay nanghahawak sa paniniwalang ito. Ngunit, maging kung ang pananampalatayang ito ay tama, walang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong diskumpiyado sa mga bagay patungkol sa Diyos Mismo. Bagamat ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubhang nahawaan na ng mga relihiyosong paniwala. Tinanggap na ninyo nang husto ang ganitong mga karaniwang relihiyosong paniwala, at ang lasong ito ay dumaloy nang husto sa loob ninyo. Samakatwid, gayundin sa bagay na ito ay nagpaubaya kayo sa ganitong nakapipinsalang impluwensiya, sapagkat ang Trinidad ay hindi umiiral. Iyon ay, ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi umiiral. Ang mga ito ay mga karaniwang mga paniwala ng tao, at mga nakalilinlang na mga paniniwala ng tao. Sa loob ng maraming mga siglo, naniniwala ang tao sa Trinidad na ito, sa idinulot ng mga paniwalang ito sa isip ng tao, gawa-gawa ng tao, at hindi pa kailanman nakita ng tao. Sa loob ng maraming mga taon na ito, marami ng mga tanyag na teologo ang nagpaliwanag sa “totoong kahulugan” ng Trinidad, ngunit ang mga gayong paliwanag tungkol sa Trinidad bilang tatlong natatanging magkaka-ugnay na mga persona ay naging malabo at hindi malinaw, at ang lahat ay nalito sa “kaanyuan” ng Diyos. Walang dakilang tao ang kailanman ay nakapag-alok ng isang masusing paliwanag; karamihan sa mga pangangatuwiran ay pasado sa larangan ng pangangatwiran at sa kasulatan, ngunit walang sinumang tao ang may buong linaw na may pagkaintindi sa kahulugan nito. Ito ay sapagkat ang dakilang Trinidad na pinahahalagahan ng tao sa puso ay hindi talaga umiiral. Sapagkat wala pang nakakita sa totooong mukha ng Diyos o nagkaroon man ng sinumang mapalad na umakyat sa tahanan ng Diyos upang bumisita para magsuri kung anong mga bagay ang makikita sa kinaroroonan ng Diyos, upang eksaktong malaman kung ilang sampu-sampung libo o daan-daang milyon ng mga henerasyon ang nasa “tahanan ng Diyos” o upang imbestigahan kung ilang mga bahagi ang bumubuo sa likas na kaanyuan ng Diyos. Ang pangunahing dapat masuri ay: ang panahon ng Ama at ng Anak, gayundin ng Banal na Espiritu; ang kanya-kanyang anyo ng bawat persona; at paanong ganap na nangyari na Sila ay magkakahiwalay, at paano nangyaring ginawa Silang isa. Sa kasawiang-palad, sa napakaraming mga taon na ito, wala ni isa mang tao ang nakaalam sa katotohanan sa mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay haka-haka lamang, sapagkat wala ni isa mang tao ang nakaakyat sa langit para bumisita at bumalik dala ang isang “masusing pag-ulat” para sa lahat ng sangkatauhan upang iulat ang katotohanan sa lahat ng masigasig at debotong mananampalataya ng relihiyon na nakatuon tungkol sa Trinidad. Sabihin pa, ang sisi ay hindi dapat ibunton sa tao sa pagbuo niya ng gayong mga paniwala, sapagkat bakit hindi isinama ng Amang si Jehovah ang Kanyang Anak na si Jesus nang nilikha Niya ang sangkatauhan? Kung, sa pasimula, ang lahat ay natapos sa pangalan ni Jehovah, mas naging maigi pa sana ito. Kung kailangan mang manisi, hayaang ilagay ito sa panandaliang pagkalimot ng Diyos na Jehovah, na hindi tinawag ang Anak at ang Banal na Espiritu sa harap Niya sa oras ng paglikha, ngunit sa halip isinagawa ang Kanyang gawain nang mag-isa. Kung Sila ay gumawa lamang nang sabay-sabay, kung gayon ay hindi ba Sila magiging isa? Kung, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, mayroon lamang pangalang Jehovah at hindi ang pangalan ni Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, o kung Siya noon ay tinawag na Jehovah, kung gayon hindi ba palalampasin ng Diyos ang pagdurusang dulot ng paghahati ng sangkatauhan? Sa katiyakan, hindi maaaring daingan si Jehovah sa lahat ng ito; kung ang sisi ay dapat na maihayag, hayaang ilagay ito sa Banal na Espiritu, na sa libu-libong taon ay nagpatuloy sa Kanyang gawain sa pangalang Jehovah, ni Jesus, at maging ng Banal na Espiritu, ginugulo at nililito ang tao sa gayon ay hindi malaman ng tao kung sino talaga ang Diyos. Kung ang Banal na Espiritu Mismo ay gumawa nang walang anyo o imahen, at higit pa rito, walang pangalan kagaya ng kay Jesus, at hindi Siya makita o mahawakan ng tao, at naririnig lamang ang mga tunog ng kulog, kung gayon hindi ba magiging mas kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng gawain sa tao? Kaya ano ang maaaring gawin ngayon? Ang mga paniwala ng tao ay natipong sing-taas ng bundok at sing-lawak ng dagat, hanggang sa ang Diyos sa kasalukuyan ay hindi na sila matiis at ganap na nasa kawalan. Sa unang panahon nang si Jehovah pa lang, si Jesus, at ang Banal na Espiritu sa pagitan ng dalawa, nawawala na ang tao kung paano niya kakayanin, at ngayon mayroong pagdaragdag ng Makapangyarihan, na ito man ay sinasabi ring isang bahagi ng Diyos. Sino ang nakakaalam kung sino Siya at sa kaninong persona ng Trinidad Siya nakikihalo o nakatago sa gaano mang karaming taon? Paano ito natitiis ng tao? Ang Trinidad pa lamang ay sapat na upang gugulin ng tao ang habambuhay para magpaliwanag, ngunit ngayon ay mayroong “isang Diyos sa apat na mga persona.” Paano ito maipapaliwanag? Kaya mo bang ipaliwanag ito? Mga kapatid! Papaanong kayo ay naniniwala sa ganitong uri ng Diyos hanggang sa araw na ito? Saludo Ako sa inyo. Ang Trinidad ay sapat na upang tiisin, at kahit na ngayong nagpapatuloy kayo sa pagkakaroon ng di-matinag na pananampalataya sa isang Diyos na ito sa apat na persona. Kayo ay hinihimok na lumabas, ngunit kayo ay tumatanggi. Hindi kapani-paniwala! Kakaiba talaga kayo! Ang tao ay kayang makarating hanggang sa paniniwala sa apat na Diyos at walang gagawin ukol dito; iniisip ba ninyo na ito ay milagro? Hindi ko makakayang sabihin na kayo ay maaaring makagawa ng ganito kalaking milagro! Para sabihin Ko sa inyo, sa katotohanan, ang Trinidad ay hindi umiiral saanmang dako sa mundong ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng kasangkapan na magkalakip na ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay napakalaking kamalian at hindi man lang umiiral sa mundong ito! Ngunit maging ang ganitong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang basehan, sapagkat ang inyong mga kaisipan ay hindi ganoon kapayak, at ang inyong mga saloobin ay hindi walang katuwiran. Sa halip, ang mga ito ay masyadong angkop at malikhain, lalong hindi ang mga ito maigugupo maging ng sinumang Satanas. Ang nakakaawa ay na ang mga saloobing ito ay pawang mga kamalian at hindi man lang umiiral! Hindi pa ninyo nakita ang tunay na katotohanan; kayo ay gumagawa lamang ng mga haka-haka at mga pagkaintindi, pagkatapos ay hinahabi ninyo ang lahat sa isang kuwento upang makuha nang may pandaraya ang tiwala ng iba at upang pangibabawan ang mga pinakahangal sa mga tao na walang talino o katuwiran, nang sa gayon ay maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang “dalubhasang mga pagtuturo.” Katotohanan ba ito? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Ang lahat ng ito ay walang katuturan! Wala ni isang salita ang angkop! Sa loob ng napakaraming mga taon, ang Diyos ay pinagbaha-bahagi ninyo sa ganitong paraan, papino nang papino ang pagbabahagi sa bawat henerasyon, hanggang sa ang isang Diyos ay lantarang pinagbaha-bahagi sa tatlong Diyos. At ngayon totoong imposible na para sa tao na pagdugtung-dugtungin ang Diyos bilang isa, sapagkat pinagbaha-bahagi ninyo Siya nang pinung-pino! Kung hindi sa Aking mabilis na paggawa bago mahuli ang lahat, mahirap masabi kung gaano katagal kayong mananatiling garapal sa ganitong paraan! Sa patuloy ninyong pagbabaha-bahagi ng Diyos sa ganitong paraan, paano pa Siya magiging inyong Diyos? Makikilala pa ba ninyo ang Diyos? Makababalik pa ba kayo sa Kanya? Kung nahuli pa ng kaunti ang Aking pagdating, malamang ay pinadala na ninyo ang “Ama at Anak,” si Jehovah at si Jesus pabalik sa Israel at inari ang inyong mismong mga sarili na bahagi ng Diyos. Sa kabutihang-palad, ngayon ay ang mga huling araw. Sa wakas, ang araw na ito na matagal Ko nang hinihintay ay dumating na, at pagkatapos na Aking maisagawa ang yugto ng gawaing ito sa pamamagitan ng Aking sariling kamay saka pa lamang matitigil ang inyong pagbabaha-bahagi sa Diyos Mismo. Kung hindi dahil dito, maaaring kayo ay namayagpag na, naipapatong na ang lahat ng mga Satanas sa gitna ninyo sa mga dambana upang sambahin. Ito ay inyong pakana! Ang inyong pamamaraan sa pagbabaha-bahagi sa Diyos! Magpapatuloy pa rin ba kayo ngayon? Hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Gaano ba karami ang Diyos? Aling Diyos ang magdadala sa inyo sa kaligtasan? Ito ba ang unang Diyos, ang ikalawa, o ang ikatlo na palagi ninyong dinadalanginan? Alin sa Kanila ang palagi ninyong pinaniniwalaan? Ito ba ang Ama? O ang Anak? O ito ba ang Espiritu? Sabihin mo sa Akin kung sino ang iyong pinaniniwalaan. Bagamat sa bawat salita na iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, ang inyong totoong pinananiniwalaan ay ang inyong sariling utak! Wala talaga kayong Diyos sa inyong puso! At gayunman sa inyong mga isip ay isang bilang ng gayong mga “Trinidad”! Hindi ba kayo sumasang-ayon?