Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Christians Should Not Support the Persecution of The Church of Almighty God – Massimo Introvigne



Christians Should Not Support the Persecution of The Church of Almighty God – Massimo Introvign


On November 20–21, 2017, in just two days, seventeen reports attacking The Church of Almighty God (CAG) were published intensively on Ta Kung Pao and Wen Wei Po, the mouthpiece media of the Chinese Communist Party (CCP) in Hong Kong (HK), citing the rumors and fallacies consistently fabricated by the CCP to discredit and condemn the CAG. The reports, by quoting a few pastors’ personal comments, denied the Christian identity of the members of the CAG, and accused them of “stealing sheep,” which caused the loss of believers of other religious groups. Upon this, Prof. Massimo Introvigne, an Italian sociologist, the founder and managing director of the Center for Studies on New Religions (CESNUR), makes comments as follows.
Recommendation:
Gospel Is Being Spread!
 The Return of the Lord Jesus
Investigating the Eastern Lightning

Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos   ay Nakaupo sa



 Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos   ay Nakaupo sa


Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Sa Kanyang kamahalan
hinahatulan Niya ang masamang sanlibutan;
hinahatulan Niya ang lahat ng mga bansa
at lahat ng mga tao, ang lupa at mga dagat
at ang lahat ng nabubuhay na mga bagay na nasa kanila,
gayon din sila na lasing sa alak ng kalaswaan.
Tiyak na hahatulan sila ng Diyos,
at tiyak na magagalit Siya sa kanila
at sa ganito ay mahahayag ang kamahalan ng Diyos.
Ang ganitong paghatol ay magiging mabilis
at ipatutupad nang walang pag-antala.
Susunugin silang lahat ng nagliliyab na galit ng Diyos
dahil sa kanilang karumal-dumal na mga krimen
at sasapitin nila ang malaking kalamidad anumang oras;
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan
na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
Ang mananagumpay na minamahal na mga anak ng Diyos
ay tiyak na lalagi sa Sion,
at hindi na lilisanin ito kailanman,
at hindi na lilisanin ito kailanman.
Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos!
Ang pagwawakas ng sanlibutan
ay nagaganap sa ating harapan
Ang paghatol sa mga huling araw ay nagsimula na.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Pagsaliksik sa 
Kidlat ng Silanganan

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang tinig ng Diyos| Ikalabing-anim na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Kaharian, kaluwalhatian

Kidlat ng Silanganan| Ang tinig ng Diyos| Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas


  Napakarami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming mga bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Nguni’t ang mga kakayahan ng tao sa pagtanggap ay kulang na kulang: Hindi niya kayang arukin nang lubos ang Aking mga salita ayon sa Aking ipinagkakaloob, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan nguni’t nananatiling mangmang sa iba. Gayunpaman hindi Ko pinarurusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado ng kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng mga tao. Kaya, ito rin, ang panahon kung kailan ang Aking mga anak na lalaki at bayan ang mamamahala sa buong mundo. Yaong mga nakakakilala sa Akin ay tiyak na magiging mga haligi ng Aking kaharian, at walang iba kundi sila ang magiging kwalipikado upang mamahala at gumamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Ang lahat ng nakakakilala sa Akin ay mayroon ngang pagiging Ako, at nagagawang isabuhay Ako sa gitna ng lahat ng mga tao. Hindi Ko tinitingnan kung hanggang saan Ako nakikilala ng tao: Walang makahahadlang sa Aking gawain sa anumang paraan, at walang maitutulong sa Akin ang tao at walang magagawa para sa Akin. Masusundan lamang ng tao ang Aking paggabay sa Aking liwanag, at mahahanap ang Aking kalooban sa liwanag na ito. Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang kanyang paggalang sa Akin ay masyadong kakaunti; iginagalang niya Ako kapag kaharap niya Ako, nguni’t walang kakayahang maglingkod sa Akin sa harap ng Espiritu. Ito ay tila, para sa tao, ang Espiritu ay hindi umiiral kailanman. Bilang resulta, walang taong nakakilala sa Espiritu; sa Aking pagkakatawang-tao, ang nakikita lamang ng mga tao ay isang laman at dugo, at hindi nararamdaman ang Espiritu ng Diyos. Maaari kayang tunay na matupad ang Aking kalooban sa ganitong paraan? Ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin; parang sadya silang tinuruan ni Satanas upang lokohin Ako. Nguni’t hindi Ako naliligalig ni Satanas. Gagamitin Ko pa rin ang Aking karunungan para lupigin ang buong sangkatauhan at talunin ang nagpapatiwali ng buong sangkatauhan, upang sa gayon ay maitatag ang Aking kaharian dito sa lupa.

Salita ng Diyos| Ang Ikalabinlimang Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Kaharian, pag-ibig

Kidlat ng Silanganan|Salita ng Diyos| Ang Ikalabinlimang Pagbigkas


    Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kayang makilala ang sarili niya, kilalang-kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang palad, para bang lahat ng ibang tao ay nakapasa at nakatanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, at dahil dito, tila nakuha niya ang buong sukat ng lahat ng iba hanggang sa kanilang katayuang pang-kaisipan. Lahat ng mga tao ay ganito. Ang tao ay nakapasok na ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, ngunit ang kanyang kalikasan ay nananatiling walang pagbabago. Siya ay gumagawa pa rin tulad ng ginagawa Ko sa harap Ko, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling natatanging “kalakalan.” Kapag ito ay natapos na at siya ay muling lumalapit sa Akin, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kasuklam-suklam? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na ganap na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga tupang bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, kilalang-kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang palad, nang masaya sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga sa Aking harapan? Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi ang mga ito, na tila ang Aking mga salita ay pabigat? Sa napakaraming beses, na nakita Ko ang sangkatauhang ginawang masama ng Aking kaaway, nawalan na Ako ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses, nakikitang lumalapit ang tao sa Akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan ng paggalang sa sarili, ang kanyang hindi na magbabago pang katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga intensiyon ay tapat. Napakaraming beses na, nakikita Ko ang tao ay may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses na, nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling bayan, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan dahil sa mga bagay na ito. Ang mga tao ay hindi alam kung paano matuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang pangunahing kahulugan ng pagpapala o pagdurusa. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging taimtim sa kanilang paghahanap sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo, tumatayo sa Aking harapan, mistulang kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade? Tiyak na ang pag-ibig ninyo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na inukol sa iyo ng iba? Tunay nga, na ang pinagdadaang pagsubok ay hindi magtutulak sa tao na talikdan ang kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magsasanhi sa kanya na magreklamo laban sa Aking isinaayos? Walang sinumang tao ang kailanma’y talagang napahalagahan ang espadang taglay ng Aking bibig: Nalalaman lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi talagang inuunawa nang mas malalim. Kung ang mga tao ay tunay na nakita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang naiintindihan sa totoong kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang kaalaam-alam kung gaano kahirap-talunin ang Aking mga salita, o kung gaano ang kanilang kalikasan ay nabubunyag, at kung gaano ang kanilang kasamaan ay nakatanggap ng paghatol, na napapaloob sa mga salitang iyon. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at di-naglalaang saloobin.

Ang tinig ng Diyos| Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Kaharian, Biyaya

Kristianong Awitin|Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


   Sa mga nagdaang kapanahunan, wala pang taong nakapasok sa kaharian at sa gayon ay wala pang nakapagtamasa ng biyaya ng Kapanahunan ng Kaharian, wala pang nakakita sa Hari ng kaharian. Bagama't sa ilalim ng pagpapalinaw ng Aking Espiritu, maraming tao ang nagpropesiya ng kagandahan ng kaharian, panlabas lamang ang alam nila, hindi ang panloob na kahalagahan nito. Ngayong araw, sa pagdating ng kaharian tungo sa pormal na pag-iral sa lupa, karamihan sa sangkatauhan ay alam pa rin hindi lamang kung ano ang dapat na maisakatuparan, kung anong kinasasaklawan ang pagdadalhan sa tao sa kasukdulan, sa Kapanahunan ng Kaharian. Tungkol dito, ikinatatakot Ko na ang lahat ng mga tao ay nasa isang estado ng pagkalito. Dahil ang araw ng ganap na pagsasakatuparan ng kaharian ay hindi pa lubusang dumarating, lahat ng tao ay nalilito, hindi ito makita nang malinaw. Ang aking gawa sa pagka-Diyos ay nagsisimula nang pormal sa Kapanahunan ng Kaharian. Ito ay sa pamamagitan ng pormal na pagsisimula ng Kapanahunan ng Kaharian na ang Aking disposisyon ay nagsisimula na progresibong ihayag ang kanyang sarili sa tao. Kaya sa sandaling ito ang banal na trumpeta ay pormal na nagsisimulang tumunog at magpahayag sa lahat. Kapag pormal Ko nang nakuha ang Aking kapangyarihan at paghahari bilang Hari sa kaharian, ang lahat ng Aking mga tao ay gagawin Kong ganap sa pagdaan ng panahon. Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga tao ay makikita ang Aking maluwalhating mukha, makikita ang Aking totoong itsura. Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, ang sangkatauhan ay natiwali ni Satanas na hanggang sa ngayon ay umiiral ito. Sa katiwalian ng tao, ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila. Hindi pa kailanman nakita ng tao ang Aking tunay na mukha, hindi kailanman direktang nakipag-ugnayan sa Akin. Tanging sa sabi-sabi at mitolohiya lamang nagkaroon ng isang “Ako” sa likhang-isip ng tao. Ako samakatuwid ay naaayon sa likhang-isip ng tao, iyon ay, sa mga pantaong pagkaintindi, upang mapakitunguhan ang “Ako” sa isipan ng mga tao, na maaari Kong mabago ang estado ng “Ako” na natanim sa kanilang isip sa napakaraming taon. Ito ang prinsipyo ng Aking gawa. Wala kahit isang tao ang nakaalam nito nang lubos na lubos. Kahit ang mga tao ay nangagpatirapa sa Akin at humarap sa Akin upang sumamba sa Akin, hindi ako nasisiyahan sa naturang mga kilos ng mga tao dahil sa kanilang mga puso hindi nila hawak ang Aking imahe, kundi isang imaheng panlabas sa Akin. Samakatuwid, ang kanilang isip ay kulang ng Aking disposisyon, wala silang alam sa totoong mukha Ko. Samakatuwid, kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala ko muna ito. At samakatuwid, sa kanilang mga alaala, Ako ay isang Diyos na nagpapakita ng awa sa mga tao sa halip na kinakastigo sila, o Ako ang Diyos Mismo na hindi ginagawa ang sinasabi Niya. Lahat ng mga ito ay mga likhang-isip na naibunga sa pag-iisip ng tao at hindi naaayon sa mga pangyayari.

Kristianong Awitin| Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

Pagkakatawang-tao, Jesus, Diyos, Himno, espiritu


Kidlat ng SilangananKristianong Awitin| Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

I
Kapag ibinibaba ng Diyos ang sarili Niya,
Siya’y nagkakatawang-tao’t nananahan sa tao,
saka lang sila maaring maging,
kanyang katiwala’t matalik na kaibigan.
Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao
kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?
Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos
mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.

Kidlat ng Silanganan| Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan| Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikalabintatlong Pagbigkas


    Nakatago sa loob ng mga pagpapahayag ng Aking tinig ang isang bilang ng Aking mga layunin. Ngunit walang nalalaman at naiintindihan ang tao tungkol sa mga ito, at patuloy na tinatanggap ang Aking mga salita buhat sa labas at sinusunod ito mula sa labas, na walang kakayahang unawain ang Aking puso o alamin ang Aking kalooban mula sa Aking mga salita. Kahit na gawin Kong malinaw ang Aking mga salita, mayroon bang sinumang nakauunawa? Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kaloob-looban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang taong nasa laman. Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat para subukan ninyong kilalanin Siya? Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa inyong ginagawang pagsisikap para subukin na “suriin” Siya? Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating kalikasan ng buong sangkatauhan. Bilang isa sa Aking bayan sa China, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo. Sa kadahilanang ito, ginamit Ko ang pinakamalaking bahagi ng lakas sa inyo, ang pinakamalaking bahagi ng pagsisikap. Hindi ninyo pa rin ba iniingatan ang pinagpalang buhay na ikinalulugod ninyo ngayon? Pinatitigas ninyo pa rin ba ang inyong puso upang maghimagsik laban sa Akin at sundin ang inyong sariling mga panukala? Kung hindi Ko pinanatili ang Aking awa at pagmamahal sa inyo, matagal nang bumagsak ang buong sangkatauhan bilang bihag ni Satanas at magiging “napakasarap na piraso” sa bibig nito. Sa araw na ito, sa gitna ng buong sangkatauhan, silang tunay na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin at buong puso Akong minamahal ay hindi pa rin sapat na mabilang sa mga daliri sa isang kamay. Maaari kayang sa ngayon, ang titulo na[a] “Aking bayan” ay naging personal ninyo nang pag-aari? Ang konsensya mo kaya ay basta na lang nanlamig? Tunay ka kayang karapat-dapat na maging bayan na Aking hinahangad? Kung iisipin Ko ang nakaraan, at titingnan Kong muli ang kasalukuyan, sino ang nakapagbigay ng kasiyahan sa Aking puso? Sino ang nagpakita ng tunay na malasakit sa Aking mga layunin? Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.