Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

The Chinese Communist Party Uses “Cult” as a Pretext to Persecute Religious Beliefs | What’s a Cult?




The Chinese Communist Party Uses “Cult” as a Pretext to Persecute Religious Beliefs | What’s a Cult?


Since the Chinese Communist Party took power, it has been frantically suppressing religious beliefs. The Chinese Communist Party’s religious policy and China’s human rights conditions have been roundly denounced by democratic countries and international human rights organizations. China’s definition of “cult” and its use of cult as a pretext to attack religious beliefs have particularly drawn serious doubts and criticisms of the international community. The guests in this episode are Professor Massimo Introvigne, founder and director of the Center for Studies on New Religions in Italy and Professor Holly Folk from the University of Western Washington of the United States. They have an in-depth discussion and exchange of views on the CCP’s definition of “cult” and on the issue of the CCP’s condemnation of The Church of Almighty God under the pretext of cult. So, how do the professors look at the CCP’s use of cult as a pretext to suppress and persecute religious beliefs? Please have a look!
Recommendation:
Gospel Is Being Spread!
The Eastern Lightning—The Light of Salvation
The Church of Almighty God was founded by the returned Lord Jesus personally in the last days

Kristianong video| Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?



Kidlat ng Silanganan|  Kristianong video|  Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?

Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios. Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. (Roma 13: 1-2). Paano ang pagtrato nating mga mananampalataya sa yaong nasa kapangyarihan? Ang pagsunod ba sa yaong nasa kapangyarihan ay talagang pareho sa pagsunod sa Diyos?
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo  ay lumalaganap!
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas

sansinukob, Job, salita ng Diyos, Pedro, Pablo

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas


  Iniiwan ng mga salita ng Diyos ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo; ito ay para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na parang wala Siyang kahit anong iniisip na pag-ukulan ng anumang pansin ang mga gawa ng tao, at ganap na walang pakialam sa tayog ng mga tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasalita ay hindi nakatuon sa mga pagkaintindi ng mga tao, kundi umiiwas sa tao, gaya ng orihinal na hangarin ng Diyos. Sa maraming kadahilanan, ang mga salita ng Diyos ay di-matarok at di-mapasok ng tao. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos ay hindi para magkamit ang mga tao ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan o tanging kasanayan mula sa mga iyon; sa halip, ang mga iyon ay isa sa mga pamamaraan kung saan sa pamamagitan nito ay nakagawa ang Diyos mula sa simula hanggang sa ngayon. Sabihin pa, mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay nakatamo ng mga bagay-bagay kaugnay sa mga hiwaga, o mga bagay-bagay hinggil kay Pedro, Pablo, at Job—nguni’t ito ang dapat nilang makamtan, at kung ano ang kaya nilang makamtan, at, gaya ng akma sa kanilang tayog, narating na nito ang taluktok nito. Bakit ganoon na ang resulta na hinihingi ng Diyos na makamit ay hindi mataas, gayunman ay nakapagsalita Siya ng napakaraming mga salita? Ito ay kaugnay sa pagkastigo na Kanyang sinasalita, at likas lamang, ito ay nakakamit lahat nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagtitiis ng higit na pagdurusa sa ilalim ng mga pagsalakay ng mga salita ng Diyos. Sa ibabaw, walang sinuman sa kanila ang tila napakitunguhan, ang mga tao ay nagsimulang mapalaya sa paggawa ng kanilang gawain, at ang mga taga-serbisyo ay naitaas bilang mga tao ng Diyos—at dito, nakikita sa mga tao na sila ay nakapasok sa pagtatamasa. Sa katunayan, ang realidad ay, mula pagpipino, sila ay nakapasok tungo sa mas mahigpit na pagkastigo. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga yugto ng Aking gawain ay malápít na nakaugnay ang isa sa kasunod, bawa’t isa ay higit na mas mataas.” Iniahon ng Diyos ang mga taga-serbisyo mula sa walang-hanggang kalaliman at ibinulid sila tungo sa lawa ng apoy at asupre, kung saan ang pagkastigo ay higit na nakakapighatî. Sa gayon, sila ay nagdurusa ng mas matinding paghihirap, kung saan mula rito ay bahagya na silang makatatakas. Hindi ba’t ang gayong pagkastigo ay mas nakakapighatî? Yamang nakapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, bakit ganito na ang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa halip na anumang kasayahan? Bakit sinasabi na yamang napalaya mula sa mga kamay ni Satanas, sila ay ibinigay sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalaala mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling paghihirap ay nagpapatotoo nang malakas at umaalingawngaw para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung ang mga tao ay hindi naibigay sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino ang kahit kailan ay nakabigkas ng mga salitang gaya ng “Natalo ko ang dyablo” matapos silang magpakamatay? Ang magpakamatay pagkatapos na ituring ang kanilang laman bilang ang kaaway—nasaan ang tunay na kahalagahan nito? Bakit nagsalita ang Diyos nang ganoon? “Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan.” Kung inaasam ng Diyos na yaong mga walang peklat ay maging Kanyang pagpapahayag, bakit Siya matiyaga at masigasig na nagsalita ng napakaraming salita mula sa pananaw ng tao upang labanan ang mga pagkaintindi ng mga tao? Bakit Siya mag-aabala para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Kaya ito ay nagpapakita na may tunay na kahalagahan sa pagsasakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang laman matapos maging nagkatawang-taong laman at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi magiging dalisay at ang tao ay hindi magiging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Ano ang kahulugan kapag ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa esensya ng tao? Sa mga mata ng mga tao, ang laman ay nagpapakitang walang kakayahang gawin ang anumang bagay, o kaya ay masyadong kulang. Sa mga mata ng Diyos, ito ay hindi kailanman mahalaga—nguni’t sa tao, ito ay malaking usápín. Para bang sila ay lubos na walang kakayahang lutasin ito at ito ay dapat na personal na hawakan ng isang katawang makalangit—hindi ba ito pagkaintindi ng mga tao? “Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang ‘maliit na bituin’ na bumaba mula sa kalangitan, isang maliit na bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos’.” Yamang ang mga tao ay walang kabuluhan, bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanilang mga pagkaintindi mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari kayang ito rin ay karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila.” Dahil ang tantiya ng mga tao sa Diyos ay “napakataas,” maraming mga bagay ang “hindi-kayang-makamit” para sa Diyos, na naglalagay sa Kanya sa “mahirap na kalagayan.” Bahagya lamang nababatid ng mga tao na ang hinihingi nila sa Diyos na makayang gawin ay kanilang mga pagkaintindi. At hindi ba’t ito ang tunay na kahulugan ng “Ang isang matalas na tao ay maaaring maging biktima ng kanyang sariling katalinuhan”? Ito ay tunay na isang halimbawa ng “matalas sa pangkalahatan, nguni’t sa sandaling ito isang hangal”! Sa inyong pangangaral, inyong hinihingi na bitawan ng mga tao ang Diyos ng kanilang mga pagkaintindi, at ang Diyos ba ng inyong mga pagkaintindi ay nakaalis na? Paano mabibigyang pakahulugan ang mga salita ng Diyos na “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao”? Ang mga iyon ay hindi upang gawing negatibo at walang-galang ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay tunay na ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na naguguni-guni ng mga tao?

Kristianong Awitin| Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

Pananampalataya, Diyos, Kahulugan, Job, ebanghelyo


Kidlat ng Silanganan | Kristianong Awitin| Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



I
Maraming tao’ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang “Diyos” at “gawain ng Diyos,”
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila’y bulag.
Sila’y di seryoso dito dahil ito’y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya,
angkop ka bang gamitin N’ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

Ang tinig ng Diyos|Pakahulugan sa Unang Pagbigkas

sansinukob, Kaharian, Iglesia, pag-ibig, Diyos

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos|Pakahulugan sa Unang Pagbigkas


  Gaya ng sinabi ng Diyos, “Walang makatatarok sa ugat ng Aking mga salita, ni mauunawaan man nila ang layunin sa likod ng mga iyon.” Kung hindi sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu ng Diyos, kung hindi sa pamamagitan ng pagdating ng Kanyang mga salita, lahat ay mapapahamak sa ilalim ng Kanyang pagkastigo. Bakit ba sinusubok ng Diyos ang tao nang napakatagal? At kasingtagal ng limang buwan? Ito ang pangunahing punto ng ating pagsasamahan gayundin ang pinakapunto ng karunungan ng Diyos. Maaari nating ipalagay ang ganito: Kung hindi sa pamamagitan ng pagsubok na ito, at kung wala ang pagsalakay ng Diyos, pagpatay, at pagtibag sa tiwaling sangkatauhan, kung ang pagtatayo ng iglesia ay nagpatuloy hanggang ngayon, kung gayon ay ano ang makakamit niyan? Kaya sa unang linya ng Kanyang pagsasalita, ang Diyos ay dumidiretso sa punto at ipinaliliwanag ang ninanasang epekto ng gawain sa loob ng mga buwang ito, at ito, masakit mang sabihin, ay tumpak! Ipinakikita nito ang karunungan ng mga gawa ng Diyos sa loob ng sakop ng panahong ito: pagtuturo sa mga tao upang matutunan ang pagpapasakop at taos-pusong dedikasyon sa pamamagitan ng pagsubok, gayundin ang kung paano mas mauunawaan ang Diyos sa pamamagitan ng masakit na pagpipino. Habang mas nawawalan ng pag-asa ang mga tao, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang mga sarili. At upang sabihin ang katotohanan, habang mas masakit ang pagpipinong kanilang kinakaharap, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang sariling katiwalian, at habang pinagdadaanan nila ito nalalaman pa nila na sila ay hindi karapat-dapat na maging isang ‘taga-serbisyo” para sa Diyos, at ang pagganap sa ganitong uri ng serbisyo ay pinaparangalan Niya. Kaya’t sa sandaling ito ay makamit, sa sandaling nasaid ng isang tao ang kanyang sarili, binibigkas ng Diyos ang mga salita ng habag, hindi patago bagkus ay kitang-kita. Maliwanag na pagkatapos ng ilang buwan, ang bagong[a] pamamaraan ng gawain ng Diyos ay nagsisimula ngayon; ito ay malinaw upang makita ng lahat. Sa nakaraan, malimit na sinabi ng Diyos “hindi madaling makamit ang karapatang matawag na Aking bayan,” kaya habang tinutupad Niya ang mga salitang ito sa mga taong tinutukoy bilang mga taga-serbisyo, maaaring makita ng lahat na ang Diyos ay maaaring mapagkatiwalaan nang walang anumang kamalian. Lahat ng sinasabi ng Diyos ay magkakatotoo sa magkakaibang antas, at ang Kanyang mga salita ay hindi kailanman walang laman.

Salita ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos,  buhay, Kaligtasan

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

   Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito na kaunti ang pakiramdam ng tao sa Aking pagiging madaling lapitan, at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakakuha siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa lahat ng mga tao, itinataas Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakikita Ako. Ngunit kapag ang sakuna ay sinapit na ng mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking imahe ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakuna, hindi nila iniintindi ang Aking mga paghihikayat. Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, winiwika Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at hikayatin ang lahat ng tao na humarap sa Akin para tumanggap ng mga bagay mula sa Akin, ngunit pinapanatili pa rin nila ang kanilang pagitan mula sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawa kasama ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, ngunit ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat sumailalim ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula sa Aking gawa, ang lahat ng tao ay kikilos kagaya ng Aking kilos, gayon din ang mga tao sa buong sansinukob ay sasakupin ang kani-kanilang sarili bilang hakbang kasama Ako, mayroong “kagalakan” sa buong sansinukob, at ang tao ay Akin pang uudyukan. Ang kahihinatnan, ang malaking pulang dragon mismo ay pipilantikin sa isang estado ng diliryo at pagkalito dulot Ko, at nagsisilbing Aking gawa, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanais, na siyang iniiwan nang walang pagpipilian maliban sa magpasakop sa Aking kapangyarihan. Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking kasalungat, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ako kailanman nagpaluwag sa Aking “mga kautusan” ukol dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawa ng Aking pagkakatawang-tao ay nakumpleto sa sarili nitong sambahayan. Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas higit na kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang tiyak na digmaan kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.

Ang tinig ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

sansinukob, Sangkatauhan, Diyos, Paghatol, awa

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

  Kapag umabot na sa rurok ang panahon ng paghatol, hindi Ko mamadaliin ang pagtapos sa Aking gawain, ngunit isasama Ko rito ang katibayan ng panahon ng pagkastigo at hahayaan Kong makita ng lahat ng bayan Ko ang katibayan na ito; at magdudulot ito ng mas maraming bunga. Ang katibayan na ito ang gagamitin Ko sa pagkastigo sa malaking pulang dragon, at hahayaan Kong makita ito ng Aking bayan upang mas higit nilang malaman ang Aking disposisyon. Ang panahon na matatamasa Ako ng Aking bayan ay kapag nakastigo na ang malaking pulang dragon. Ang sanhi ng pagtindig at paghihimagsik ng mga tao ng malaking pulang dragon ay ang Aking plano, at ang paraan ng pagperpekto Ko sa Aking bayan, at ito ay napakahusay na pagkakataon para lumago sa buhay ang bayan Ko. Kapag lumitaw ang maliwanag na buwan, agad masisira ang tahimik na gabi. Kahit nasa pilas-pilas ang buwan, masaya ang tao, at matiwasay na nakaupo sa ilalim ng liwanag ng buwan, hinahangaan niya ang magandang tanawin sa ilalim ng liwanag. Hindi mailarawan ng tao ang kanyang mga damdamin; parang gusto niyang ibalik ang kanyang mga saloobin sa nakaraan, parang nais niyang tumingin sa kinabukasan, na parang tinatamasa niya ang kasalukuyan. Makikita sa kanyang mukha ang isang ngiti, at may mabangong simoy sa nakalulugod na hangin; sa pag-ihip ng magiliw na lawiswis, mahahalata ng tao ang mabangong halimuyak, at tila nilasing siya nito at hindi niya magising ang kanyang sarili. Ito ang pinaka-oras na personal Akong pumupunta sa mga tao, at mas tumindi ang mabangong simoy na naaamoy ng tao, at sa gayong paraan tumatahan ang lahat ng tao sa gitna ng samyong ito. May kapayapaan Ako sa tao, nabubuhay siya na may magandang pakikisama sa Akin, hindi na siya pasaway sa kanyang pakitungo sa Akin, hindi Ko na pinupungos ang mga kakulangan ng tao, wala na sa mukha ng tao ang itsurang parang nababalisa, at hindi na banta ang kamatayan sa buong ng sangkatauhan. Ngayon, pasulong na Ako kasama ang tao sa panahon ng pagkastigo, pasulong na kasama siya sa Aking tabi. Ginagawa Ko ang Aking gawain, ang ibig sabihin, ihinampas Ko ang Aking tungkod sa kalagitnaan ng tao at tumama ito sa bahaging suwail ang tao. Sa mga mata ng tao, tila may mga kakaibang kapangyarihan ang tungkod Ko: Tumatama ito sa lahat ng mga kaaway Ko at hindi sila madaling makatatakas dito; sa gitna ng lahat ng sumasalungat sa Akin, ginagampanan ng tungkod ang likas niyang gamit; ginagampanan ng lahat ng mga nasa Aking kamay ang kanilang tungkulin ayon sa orihinal Kong layunin, at hindi nila kailanman sinuway ang mga kagustuhan Ko o nagbago sa kanilang diwa. Bilang resulta, uungol ang mga tubig, guguho ang mga bundok, mabubuwag ang mga malalaking ilog, magbabago palagi ang tao, lalabo ang araw, magdidilim ang buwan, hindi na mabubuhay ang tao nang may kapayapaan, mawawala na ang katahimikan sa lupa, ang mga kalangitan ay hindi na muling magiging mahinahon, at tahimik, at hindi na kailanman muling magtatagal. Mababago ang lahat ng mga bagay at mababawi ang kanilang orihinal na anyo. Magkakawatak-watak ang lahat ng mga kabahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng mga bansa sa mundo; mawawala na ang mga araw ng pagbabalikan ng mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng mga bagay na dating nasa lupa. Hindi Ko bibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang mailabas nila ang kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin, at natutunan Kong kamuhian ang mga damdamin ng mga tao sa isang antas. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, kaya Ako ay naging “iba” sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang “konsensya”; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging nanlulupaypay sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking paghawak ng mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa mundo? Sino na ang naging katulad Ko, na nagtatrabaho sa araw at gabi, na hindi isinasaalang-alang ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano sa pamamahala Ko? Paano maihahambing ang tao sa Diyos? Paano siya magiging kaayon ng Diyos? Paano na ang Diyos, na lumilikha, ay maging kaparehong uri ng tao, na nilikha? Bakit lagi Akong naninirahan at kumikilos kasama ng tao sa lupa? Sino ang nag-aalala para sa Aking puso? Ang mga panalangin ba ng tao? Sumang-ayon Ako minsan na samahan ang tao at lumakad kasabay niya—at oo, nabubuhay ang tao hanggang ngayon sa ilalim ng Aking pag-aalaga at pag-iingat, ngunit kailan ang araw na maaaring humiwalay ang tao mula sa Aking pag-aalaga? Kahit hindi kailanman iningatan ng tao ang Aking puso, sino ang maaaring manatiling nabubuhay sa isang lupain na walang liwanag? Dahil lamang sa mga pagpapala Ko na nabubuhay ang tao hanggang ngayon.

Abril 4, 1992

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia 
ng Makapangyarihang Diyos