Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

sinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba’t ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba’t ibang ritwal.Noong 2009, pumunta ako sa Japan upang mag-aral. Minsan, sa kuwarto ng dormitoryo ng kapwa ko mag-aaral, nagkataong nakilala ko ang pinuno ng isang maliit na grupo ng mga Cristiano na dumating upang ipalaganap ang ebanghelyo.

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao....At iba pa.

New tagalog dubbed movies | "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"


New tagalog dubbed movies | "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"

Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at inihahatid ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at sa magtatamo lang tayo ng buhay na walang hanggan sa pagtanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw. Subalit sinasabi ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na ang buhay ay nasa loob ng Biblia, at na basta’t sumusunod tayo sa Biblia magtatamo tayo ng buhay na walang hanggan.

Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita.Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling buhay espiritwal.

Tagalog Worship Songs | Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos


Tagalog Worship Songs
Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos

I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)

Buhay Kristiyano, Kaligtasan,
Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.

“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”

“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?

“Oo … nasa bahay ako. Ano’ng meron?” tanong ni Jingru sa pagkagulat.

Clip 5 - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Salita ng Diyos at mga Salita na Umaayon Sa Katotohanan


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 5 - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Salita ng Diyos at mga Salita na Umaayon Sa Katotohanan

Alam mo ba ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salita ng Diyos na katotohanan mismo, at ang mga salita ng mga espiritwal na tao na umaayon lamang sa katotohanan? Sisiyasatin ng maikling video na ito para sa iyo ang katanungang ito.
Malaman ang higit pa:New tagalog dubbed movies

Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos?

Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos;

Tagalog Music Video | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon


Tagalog Gospel Songs  |  Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon

I
Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu
ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,
hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon.
Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,
sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.

inagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw


Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (3) "Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw"

Sa mga Huling Araw, nagkakatawang-tao ang Diyos upang isakatuparan ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos, kaya, pa’no nalilinis at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ano’ng mga pagbabago ang madadala sa sarili nating disposisyon sa buhay matapos danasin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos?  Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!
Rekomendasyon:Bible Study Tagalog


3 Malalaking Obra Maestra para sa Pagtatagumpay sa mga Tukso sa Digmaang Espirituwal

Kristiyano, Magtagumpay.,
Sumainyo nawa ang kapayapaan ng Panginoon! Kadalasan, ang lahat ng mga uri ng digmaang espirituwal ay magaganap sa buong panahon ng ating pananampalataya sa at pagsunod sa Diyos. May mga tukso na may kinalaman sa salapi, katayuan at pangalan, at mga tukso sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, gayundin ang paninirang-puri ng mga hindi mananampalataya, paghadlang at paniniil mula sa mga mahal sa buhay, gayundin ang pagtugis at pag-uusig ng isang mala-satanas na rehimen. Minsan ang mga kalamidad ay sumasapit sa atin nang ganap na hindi inaasahan. Sinasabi ng Biblia: “Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (1 Pedro 5:8). “Sa lupa, ang lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang-katapusang gumagala-gala sa paghahanap ng lugar upang magpahinga, at hindi humihinto sa paghahanap ng mga bangkay ng mga tao upang kainin” (“Kabanata 10” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Wala ni isang saglit na wala sa tabi natin si Satanas, nag-iisip nang husto upang gamitin ang sinumang tao, pangyayari, o bagay upang tuksuhin, subukin, at usigin tayo, sinusubukang ilublob tayo sa kasamaan, sa sakuna at upang ilayo ang ating mga sarili sa Diyos, ang pagtaksilan Siya upang sa bandang huli ay lulunin tayo nito nang buo. Kung wala tayong katotohanan, wala din tayong pagkilala; kung hindi natin nakikita nang malinaw ang digmaang espirituwal, kung hindi tayo mananatiling matatag sa mga salita ng Diyos, malamang na hahabulin natin ang makalamang mga pakinabang at mga pagpipilian, mahuhulog sa sapot ni Satanas at mawawala ang ating patotoo. Bilang mga Kristiyano, mahalagang matutuhan kung paano makilala ang panlilinlang ni Satanas. Kaya ano ang magagawa natin upang tulutan ang ating mga sariling makita nang malinaw ang panlilinlang ni Satanas sa gitna ng digmaang espirituwal at at maging saksi sa Diyos? Nais kong talakayin sa inyo ang ilang pagbabahagi sa tatlong landas para magtagumpay sa mga tukso ni Satanas.

Una, sa harap ng panunukso ni Satanas, dapat kang manalangin sa Diyos at lalong hangarin ang katotohanan upang maunawaan ang kalooban ng Diyos at huwag maging biktima sa mga panlilinlang ni Satanas.

Si Satanas ay masama at mabangis sa pinakamataas na antas. Inaabuso ng lahat ng mga panunukso nito sa mga tao ang kanilang mahihinang bahagi, ang kanilang mahahalagang kahinaan. Nagsisimula ito kung saan man pinakamarupok ang isang tao, kagaya lamang sa panunukso kay Eba na kumain sa punongkahoy sa pagkakilala sa mabuti at masama. Palaging sa ganoong pagkakataon madalas naihahayag ng mga tao kung ano ang kanilang kalikasan, ang sundin ang pansariling mga kagustuhan at mga pagpipilian sa kanilang mga pagkilos—napakadali para sa kanila na tamaan ng mga panlilinlang ni Satanas. Kung kaya, kapag nakasasagupa tayo ng digmaang espirituwal, dapat muna tayong maging mahinahon sa harap ng Diyos, manalangin, hangarin ang Kanyang kalooban at mga kinakailangan, kung ano ang dapat nating gawin upang sumaksi at mapalugod ang Diyos, at kung anong pinsala at mga kahihinatnan ang sasapit kung mapalulugod natin ang laman. Sa sandaling maunawaan natin ang katotohanan, likas nating malalansag ang panlilinlang ni Satanas at mapagtatagumpayan ang tukso. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin” (Mateo 21:22). Sinasabi din ng mga salita ng Diyos: “Pagkatapos na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at binigyan sila ng mga espiritu, iniutos Niya sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Diyos, kung gayon hindi sila makakaugnay sa Kanyang Espiritu at kaya hindi matatanggap sa daigdig ang ‘telebisyong satelayt’ mula sa langit. Kapag wala na ang Diyos sa mga espiritu ng mga tao mayroong isang walang-lamang upuan ang naiiwang bukas para sa ibang bagay, at iyan ang kung paano sinasamantala ni Satanas ang pagkakataon na makapasok. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso, kaagad na natataranta si Satanas at nagmamadali upang tumakas. Sa pamamagitan ng mga pagsamo ng sangkatauhan ay ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos ang kanilang pangangailangan, nguni’t hindi Siya ‘naninirahan’ sa loob nila sa simula. Palagi lamang Siyang nagkakaloob sa kanila ng tulong dahil sa kanilang mga pagsamo at nakakamtan ng mga tao ang tibay mula sa kalakasang panloob kaya hindi nangangahas si Satanas na pumunta rito para “maglaro” ayon sa gusto nito. Sa ganitong paraan, kung palaging nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Espiritu ng Diyos, hindi nangangahas si Satanas na manggambala” (“Kabanata 17” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nakasulat sa Biblia na kapwa nawala ni Job ang kanyang kayamanan at mga anak sa pamamagitan ng pagsubok ni Satanas ngunit hindi siya umimik, ni nagtawag siya ng mga tao upang labanan ang mga magnanakaw upang bawiin ang kanyang mga pag-aari. Sa halip, lumapit siya sa harap ng Diyos upang manalangin at maghangad at sa pamamagitan ng gayon naunawaan niya na ang lahat ng kanyang natamo ay hindi sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kakayahan bagkus ang lahat ay ipinagkaloob ng Diyos. Ang kanyang sinapit na mga kabiguan sa panahong iyon ay ipinahintulot ng Diyos, at dahil ang lahat ng mga pangyayari at ang lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, dapat magpakita ng pagkamasunurin ang sangkatauhan. Kung kaya sinabi ni Job: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Si Job ay naging saksi para sa Diyos at nagdulot ng kahihiyan kay Satanas. Makikita natin sa ating totoong mga buhay na ang ilan na naniwala sa Diyos at gumawa sa gawain ng iglesia ay mayroong pamilya at mga kaibigan na nanghihikayat sa kanila sa pamamagitan ng mga salita ng mga pagnanasa sa laman, sa paggawa ng kapalaran, at bilang resulta tinalikuran nila ang Diyos upang magpayaman. Dumadalo sila sa mga pagtitipon at padalang nang padalang na binabasa ang mga salita ng Diyos, at sa bandang huli ganap na binihag ng masasamang kalakaran. Kapag nasasagupa ng tunay na mga mananampalataya ang mga bagay na ito, humaharap din sila sa labanang panloob, ngunit nakalalapit sila sa harap ng Diyos at nananalangin, upang hangarin ang Kanyang kalooban at mga kinakailangan, at upang makaunawa sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na ang mga kasiyahan ng laman—kung ano ang kanilang kinakain, kung ano ang kanilang isinusuot—ay pansamantalang lahat. Gaano man kalaki ang kagalakan, ang mga ito ay walang kahulugan at mga kahungkagan lamang at pagdurusa, at kapag ang mga tao ay naging masyadong komportable, ito ay napakadaling mahulog sa masasamang paraan. Natatanto rin nila na dinala tayo ng Diyos sa mundo na may isang misyon, na kailangan nating isakatuparan. Dapat nating pagtuunan ng pansin ang paghahangad ng katotohanan, pagsasagawa sa mga salita ng Diyos, at pagtupad sa ating tungkulin. Kagaya ng nakasulat sa Biblia, tayo ay mga dayuhan, tayo ay mga panauhin sa mundo, kaya bilang mga Kristiyano dapat tayong makuntento sa pagkakaroon ng damit na maisusuot at ng pagkain sa ating mga hapag. Sa sandaling maunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos, hindi na sila magagapos sa mga alalahanain ng kayamanan at magkakaroon na ng wastong pananampalataya at matutupad ang kanilang tungkulin bilang nilalang. Maliwanag mula rito na kung gusto nating magtagumpay laban kay Satanas sa digmaang espirituwal, mas lalo tayong dapat manalangin sa at manalig sa Diyos. Kung tunay nating nauunawaan ang katotohanan saka lamang tayo makapananaig sa mga panlilinlang ni Satanas at magiging saksi para sa Diyos.

Ikalawa, kapag nahaharap sa tukso mula kay Satanas dapat mong makita ang katotohanan na ang digmaang espirituwal ay ang pagsalakay ni Satanas sa mga hinirang ng Diyos at pakikipagpustahan sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng matibay na paninindigan sa panig ng Diyos ka magiging matagumpay.

Si Satanas ay ang mahigpit na kaaway ng Diyos at kinasusuklaman nito ang Diyos, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, at lalo nitong kinasusuklaman ang mga naniniwala sa Diyos, ang natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Kung kaya kapag natatamo ng isang tao ang pananampalataya at bumabaling sa Diyos, ginagawa nito ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang sila ay tuksuhin, hadlangan, at gambalain. Ginagamit nito ang lahat ng mga tao, mga pangyayari, at lahat ng mga bagay, upang isakatuparan ang mga panlilinlang nito upang ang mga tao ay maging negatibo at mahina, tanggihan ang Diyos at lumayo sa Kanya, at bumabalik pa sa kampo ni Satanas. Kagaya lamang nang sinubok si Job, makikita ng mga tao sa kanilang mga mata na ang mga magnanakaw ang kumulimbat sa mga ari-arian ni Job at na ang kanyang bahay ay bumagsak at kasamang namatay ang kanyang mga anak, ngunit ang totoo, sa likod ng lahat ng iyon ay ang digmaang espirituwal. Si Satanas ito na nakikipagpustahan sa Diyos. Kung hindi natin malinaw na makikita ang katotohanan sa likod ng digmaang espirituwal ngunit sinusuri ito at tinitingnan ito mula sa pananaw ng isang tao, tinitimbang ang mga tama at ang mga kamalian, magiging biktima tayo sa mga panlilinlang ni Satanas, magiging malayo sa at pagtataksilan ang Diyos. Ang nahayag sa mga salita ng Diyos ay ito: “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinumang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din ni Satanas, nakabuntot sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na mataglay ng Diyos ang sinuman; nais nito ang lahat ng nais ng Diyos, ang sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang napakasamang layunin ni Satanas? Sa karaniwan, madalas ninyong sinasabi na si Satanas ay napakabuktot, napakasama, subalit nakita ba ninyo ito? Ang nakikita lamang ninyo ay kung gaano kasama ang tao at hindi pa ninyo nakikita sa realidad kung gaano talaga kasama si Satanas…. Si Satanas ay nakikipagdigma sa Diyos, sumusunod-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, sakupin at kontrolin ang mga nais ng Diyos, ganap na puksain ang mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa sila kung gayon ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa ngayon sa mga huling araw, ang Diyos ay gumawa ng isang hakbang ng gawain ng paghatol na nagsimula sa tahanan ng Diyos. Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kakaunting mga tao ang nakasagupa ng ilang mahihirap na bagay. Halimbawa, pagkatapos kamtin ang pananampalataya ay nakasagupa ang mga kapatid ng hadlang at panunupil mula sa kanilang mga pamilya; ang ilan ay binantaan ng diborsiyo ng kanilang mga asawa upang pilitin sila na talikuran ang tunay na daan. Ang ilang mga kapatid ay bigla na lamang nagkasakit, nagdanas ng hindi inaasahang mga kalamidad, o sumapit sa kanilang mga pamilya ang ilang nakalulungkot na mga bagay. Maraming mga tao ang nakabuo ng mga pagkaunawa sa harap ng mga bagay na ito. “Naniniwala ako sa Panginoong Jesus noong una at ang lahat ay payapa at maayos, ngunit hindi na ngayon. Mali na ba ang aking pananampalataya ngayon? Kung naniwala ako sa tunay na Diyos ang lahat ng mga bagay ay dapat maging maayos!” Bilang resulta, ang ilang mga tao ay naging negatibo at mahina, ang ilang mga tao ay nakabuo ng mga pagdududa tungkol sa gawain ng Diyos, at tinalikuran pa ng ibang mga tao ang kanilang pananampalataya. Ang totoo nito ang mga katayuang ito ay bumabangon sa mga tao sapagkat hindi nila nakita ang katotohanan ng digmaang espirituwal at wala silang pagkilala sa mga panlilinlang ni Satanas. Sa katunayan, ang pagsagupa sa mga usaping ito ay tiyak na siyang paghadlang at paggambala ni Satanas—nalalaman ni Satanas na naniniwala tayo sa tunay na Diyos at lalong alam niya na dumating ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Natatakot ito na ang lahat ng mga tao ay maniniwala sa at susunod sa Diyos at pagkatapos ay wala ng sinumang susunod pa sa kanya. Kung kaya nagsumikap ito nang husto upang gamitin ang lahat ng mga uri ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay upang gumawa ng mga kalamidad upang antalain at lituhin ang mga tao upang hindi nila makita ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang totoo at huwad, at binibitawan nila ang tunay na daan. Ito ang nakapangangambang layunin ni Satanas at ito ang katotohanan sa likod ng digmaang espirituwal. Ito ang panahon upang makita kung anong mga uri ng mga pagpili ang ginagawa ng mga tao. Kung titingin lang tayo sa panlabas na anyo ng mga bagay at pananatilihin ang ating makalamang mga interes, madadala tayo sa mga panlilinlang ni Satanas at pagtataksilan ang Diyos. Kung nagagawa nating makita ang katotohanan ng digmaang espirituwal, mayroong isang makapangyarihang pagnanais para sa Diyos at mananatiling matatag sa panig Niya, kung makapaninindigan tayo sa ating pananampalataya, susundin ang Diyos, at makatutugon sa mga kinakailangan Niya kahit na mawala sa atin ang lahat ng ating pag-aari sa laman, kung gayon ang mga kamay ni Satanas ay maigagapos—ito ay mapapahiya at magagapi habang tayo ay magiging saksi sa digmaang espirituwal na ito. Kagaya ng sinabi ng Diyos: “Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumupusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawa’t hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pakikipagtawaran ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na kinasasaklawan, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na panindigan ang testimonya” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ikatlo, kapag nasa harap ng tukso mula kay Satanas dapat kang manindigan sa mga salita ng Diyos, mamalagi sa pagsunod sa katotohanan at sa pagiging tapat sa Diyos upang makaganti laban sa mga panlilinlang ni Satanas, ganap na pinahihiya at tinatalo ito.

Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, isang katotohanan na pinakakapaki-pakinabang at nakatutulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kinakailangan ng inyong katawan, isang bagay na makatutulong sa inyong mapanumbalik ang inyong normal na pagkatao, isang katotohanan na dapat mailakip sa inyo. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong katayuan, makikita ninyo ang mga bagay sa espirituwal na mundo nang mas malinaw, at kayo ay lalong magiging mas makapangyarihan upang magtagumpay kay Satanas” (“Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang Aking bayan! Dapat kayong manatili sa loob ng Aking pagmamahal at pag-iingat. Huwag kailanmang kumilos nang imoral! Huwag kailanmang kumilos nang walang-ingat! Sa halip, ihandog mo ang iyong katapatan sa Aking tahanan, at kung mayroon lamang ng katapatan maaari kang maglunsad ng pagsalungat laban sa katusuhan ng diyablo” (“Kabanata 10” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dapat nating malamang lahat na tanging ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, na kinakatawan ng mga ito ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano Siya, na ang katotohanan ay ang realidad ng lahat ng mga bagay na positibo, na sa labas ng mga salita ng Diyos ang lahat ng mga teorya ay hidwang pananampalataya, mala-satanas na mga pilosopiya, at walang anumang mapatutunayan. Hangga’t umaasa tayo sa mga salita ng Diyos sa ating mga pananaw sa mga bagay malalaman natin kung ano ang positibo at kung ano ang negatibo. Sa gayon lamang tayo magkakaroon ng pagkilala sa lahat ng mga hidwang pananampalataya at mga kasinungalingan ni Satanas, makagaganti sa mga panlilinlang nito, at hindi mawawala ang ating daan sa mga kahirapan o matatangay ni Satanas. Ang tatlong panunukso ni Satanas sa ating Panginoong Jesus ay nakatala sa Biblia. Gumamit ito ng mga salita mula sa Banal na Kasulatan upang tuligsain Siya, ginagamit pa ang mga kayamanan ng mundo upang tuksuhin Siya. Ngunit ginamit ng Panginoong Jesus sa sa bawat pagkakataon ang mga salita ng Diyos upang makaganti sa mga panlilinlang ni Satanas. Natakot ito at tumakas dahil sa kahihiyan at pagkabigo. Makikita natin mula rito na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ang mga ito ang pinakamahusay na sandata laban sa panlilinlang ni Satanas.

Sa mga huling araw, ang Diyos ay muli ngayong nagkatawang-tao, at bumigkas ng mga salita upang tapusin ang isang hakbang ng gawaing paghatol. Maraming mga kapatid ang nakarinig sa tinig ng Diyos at nakita na ang lahat ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, sa gayo’y pinagpapasyahan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tinanggap nilang isa-isa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa panahong ito nakita rin ng ilang mga kapatid sa online ang mga kasinungalingan, paninira, at paninirang-puri ng pamahalaan ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at na hinatulan ng CCP ang iglesia ng maling pananampalataya, bilang isang kulto. At dinanas ng ilang mga kapatid ang paghadlang at paggambala ng mga pastor at ng matatanda sa kalipunan ng mga relihiyon, na siyang humatol sa pananampalatayang ito sa Makapangyarihang Diyos bilang pananampalataya lamang sa isang tao, sinasabi na ang Kanyang mga salita ay hindi nakasalig sa Biblia, at iba pa. Hinikayat din ng mga pastor at matatandang ito ang mga miyembro ng pamilya ng mga kapatid upang pigilan at hadlangan sila na bumaling sa Diyos. Ang ilang mga kapatid ay nakapanindigan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa gitna ng matinding digmaang espirituwal, napanatili nila ang kanilang panata sa Diyos, at nakapanindigan sa panig ng Diyos sapagkat nakita nila na ang lahat ng mga salita ng Diyos na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at na natuklasan nila ang lahat ng mga misteryo ng Biblia. Maaaring linisin ng mga salitang ito ang kasamaan ng sangkatauhan, maililigtas ang tao sa impluwensya ni Satanas, at ang mga ito mismo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Natukoy nila sa gayon na ang ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan sa mga huling araw, at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang totoo, kung mapatutunayan ng mga tao na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos, gaano man karaming mga kasinungalingan ang ikalat ng pamahalaan ng CCP at ng relihiyosong mundo, hindi sila malilito. Ang katotohanan ay ang katotohanan at ang mga hidwang pananampalataya ay ang mga hidwang pananampalataya. Ang isang kasinungalingan na isinaad ng isanlibong beses ay isang kasinungalingan pa rin at hindi kailanman magiging katotohanan, Kagaya lamang nang ang Panginoong Jesus ay nagpakita at gumawa, lumikha ang mga lider sa pananampalatayang Hudyo ng lahat ng mga uri ng kasinungalingan tungkol sa Kanya, itinatanggi na Siya ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, hinahatulan na ang Panginoong Jesus ay nagsasalita ng kalapastanganan, sinasabi na Siya ay nakapagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub. Ngunit gaano man nila Siya hatulan, ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Tapagaligtas, at walang sinuman ang matagumpay na makatatanggi diyan. Sa panahong iyon, pinanindigan lamang ng mga tunay na naniniwala sa Panginoon at hindi nagpadala sa nakaliligaw na mga kasinungalingan at mga hidwang pananampalataya, at namalagi sa pagsunod sa Panginoong Jesus. Kagaya ng sinabi ni Pedro: “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. At kami’y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios” (Juan 6:68-69). Ngunit kung tayo ay magkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa mga salita ng Diyos, kung hindi tayo makapaninindigan sa mga salita ng Diyos at hindi mapanatili ang ating katapatan sa Diyos, magkukulang tayo ng pagkilala sa mga panlilinlang ni Satanas at tiyak na mahuhulog sa mga panunukso nito. Hindi natin magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Malinaw mula rito na sa anumang uri ng espirituwal na pakikidigma, tanging kung matapat tayong maninindigan sa mga salita ng Diyos at mananatiling ganap na matapat sa Diyos ay lubos na magagawang talikuran si Satanas, maiwawaksi ang impluwensya nito, at maliligtas ng Diyos.

Sa totoong buhay ang digmaang espirituwal ay maaaring isagawa anumang oras. Kung hindi tayo lumalapit nang madalas sa harap ng Diyos at mananalangin sa Kanya, hindi natin makikita nang malinaw ang katotothanan ng digmaang espirituwal. Kung hindi tayo umaasa sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan sa ating pagkilala, madali tayong mabibiktima ng mga tukso ni Satanas at mawawala ang ating patotoo. Ang karunungan ng Diyos ay iiral batay sa mga panlilinlang ni Satanas—tinutulungan tayo ng Diyos na maunawaan ang katotohanan at magtamo ng pagkilala sa pamamagitan ng matinding digmaang espirituwal upang tayo ay lumago sa ating mga buhay. Sa kabuuan ng lahat ng mga uri ng digmaang espirituwal, hangga’t nagsasagawa tayo ayon sa tatlong mga prinsipyong nasa itaas, tiyak na tayo ay magtatagumpay laban sa mga panunukso ni Satanas at magiging saksi!
Manood ng higit pa:Ang pag-ibig ng diyos sa tao

Ano ang Gawain ng Pamamahala sa Sangkatauhan?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikaapat na Bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (IV) (Ikaapat na Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
2. Ang mga Kinakailangan ng Diyos sa Sangkatauhan
1) Ang Pagkakakilanlan at Kalagayan ng Diyos Mismo
2) Ang Iba't Ibang Saloobin ng Sangkatauhan Tungo sa Diyos
3) Ang Saloobin na kinakailangan ng Diyos na Dapat Taglayin ng Sangkatauhan Tungo sa Kanya
Manood ng higit pa:Ang pag-ibig ng diyos sa tao

Tagalog Dubbed Movies | "Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol


Tagalog Dubbed Movies | "Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol

Alam mo ba kung bakit personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, sa halip na gumamit ng tao para gawin ito? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito ang tamang landas.
Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)


Li Mingdao is a preacher at a house church. He has believed in the Lord for many years, and has always followed Paul's example, focusing on preaching, work, suffering, and paying a price. He believes that "as long as one labors and works, one can enter the kingdom of heaven, be rewarded, and gain a crown."

Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos.

Relasyon sa Diyos, Dasal, Pananampalataya sa Diyos, maghanap, totoo,
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at pasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa sambahayan ng Diyos bilang siyang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos.

Matapos ang Muling Pagkabuhay ni Hesukristo, Anong Kahulugan ng Kanyang Pagpapakita sa Tao?

 Tinubos, Ang muling pagkabuhay,Biyaya,
Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.

Sa aling mga aspeto pangunahing inihayag ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Awtoridad ang mga salita ng Diyos, tunay ang mga salita ng Diyos, at bago pa bigkasin sa Kanyang bibig ang mga salita, ibig sabihin, kapag gumagawa Siya ng pagpapasya para gawin ang isang bagay, ang bagay na iyon ay tapos na.

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao?

kristiyanismo tagalog - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1



kristiyanismo tagalog - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1

Narito tayo ngayon sa huling yugto ng mga huling araw at natupad na lahat ng hula hinggil sa pagbabalik ng Panginoon. Dahil sinasabi ng mga hula sa Biblia na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga huwad na Cristo, samakatuwid, maraming tao ang nagsara ng kanilang mga pinto at nagkulong.

Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso

Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto.

Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

tagapagligtas,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat,kaligtasan, hanapin, totoo,
Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat 

I
Ang Diyos ay nagbibigay ng
mga pangangailangan ng lahat ng tao,
sa bawat lugar, sa lahat ng oras.
Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,
kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon.

Clip 7 - Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 7 - Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo

Bagama’t napapawalang-sala ang ating mga kasalanan sa sandaling maniwala tayo sa Panginoon, nabubuhay pa rin tayo sa gitna ng kasalanan, nagkakasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan araw-araw at lahat ay nasasabik sa sandaling hindi na tayo magkakasala o susuway sa Diyos.

Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan ng dominyon ni Satanas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.

Tagalog Christian Songs | "Ibang Panahon, Ibang Gawaing Banal"


Tagalog Christian Songs | "Ibang Panahon, Ibang Gawaing Banal"

Sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan
na "Ang Salita ay magiging tao"
na isinakatuparan ng Diyos.
I
Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa lupa,
pinangyayari ng Diyos na makilala Siya ng tao,
pinangyayari na ang tao ay makipag-ugnayan sa Kanya,
at ginagawang makita ng tao ang Kanyang aktwal na gawa.

Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas

naligtas, Ang tinig ng Diyos, Diyos,
“Kung ‘di ako iniligtas ng D’yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa’t araw walang pag-asa. Kung ‘di ako ‘niligtas ng D’yos, niyuyurakan pa rin ng d’yablo, gapos ng sala’t ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong ‘di batid, ba’t dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay.

Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang Bahagi)


Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos.

Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

Kristiyano, kabanalan, katotohanan,
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas.

Tagalog Dubbed Movies - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan


Tagalog Dubbed Movies - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan

Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan.Gayunman, may ilan sa kanila na nagdududa tungkol sa gawain ng Diyos at nagnanais na isuko ang kanilang pagsusuri sa tunay na daan dahil sa kaso sa Zhaoyuan Shandong noong Mayo 28, at dahil naniwala sila sa mga kasinungalingan na ipinakalat ng ateistang pamahalaan ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga pastor at matatanda sa iglesia ng mundo ng relihiyon. Ang ang tunay na isyu dito? Ang kaso ba sa Shandong Zhaoyuan ay may kaugnayan sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Kaninong mga salita ang dapat na pakinggan ng mga Kristiyano sa paghahanap at pagsusuri sa tunay na daan?
Rekomendasyon:pananampalataya sa Diyos 

Ano ang relasyon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos sa Kanyang pangalan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo

I
Kaharian ng Diyos dumating sa lupa;
persona ng Diyos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa Diyos.

Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay isang usaping nagdudulot ng sakit ng ulo para sa maraming tao. Ito ay isa ring paksa na madalas kaharapin ng isang tao sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Hinihingi ng Panginoong Jesus na magsamahan tayo nang may pagkakasundo at magmahalan tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Maraming debotong Kristiyano ang handang isagawa ang mga aral ng Panginoon. Bagamat, sa katotohanan, kapag nakikipag-ugnayan tayo sa iba, madalas ay nakasasagupa tayo ng mga salungatan, mga hindi pagkakaintindihan, na nagiging dahilan kung bakit nagiging matigas at nasisira ang ating mga kaugnayan. Ito ay nagdudulot ng pagdurusa para sa lahat. Ngayon, ano ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapamuhay nang may pagkakasundo sa isat-isa? Tayong mga Kristiyano, paano tayo dapat nakikipag-ugnayan sa iba sa ating buhay alinsunod sa mga layunin ng Panginoon? Ito rin ay naging problema ko dati. Salamat sa Panginoon para sa Kanyang patnubay! Matapos nito, nahanap ko ang kasagutan sa isang aklat na nakalutas sa aking mga paghihirap. Dito, ibabahagi ko nang kaunti ang tungkol sa aking karanasan at pagkaunawa!

1. Kailangan mong pakitunguhan ang iba nang patas at nang pantay-pantay. Hindi ka dapat kumilos batay sa iyong mga damdamin at mga kagustuhan.

Sinabi ni Jesus: "Sapagka’t kung kayo’y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal "(Mateo 5:46–48). Mula sa mga salita ng Panginoon, naunawaan ko na hinihingi ng Diyos na pakitunguhan ng mga Kristiyano ang iba batay sa salita ng Diyos sa kanilang mga buhay. Hindi nila ito gagawin ayon sa kanilang mga damdamin o kagustuhan. Nang binubulay-bulay ko kung paano tayo nakikipag-ugnayan sa iba, napagtanto ko na kung tayo ay nakatatanggap ng pakinabang o tulong mula sa iba, tayo ay nagiging masaya at nagpapasalamat sa kabilang partidong iyon. Subalit, kapag ang iba ay nagsasalita o gumagawa ng mga bagay na nakasasama sa atin, nagagalit tayo sa ibang tao na iyon at hindi na natin sila pinapansin. Kapag nakakaharap natin ang isang taong gusto natin, lumalapit tayo sa kanila at hinihikayat natin silang gawin ang gusto natin; kapag hindi natin gusto ang nakakatagpo natin, tinatanggihan natin sila at nilalayuan. Kung sinuman ang may mas mataas na katayuan o malaking kapangyarihan, nililinlang natin sila at sinusubukang gamitin upang makahingi ng pabor. Kung sinuman ang walang katayuan o kapangyarihan, tinatanggihan natin sila o hinahamak. Kapag ang isang taong gusto natin ang magsasabi sa atin ng ating kasiraan, natatanggap natin ito. Kapag ang isang taong hindi natin gusto ang gumawa ng kaparehong bagay, hindi natin ito natatanggap, pinapangatwiranan at minsan ay nasusuklam pa tayo sa kanila, nakikipagtalo sa kanila at tinutuligsa pa sila. Ang lahat ng ito ay mga halimbawa ng pagsunod sa mga damdamin at kagustuhan ng isang tao at hindi pantay-pantay na pagtrato sa iba. Ito rin ay isang pamamaraan kung paano tinatrato ng mga hindi mananampalataya ang iba. Kung ganito ang pagtrato sa iba ng isang Kristiyano, kung gayon, magkatulad ang landas na tinatahak nila ng isang hindi mananampalataya, hindi sila karapat-dapat tawaging mananampalataya ng Panginoon at ang kanilang mga ginagawa ay hindi alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, kailangang isagawa natin ang Kanyang mga aral. Dapat nating mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Hangga’t ang pagkatao ng isang tao ay mabuti, tunay silang naniniwala sa Diyos at minamahal nila ang katotohanan, hindi alintana kung pareho sila ng mga kagustuhan, pag-uugali, karakter, gusto man natin sila o hindi at kahit pa sila ay pawang karaniwang mga kapatid o mga lider sa iglesia, dapat ay ituring natin sila nang totoo at patas. Kailangan ay pakitaan natin sila ng pagtanggap, pagtitiyaga at pagmamahal. Hindi tayo dapat manlinlang at magtangi. Sa pamamagitan lamang ng mga ito tayo aayon sa mga layunin ng Diyos.

2. Maayos na tugunan ang mga pagkukulang ng ibang tao at mga hayag na kasamaan. Huwag basta na lamang sukatin o hatulan ang iba.

Sinabi ni Jesus: "Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka’t sa hatol na iyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo" (Mateo 7:1-2). Ang mga aral ng Panginoon ang nakatulong sa akin na maunawaan na lahat tayo ay mga taong pinasama ni Satanas. Magkakatulad ang ating masamang disposisyon. Kung ipinapahayag ng iba ang kanilang mayabang, mapagmataas, makasarili at kasuklam-suklam na mala-satanas na disposisyon, maihahayag din natin ang kaparehong disposisyon. May mga pagkukulang din tayong kagaya sa iba. Hindi tayo iba sa kanila. Kung hinahatulan at sinusukat natin ang iba dahil sa kanilang mga pagkukulang at kasamaan, unay tayong mayayabang kung gayon at tunay na maliit ang ating pagkakilala sa ating mga sarili! Samakatuwid, anumang ihayag na kasamaan at pagsalangsang ng iba, dapat nating pakitunguhang mabuti ang mga ito at hindi natin sila dapat basta na lamang hahatulan at susukatin. Alalahanin ang saloobin ni Jesus nang nagsalita siya tungkol sa mga makasalanan na naitala sa Biblia: Hinablot ng mga Fariseo ang isang babaeng nahuli sa pangangalunya at dinala siya sa harap ni Jesus. Itinanong nila kay Jesus kung paano dapat pakitunguhan ang babaeng ito. Ayon sa mga batas noong panahong iyon, ang babaeng iyon ay dapat na batuhin hanggang sa mamatay. Gayunpaman, hindi siya hinatulan ni Jesus para sa kanyang mga kasalanan. Ang tanging ginawa Niya ay ang sabihin sa kanya na huwag nang magkasala sa hinaharap. (Tingnan ang Juan 8:3-11.) Mula sa siping ito, makikita natin na naiintindihan ni Jesus ang nararamdamang pasakit at kawalan ng kakayahan ng mga taong pinasama ni Satanas at namumuhay sa kasalanan. Nahabag siya sa kahinaan ng tao. Kapag nahayag ang ating kasamaan o nakagawa ng kasalanan, hangga’t tayo ay tunay na nagsisisi, binibigyan tayo ng Diyos ng sapat na oras upang magsisi at magbago. Dapat rin nating sundin ang halimbawa ni Jesus at maayos na tugunan ang mga pagkukulang at hayag na kasamaan ng ibang tao. Dapat ay tingnan natin ang iba mula sa isang pananaw ng pag-unlad. Ito rin ang prinsiyo ng pakikitungo sa ibang tao na dapat taglayin ng ibang Kristiyano sa kanilang mga buhay. Kung mayroong tayong mabibigat na mga inaasahan mula sa ibang tao, kung nakikipag-away tayo sa kanila, at kahit basta na lamang hinahatulan ang iba, kung sinusukat natin sila at pinagpapasyahang sila ay wala nang pag-asa kapag nalaman natin ang kanilang mga pagkukulang, ito ay isang halimbawa ng paggamit ng mayabang at mapagmataas na masamang disposisyon upang makitungo sa iba. Kung gagawin mo ito, hindi ito alinsunod sa mga layunin ng Diyos at lubos kang hindi magkakaroon ng normal na kaugnayan sa ibang mga tao.
Hayaan ninyo akong ibahagi sa lahat ang ilan sa aking mga karanasan. Sa aming iglesia, mayroon kaming isang kapatid na babae na hindi nakakadalo sa aming mga pagtitipon sa tamang oras dahil sa kanyang asawang hindi mananampalataya. Maraming beses na kaming nag-usap ng kapatid na babaeng ito, ngunit namumuhay pa rin siya sa pagiging negatibo at kahinaan. Nagalit ako nang husto tungkol dito kaya siya ay itinuring ko bilang isang tao na hindi tunay na naniniwala sa Diyos. Hindi ko na siya gustong tulungan o gabayan pa. Matapos iyon, binasa ko ang mga sumusunod sa Biblia: “Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka’t siya’y tinanggap ng Dios. Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka’t makapangyarihan ang Panginoon na siya’y maitayo” (Roma 14:3-4). Nahiya ako nang husto. Naisip ko ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng pagkatalo, negatibo, at panghihina. Inantig ng Diyos ang aking mga kapatid upang ako ay lapitan at basahan ng mga salita ng Diyos nang maraming beses. Makikipag-usap sila at magbabahagi ng kanilang mga karanasan upang tulungan at gabayan ako. Sa ilalim lamang ng patnubay ng mga salita ng Diyos ako nakapanindigan. Wala akong anumang bagay na maaari kong ipagmalaki. Ngayon, hindi nakakadalo ang kapatid na ito sa tamang oras ng mga pagtitipon dahil sa mga paghadlang ng kanyang asawa. Dapat ay tinulungan ko siya gamit ang isang pusong mapagmahal, subalit hindi ako nag-aalala sa buhay ng kapatid na ito. Iniwasan ko pa siya at ibinilang na isang hindi tunay na nananampalataya sa Diyos. Nang tingnan ko ang aking sarili, naramdaman kong napakayabang ko. Hindi ko pinakitunguhan ang kapatid kong iyon nang may mapagmahal na puso o pagtitiyaga man lang. Wala man lang ni isa sa mga nagawa ko ang alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Nang maunawaan ko ito, ikinumpisal ko ang aking mga kasalanan sa Diyos at nagsisi: Handa na akong patuloy na tulungan at gabayan ang kapatid na ito. Pagkatapos, ipinabatid ko ang mga salita ng Diyos sa kapatid na ito nang may mapagmahal na puso at ibinahagi ko rin ang ilan sa aking mga karanasan at kaalaman. Pagkatapos ng aking pakikipag-usap sa kanya nang ilang beses, hindi na siya nagpapailalim sa kontrol ng kanyang asawa at unti-unti ay bumuti ang kanyang kalagayan. Natutunan ko sa karanasang ito na anumang pagkukulang at kahinaang mayroon ang ating kapatid na lalaki o babae, o anuman ang katiwalian na kanilang inihahayag, hangga’t tunay silang naniniwala sa Diyos at nakapagsisisi sa harap ng Diyos kapag sila ay nagkamali, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon upang magbago. Kung kaya’t dapat rin natin silang tulungan nang may mapagmahal na puso, patawarin at tratuhin ang bawat isa alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Hindi talaga natin dapat basta na lamang sukatin at hatulan ang ibang tao. Ganito ang paraan kung paano pinakikutunguhan ng isang tao nang pantay-pantay ang mga tao at alinsunod sa mga layunin ng Diyos.

3. Hindi mo dapat palabisin ni pababain ang iyong pagtingin sa ibang tao. Matuto mula sa kalakasan ng ibang tao at bumawi para sa sarili mong mga kakulangan.

Sabi ng Biblia: “Huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababa ng pagiisip, na ipalagay ng bawa’t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili” (Filipos 2:3). Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kakaibang kakayahan, talento, at mga kalakasan. Dahil rito, dapat tayong magkaroon ng mapagkumbabang puso kapag nakikipag-ugnayan sa ating mga kapatid at dapat ay maayos nating harapin ang kalakasan o kahinaan ng ibang tao. Hindi natin dapat palabisin o pababain ang ating tingin sa iba o hamakin ang iba. Dapat nating tanggapin ang kalakasan ng iba upang makabawi sa ating mga pagkukulang. Kung dahil sa ating sariling mga kalakasan, kakayahan at talento ay nauuwi tayo sa paghamak sa iba at pinalalabis ang ating mga kalakasan nang walang limitasyon, kung saan ay nagpapasikat tayo at nagyayabang, gayundin ay humahatol, nanghihiya at nagdudulot ng kapinsalaan sa iba, ito ang paraan kung paano tayo kinokontrol ng ating sariling kayabangan at mapagmataas na masamang kalikasan. Hindi ito ang paraan ng pamumuhay ng isang Kristiyano. Halimbawa, dati, palagi kong iniisip na mas mahusay ang kakayahan ko kaysa sa kapatid na babae na nakatrabaho ko, kaya minaliit ko siya. Sa aming pagtatrabaho, sinadya at hindi ko sinadyang magpakitang-gilas at napuno ang aking puso ng kapalaluan. Naging daan ang aking masamang disposisyon upang kamuhian ako ng Diyos at naging dahilan upang itago ng Diyos ang kanyang mukha sa akin. Ang aking espiritu ay naging madilim at malungkot. Napakaraming malinaw na suliranin sa aking trabaho ang hindi ko makita, habang ang trabaho ng kapatid ay unti-unting bumuti. Naalala ko ang sinabi ni Jesus: “At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas” (Mateo 23:12). Sa ganitong paraan ko nakita kung gaano ako kayabang. Hindi ko kilala ang aking sarili. Sa totoo lang, dahil sa Banal na Espiritu kaya nagbunga ng ilang resulta ang aking trabaho o kaya natuklasan ko ang ilan sa mga problema. Gayunpaman, ninakaw ko pa rin ang karangalan ng Diyos at walang hanggan akong nasiyahan sa aking sarili at hinangaan ko ang aking sariling kayabangan. Minaliit ko ang aking mga kapatid. Sa katotohanan, sobrang wala ako sa katwiran! Kasabay nito, alam kong kailangan kong matutunan na palayain ang aking sarili. Kinailangan kong tanggapin ang mga kalakasan ng kapatid upang makabawi ako para sa aking mga kakulangan. Sa ganitong paraan ko lamang mapapasaya ang Diyos at patuloy na lalago ang aking buhay. Bilang resulta, sinimulan ko itong gawin. Kapag may mga suliranin akong hindi maintindihan, humihingi ako sa kapatid ng payo. Kung makaharap man ako ng mga usapin, pinag-uusapan namin ito. Sa panahong iyon ko napagtanto na marami siyang kalakasan na wala ako. Sobrang nahiya ang aking puso. Naunawaan kong inayos ng Diyos ang pagkakataong iyon na makatrabaho ko ang kapatid upang makabawi ako sa aking mga pagkukulang. Ninais Niyang magtulungan kami sa gawaing iniatas Niya sa amin. Unti-unti, naging normal ang aking kaugnayan sa kapatid at muli ay natanggap ko ang gawain ng Banal na Espiritu.

4. Kapag natuklasan mong ang ginagawa ng ibang tao ay hindi kaayon sa iyong mga ideya, huwag mong ituon ang iyong pansin sa taong iyon. Sa halip, dapat mo munang kilalanin ang iyong sarili at isagawa ang katotohanan.

Sinabi ni Jesus: “At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni’t hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata? O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid” (Mateo 7:3-5). Kapag tayo ay nakikipag-ugnayan sa iba, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga alitan at pagkiling. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi tayo dapat maging bulag sa mga kamaliang ginagawa ng kabilang partido at palagiang maniwala na ang kasalanan ay nasa kanila. Sa halip, dapat nating matutunan na humarap sa Diyos at hanapin ang katotohanan sa salita ng Diyos upang mahanap natin kung saan nagmumula ang problema. Sa sandaling maintindihan natin ang mga layunin ng Diyos at magkaroon ng pang-unawa sa ating sariling masamang disposisyon, maaari nating ilagay ang ating mga sarili sa kalagayan ng iba at tingnan ang mga bagay mula sa kanilang pananaw. Maiintindihan natin sila, mauunawaan at matatanggap. Sa puntong ito, ang ating mga pagkiling ay kusang mababawasan ang lubusan.

Mayroon akong mga malalim na karanasan tungkol sa aspetong ito. Naalala ko ang isa sa mga nakatrabaho kong kapatid na babae na ilang beses nagsabi na hindi ko ginagawa nang tama ang aking responsibilidad pagdating sa gawain ng iglesia. Gayunpaman, hindi lamang sa hindi ko ito natanggap mula sa Diyos, sa katunayan, pinaghinalaan ko na sinasadya ng kapatid na ito na hanapan ako ng kamalian at pahirapan ang aking buhay. Nagsimulang magkaroon ang puso ko ng mga pagkiling sa kapatid na ito at hindi ko na siya ginustong makatrabaho. Matapos kong basahin at hanapin ang mga layunin ng Diyos, naunawaan ko na ang aking sariling kayabangan at mapagmataas na mala-satanas na disposisyon ang kumokontrol at pumipigil sa akin na tanggapin ang mga mungkahi ng kapatid na ito. Nagdulot pa nga ito ng kawalan ng kakayahan kong magkaroon ng normal na pakikipag-ugnayan sa kanya. Kasabay nito, alam ko na ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na aking nasasagupa sa bawat araw ay idinikta at isinaayos lahat ng Diyos. Ang Diyos ang metikulosong nagsaayos ng lahat nga mga ito upang baguhin at iligtas ako at hindi ang kapatid na iyon na sinasadyang pahirapin ang mga bagay-bagay para sa akin. Dapat akong magpasakop sa Diyos, matutunang palayain ang aking sarili at tanggapin ang kanyang mga wastong mungkahi. Pagkatapos, humarap ako sa Diyos at nagnilay sa aking sarili. Mula sa mga mungkahi ng kapatid na iyon, nakita ko na hindi ko tunay na ginagawa ang aking mga pananagutang may kinalaman sa gawain ng iglesia. Ginawa ko ang anumang isinaayos na gawin ko ng aming pinuno, ngunit hindi ko inisip kung paanong mas mapagbubuti pa ang gawain sa iglesia. Nang maintindihan ko ang mga layunin ng Diyos, ginawa ko ang mga bagay alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos. Pinangunahan at malaya kong ipinahayag ang aking kasamaan sa kapatid na ito at hiniling sa Diyos na bigyan pa ako ng mas marami pang pananagutan. Kapag nakasagupa ako ng mga sitwasyon, inisip ko kung paano ako mas makakatulong sa iglesia. Kapag ganito ang paraan na ginawa ko, nawawala ang mga hindi namin pagkakaunawaan ng kapatid na iyon. Kami ay nagkakaintindihan sa espirituwal at ang aming dating pagkakaisa ay naibalik.

Ang apat na mga prinsipyo ng pagsasagawa ang aking mga natutunan mula sa aking mga karanasan. Tunay kong naranasan na ang salita ng Diyos ang ilaw na gabay sa isang buhay Kristiyano. Ito ang nagtuturo ng direksyon para sa ating landas. Kung wala ang gabay ng salita ng Diyos, wala tayong landas na lalakaran. Ang kailangan lamang nating gawin ay isagawa ang mga aral ng Diyos at pakitunguhan ang lahat nang pantay-pantay. Sa gayon lamang tayo maaaring makapamuhay sa wangis ng totoong tao, mabuhay nang sama-sama sa pagkakaisa, makapagpahintulot sa iba na makatulong at magdulot sa Diyos ng kasiyahan at purihin tayo.

Salamat sa Diyos para sa Kanyang patnubay. Ang lahat nawa ng karangalan ay maging sa Diyos!

Pansin ng Patnugot: Salamat sa pagpapaliwanag at patnubay ng Diyos, hangga’t isinasagawa ng isang tao ang apat na prinsipyong nabanggit sa sanaysay na ito, ang mga usapin na kinakaharap ng isang tao patungkol sa mga pantaong kaugnayan ay parang salamangkang mawawala. Isipin kung gaano bubuti ang ating mga buhay kung maisasabuhay natin bilang mga Kristiyano ang mga salita ng Diyos at magkakasamang mabuhay nang may pagkakaisa! Saan kaya masusumpungan ng isang tao ang ganitong uri ng buhay? Patuloy na imimumungkahi ng patnguot ang isang Kristiyanong himno: Tagalog Praise Song | “Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan” | Napakasayang Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos Pagkatapos mong pakinggan ang himnong ito, mahahanap mo ang iyong kasagutan.
Rekomendasyon:Ano ang panalangin

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (2)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya.