Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI


Ang Kabanalan ng Diyos (III)


      Ano’ng pakiramdam ninyo matapos ninyong dasalin ang inyong mga panalangin? (Tuwang-tuwa at naantig.) Simulan natin ang ating pagsasamahan. Anong paksa ang ating pagsasamahan noong nakaraan? (Ang kabanalan ng Diyos.) At aling aspeto ng Diyos Mismo ang nauukol sa kabanalan ng Diyos? Ito ba ay ukol sa kakanyahan ng Diyos? (Oo.) Kaya ano ang eksaktong paksa na nauukol sa kakanyahan ng Diyos? Ito ba’y ang kabanalan ng Diyos? (Oo.) Ang kabanalan ng Diyos: ito ang natatanging kakanyahan ng Diyos. Ano ang pangunahing tema na ating pinagsamahan noong nakaraan? (Pagkilala sa kasamaan ni Satanas.) At ano ang pagsasamahan natin noong nakaraan tungkol sa kasamaan ni Satanas? Naaalaala ba ninyo? (Kung paano itiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ginagamit nito ang kaalaman, siyensiya, tradisyunal na kultura, pamahiin, at panlipunang uso upang itiwali tayo.) Tama, ito ang pangunahing paksa na tinalakay natin nang nakaraan. Ginagamit ni Satanas ang kaalaman, siyensiya, pamahiin, tradisyunal na kultura, at panlipunang uso upang itiwali ang tao; ang mga ito ang mga paraan na kung saan ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Ilan lahat ang mga paraang ito? (Lima.) Alin-aling limang mga paraan? (Siyensiya, kaalaman, trasdisyunal na kultura, pamahiin, at panlipunang uso.) Alin sa palagay ninyo ang mas pinaka-ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao, ang bagay na mas malalim na ginagawa silang tiwali? (Tradisyunal na kultura.) May ilang mga kapatid na nag-iisip na ito ay tradisyunal na kultura. May iba pa? (Kaalaman.) Tila kayo ay may mataas na antas ng kaalaman. Mayroon pang iba? (Kaalaman.) Pareho kayo ng pananaw. Ang mga kapatid na nagsabing tradisyunal na kultura, maaari n’yo bang sabihin sa amin kung bakit ganito ang naisip ninyo? Mayroon ba kayong pagkaunawa nito? Hindi n’yo ba nais na ipaliwanag ang inyong pagkaunawa? (Ang mga pilosopiya ni Satanas at ang mga doktrina nina Confucius at Mencius ay malalim na nakatanim sa aming mga isip, kaya pakiramdam namin labis na ginagawa kaming tiwali ng mga ito.) Kayo na nag-iisip na ito ay ang kaalaman, maaari n’yo bang ipaliwanag kung bakit? Sabihin ang inyong mga dahilan. (Hindi tayo kailanman pahihintulutan ng kaalaman na sambahin ang Diyos. Itinatanggi nito ang pag-iral ng Diyos, at itinatanggi ang pamamahala ng Diyos. Iyon ay, ang kaalaman ay nagsasabi sa atin na mag-aral mula sa batang edad, at tanging sa pag-aaral at pagtamo ng kaalaman lamang natin matitiyak ang ating kinabukasan at tadhana. Sa ganitong paraan, ginagawa tayong tiwali nito.) Kaya ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang kontrolin ang iyong kinabukasan at tadhana, samakatuwid ikaw ay pinangungunahan nito sa paghila nito sa iyong ilong; Ito ang iyong iniisip kung paano labis na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Kaya karamihan sa inyo ay iniisip na ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao nang mas malaliman. Mayroon pa bang iba? Ano ang tungkol sa siyensiya o panlipunang uso, halimbawa? Mayroon bang sinumang sumasang-ayon sa mga ito? (Oo.) Ngayon, pagsasamahan kong muli ang tungkol sa limang mga paraan na kung saan ginagawang tiwali ni Satanas ang tao at, kapag ako ay natapos na, tatanungin ko kayo ng ilang mga katanungan upang makita nang eksakto sa aling aspeto labis na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Naiintindihan ninyo ang paksang ito, hindi ba?

Kidlat ng Silanganan|Kanta ng Papuri | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa’t Pagpapahayag Niya


Ang diwa ni Cristo ay nalalaman sa
gawa’t pagpapahayag Niya.
May isang pusong totoo, ginaganap Niya ‘yong pinagkatiwala,
sinasamba ang Diyos sa langit
at hinahanap ang kalooban ng Ama.
Nalalaman ‘to sa diwa’t natural na pagbubunyag Niya.
Natural na pagpapahayag Niya’y hindi panggagaya,
o mula sa mga taong pag-aaral ng tao.
Ang mga ito’y hindi natututunan, bagkus ito’y likas.
Ang mga ito’y hindi natututunan, bagkus ito’y likas.

Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng Mga Mananampalataya

    Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.

Kidlat ng Silanganan | Pelikulang Kristiano | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain.”

Rekomendasyon:


Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang  Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw




Kidlat ng Silanganan | Pelikulang Kristiano | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)


 


imula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng  iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

Rekomendasyon:




PaTungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw





Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pinagmulan ng buhay ay nanggaling sa Diyos, para sa lahat ng nilikha, anuman ang pagkakaiba sa anyo o kayarian. Anumang klase ng buhay na nilalang ka, hindi mo magagawang salungatin ang landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang pagkakataon, ang aking tanging hiling para sa tao ay kanyang maintindihan na kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung walang pagtutustos ng buhay mula sa Diyos, nawawala sa tao ang diwa ng pagpapahalaga sa buhay at nawawala ang diwa ng layunin sa buhay."
 
Rekomendasyon:

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng

Hong Wei, Beijing 
 August 15, 2012     
   
       Noong Hulyo 21, 2012,  isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.” Pagkatapos kong manalanging gaya nito, napanatag ako; hindi na ako ganoon katakot, at patuloy na hinarap ang bagyo pauwi sa bahay. Sinong nakaaalam na higit pang malaking panganib ang naghihintay sa akin? Sa daan pauwi sa aking bahay ay may matarik na dalisdis. Dahil sa bagong lagay na aspalto at sa tubig ulan na umaagos mula sa dalisdis, ang dalawang preno ng bike sa unahan ay di gumagana habang palusong ako. Sa paanan ng burol na ito ay may isang kalsadang patungo sa Pambansang Ruta 108, at sa kabilang bahagi nito ay hilera ng mga puno. Sa ibayo noon ay ang agos ng ilog; kung hindi ko mapababagalan ang aking takbo, sa gayo’y wala akong mapagpipilian kundi sumalpok sa mga punong iyon, at posible pang mahulog ako sa ilog. Ang mga kahihinatnan noon…. naisip ko, Ngayon, mapapahamak ako! Habang iniisip ko ito, may kung anong lakas na nanggaling kung saan ang biglang nagpabagsak sa akin mula sa aking bisikleta. Ang bugso ng bisikleta ay tinangay ako, at nadala ako hanggang sa interseksyon sa paanan ng burol. Sa tagpong iyon, dalawang kotse ang nagkataong dumaang magkasabay sa mismong harap ko. Muntik na! Buti na lang, sa gitna ng kagipitang ito, iniligtas ako ng Diyos.

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas



     Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “pakikipagsapalaran.” Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Ginagawa Ko ito upang hindi maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t gawin siyang tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang “kabataan,” o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

Ang tinig ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikaapat na bahagi)


Awtoridad ng Diyos (I)

Ikaapat na bahagi

Hindi Mapipigilan ang Awtoridad ng Maylalang sa pamamagitan ng Oras, Espasyo, Heograpiya, at ang Awtoridad ng Maylalang ay Hindi Masusukat

      Tingnan natin ang Genesis 22:17-18. Isa na naman itong talata na binigkas ng Diyos na si Jehovah, kung saan sinabi Niya kay Abraham, “Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.” Maraming beses na biniyayaan ng Diyos na si Jehovah si Abraham na dadami ang kanyang mga anak—at hanggang saan ang dami nito? Binigkas sa Kasulatan kung hanggang saan: “gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat.” Ibig sabihin na nais ng Diyos na pagkalooban si Abraham ng mga supling na kasingdami ng mga bituin sa kalangitan, at kasingdami ng buhangin sa dalampasigan. Nagsalita ang Diyos gamit ang paglalarawan, at mula sa paglalarawang ito, hindi mahirap makita na hindi lamang ipagkakaloob ng Diyos ang isa, dalawa, o kahit libo-libong mga apo kay Abraham, ngunit hindi mabilang na numero, sapat para maging maraming bansa, dahil ipinangako ng Diyos kay Abraham na magiging ama siya ng maraming bansa. At pinagpasyahan ba ng tao ang numerong iyon, o pinagpasyahan ba ito ng Diyos? Kaya bang kontrolin ng tao kung ilan ang kanyang magiging apo? Nasa kanya ba ito? Ni wala sa kamay ng tao kung magkakaroon siya ng ilan o hindi, mas lalo na ang kasingdami ng “mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat.” Sino ba ang hindi nagnanais na ang kanilang mga inapo ay kasingdami ng mga bituin? Sa kasamaang palad, hindi nangyayari lahat ang mga bagay sa paraang gusto mo. Kahit gaano pa kadalubhasa o kagaling ang tao, hindi ito nakasalalay sa kanya; walang maaaring tumayo sa labas ng kung saan nagtalaga ang Diyos. Kung hanggang saan ka Niya hahayaan, ganoon lamang ang maaari mong makuha: Kapag kaunti ang ibinigay sa iyo ng Diyos, kung gayon hindi ka dapat magkakaroon ng marami kailanman, at kapag marami ang ibinigay ng Diyos, walang saysay na tanggihan mo kung gaano karami ang mayroon ka. Hindi ba ganito ang sitwasyon? Nakasalalay ang lahat ng ito sa Diyos, hindi sa tao! Pinamumunuan ng Diyos ang tao, at walang sinuman ang hindi kasali!

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi )

Diyos, Espiritu, iglesia, Jehovah, krus,



        Sa oras na matalo si Satanas, ibig sabihin, sa oras na lubos na malupig ang tao, mauunawaan ng tao na ang lahat ng gawaing ito ay para sa kapakanan ng kaligtasan, at ang dahilan ng pagliligtas na ito ay upang mabawi sa mga kamay ni Satanas. Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga ito ay para sa kaligtasan ng isang sangkatauhan na labis na pinasama ni Satanas. Ngunit, kasabay nito, ang mga ito ay para rin makapagsagawa ang Diyos ng pakikidigma kay Satanas. Kaya, yayamang ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, kaya ang pakikidigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspeto ng gawain ng Diyos ay sabay na pangangasiwaan. Ang pakikidigma kay Satanas ay talagang para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, at dahil sa ang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi isang bagay na maaaring matagumpay na makumpleto sa iisang yugto, ang pakikidigma kay Satanas ay hinati rin sa mga bahagi at yugto, at isasagawa ang digmaan kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa lawak ng katiwalian ni Satanas sa kanya. Marahil, sa imahinasyon ng tao, siya ay naniniwala na sa digmaang ito ay maghahandang makipagsagupaan ang Diyos laban kay Satanas, sa parehong paraan na ang dalawang hukbo ay maglalaban sa isa’t-isa. Ito lamang ay bagay na kayang guni-gunihin ng talino ng tao, at ito ay lubos na malabo at di makatotohanang mga ideya, ngunit ito ang pinaniniwalaan ng tao. At sapagkat sinasabi Ko rito na ang paraan ng ikaliligtas ng tao ay sa pamamagitan ng pakikidigma kay Satanas, iniisip ng tao na sa ganitong paraan isasagawa ang pakikidigma. Sa gawain sa kaligtasan ng tao, tatlong yugto na ang natupad, ito ay upang sabihin na ang pakikidigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago pa ang lubos na pagkatalo kay Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain sa pakikidigma kay Satanas ay ang mga epekto nito ay matatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging alay sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao. Sa katunayan, ang pakikidigma kay Satanas ay hindi ang paghandang makipagsagupaan laban kay Satanas, ngunit ang kaligtasan ng tao, ang paggawa sa buhay ng tao, at ang pagbabago sa disposisyon ng tao upang siya ay maglahad ng patotoo sa Diyos. Sa ganito natalo si Satanas. Si Satanas ay matatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, ito ay, kapag ang tao ay lubos nang ligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay lubos nang maliligtas. At kaya, ang diwa ng kaligtasan ng tao ay ang pakikidigma kay Satanas, at ang digmaan kay Satanas ay unang-unang masasalamin sa kaligtasan ng tao. Ang yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos, sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Punong Salita


 Pag-bigkas ng Diyos | Punong Salita


    Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos? 

Kidlat ng Silanganan | Kristianong video | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]


Kidlat ng Silanganan | Kristianong video | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]

Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.
Nang lumaki si Wenya, siya ay naging napaka-ingat at masunurin, at nag-aral nang mabuti. Ngunit noong siya’y nagsisikap pa lamang sa paghahanda para sa eksamen para sa pagpasok sa kolehiyo, dumating sa kanya ang mga kasawian: nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang kanyang ina at naging paralisado at naratay. Inabandona ng kanyang madrasto ang kanyang ina at kinamkam pa ang lahat ng kanyang ari-arian, at pagkatapos, ang kanyang itay ay naospital dahil sa kanser sa atay…. Hindi makayanan ni Wenya ang lahat ng responsibilidad sa kanyang pamilya, kaya dumulog siya sa mga kamag-anak at kaibigan, ngunit tinanggihan siya. ...

Kidlat ng Silanganan | Awit ng Pagsamba | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya


Awit  ng Pagsamba | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya

I
Di mahalaga sa Diyos
kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila.
Hangga't siya'y nakikinig sa Diyos,
sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya,
makikipagtulungan sa Kanyang gawain,
sa Kanyang plano at kalooban,
upang ang Kanyang kalooban at plano
ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang,
gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos,
at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala.
Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao,
at ang kanilang mga kilos,
at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya.
Ito ang saloobin ng Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China(Trailer)




 Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?



Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi
         Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang


 Kidlat ng Silanganan  | Ang tinig ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. ...Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay."

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw




California, USA Joint Efforts to Promote Worldwide Freedom of Belief at Freedom of Religion Seminar


In spite of the fact that freedom of religion is a universal value, there are people in some countries and regions who not only lack this freedom and right, but even continue to suffer from persecution as well as unjust prosecution or imprisonment. February 15, 2018, a seminar with the theme of “Religious Liberty as a Global Problem” was convened at the University Club of the University of Southern California. The purpose of this event was to further mutual understanding between different religious groups and jointly promote freedom of religion. In attendance were well-known religion experts, religious studies professors, as well as delegates of various religious groups from countries such as the USA, Italy, France, and Mexico, totaling over 20 participants. Christians from  The Church of Almighty God  were also invited to participate.


Recommendation:
Searching for the Footprints of God—The Eastern Lightning
The Church of Almighty God was founded by Almighty God personally
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Umiiral ba ang Trinidad?



           Kidlat ng Silanganan |Salita ng Diyos Umiiral ba ang Trinidad?




    Noon lamang pagkatapos ng katotohanan na si Jesus ay maging tao saka naisip ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, pati ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong isang ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong mga bahagi, ang lahat ng mga ito ay matinding nakatanim sa karaniwang mga paniwala na ipinalalagay na ito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Yaong tatlong mga bahagi na pinag-isa ay ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Sa kaparehong kalagayan, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga paniwala, pinaniniwalaan nila na kung ang Ama lamang o ang Anak lamang hindi ito maipagpapalagay na Diyos. Ang pinagsama-sama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maipagpapalagay na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng mananampalataya, kasama ang bawat isang tagasunod na sa gitna ninyo, ay nanghahawak sa paniniwalang ito. Ngunit, maging kung ang pananampalatayang ito ay tama, walang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong diskumpiyado sa mga bagay patungkol sa Diyos Mismo. Bagamat ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubhang nahawaan na ng mga relihiyosong paniwala. Tinanggap na ninyo nang husto ang ganitong mga karaniwang relihiyosong paniwala, at ang lasong ito ay dumaloy nang husto sa loob ninyo. Samakatwid, gayundin sa bagay na ito ay nagpaubaya kayo sa ganitong nakapipinsalang impluwensiya, sapagkat ang Trinidad ay hindi umiiral. Iyon ay, ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi umiiral. Ang mga ito ay mga karaniwang mga paniwala ng tao, at mga nakalilinlang na mga paniniwala ng tao. Sa loob ng maraming mga siglo, naniniwala ang tao sa Trinidad na ito, sa idinulot ng mga paniwalang ito sa isip ng tao, gawa-gawa ng tao, at hindi pa kailanman nakita ng tao. Sa loob ng maraming mga taon na ito, marami ng mga tanyag na teologo ang nagpaliwanag sa “totoong kahulugan” ng Trinidad, ngunit ang mga gayong paliwanag tungkol sa Trinidad bilang tatlong natatanging magkaka-ugnay na mga persona ay naging malabo at hindi malinaw, at ang lahat ay nalito sa “kaanyuan” ng Diyos. Walang dakilang tao ang kailanman ay nakapag-alok ng isang masusing paliwanag; karamihan sa mga pangangatuwiran ay pasado sa larangan ng pangangatwiran at sa kasulatan, ngunit walang sinumang tao ang may buong linaw na may pagkaintindi sa kahulugan nito. Ito ay sapagkat ang dakilang Trinidad na pinahahalagahan ng tao sa puso ay hindi talaga umiiral. Sapagkat wala pang nakakita sa totooong mukha ng Diyos o nagkaroon man ng sinumang mapalad na umakyat sa tahanan ng Diyos upang bumisita para magsuri kung anong mga bagay ang makikita sa kinaroroonan ng Diyos, upang eksaktong malaman kung ilang sampu-sampung libo o daan-daang milyon ng mga henerasyon ang nasa “tahanan ng Diyos” o upang imbestigahan kung ilang mga bahagi ang bumubuo sa likas na kaanyuan ng Diyos. Ang pangunahing dapat masuri ay: ang panahon ng Ama at ng Anak, gayundin ng Banal na Espiritu; ang kanya-kanyang anyo ng bawat persona; at paanong ganap na nangyari na Sila ay magkakahiwalay, at paano nangyaring ginawa Silang isa. Sa kasawiang-palad, sa napakaraming mga taon na ito, wala ni isa mang tao ang nakaalam sa katotohanan sa mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay haka-haka lamang, sapagkat wala ni isa mang tao ang nakaakyat sa langit para bumisita at bumalik dala ang isang “masusing pag-ulat” para sa lahat ng sangkatauhan upang iulat ang katotohanan sa lahat ng masigasig at debotong mananampalataya ng relihiyon na nakatuon tungkol sa Trinidad. Sabihin pa, ang sisi ay hindi dapat ibunton sa tao sa pagbuo niya ng gayong mga paniwala, sapagkat bakit hindi isinama ng Amang si Jehovah ang Kanyang Anak na si Jesus nang nilikha Niya ang sangkatauhan? Kung, sa pasimula, ang lahat ay natapos sa pangalan ni Jehovah, mas naging maigi pa sana ito. Kung kailangan mang manisi, hayaang ilagay ito sa panandaliang pagkalimot ng Diyos na Jehovah, na hindi tinawag ang Anak at ang Banal na Espiritu sa harap Niya sa oras ng paglikha, ngunit sa halip isinagawa ang Kanyang gawain nang mag-isa. Kung Sila ay gumawa lamang nang sabay-sabay, kung gayon ay hindi ba Sila magiging isa? Kung, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, mayroon lamang pangalang Jehovah at hindi ang pangalan ni Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, o kung Siya noon ay tinawag na Jehovah, kung gayon hindi ba palalampasin ng Diyos ang pagdurusang dulot ng paghahati ng sangkatauhan? Sa katiyakan, hindi maaaring daingan si Jehovah sa lahat ng ito; kung ang sisi ay dapat na maihayag, hayaang ilagay ito sa Banal na Espiritu, na sa libu-libong taon ay nagpatuloy sa Kanyang gawain sa pangalang Jehovah, ni Jesus, at maging ng Banal na Espiritu, ginugulo at nililito ang tao sa gayon ay hindi malaman ng tao kung sino talaga ang Diyos. Kung ang Banal na Espiritu Mismo ay gumawa nang walang anyo o imahen, at higit pa rito, walang pangalan kagaya ng kay Jesus, at hindi Siya makita o mahawakan ng tao, at naririnig lamang ang mga tunog ng kulog, kung gayon hindi ba magiging mas kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng gawain sa tao? Kaya ano ang maaaring gawin ngayon? Ang mga paniwala ng tao ay natipong sing-taas ng bundok at sing-lawak ng dagat, hanggang sa ang Diyos sa kasalukuyan ay hindi na sila matiis at ganap na nasa kawalan. Sa unang panahon nang si Jehovah pa lang, si Jesus, at ang Banal na Espiritu sa pagitan ng dalawa, nawawala na ang tao kung paano niya kakayanin, at ngayon mayroong pagdaragdag ng Makapangyarihan, na ito man ay sinasabi ring isang bahagi ng Diyos. Sino ang nakakaalam kung sino Siya at sa kaninong persona ng Trinidad Siya nakikihalo o nakatago sa gaano mang karaming taon? Paano ito natitiis ng tao? Ang Trinidad pa lamang ay sapat na upang gugulin ng tao ang habambuhay para magpaliwanag, ngunit ngayon ay mayroong “isang Diyos sa apat na mga persona.” Paano ito maipapaliwanag? Kaya mo bang ipaliwanag ito? Mga kapatid! Papaanong kayo ay naniniwala sa ganitong uri ng Diyos hanggang sa araw na ito? Saludo Ako sa inyo. Ang Trinidad ay sapat na upang tiisin, at kahit na ngayong nagpapatuloy kayo sa pagkakaroon ng di-matinag na pananampalataya sa isang Diyos na ito sa apat na persona. Kayo ay hinihimok na lumabas, ngunit kayo ay tumatanggi. Hindi kapani-paniwala! Kakaiba talaga kayo! Ang tao ay kayang makarating hanggang sa paniniwala sa apat na Diyos at walang gagawin ukol dito; iniisip ba ninyo na ito ay milagro? Hindi ko makakayang sabihin na kayo ay maaaring makagawa ng ganito kalaking milagro! Para sabihin Ko sa inyo, sa katotohanan, ang Trinidad ay hindi umiiral saanmang dako sa mundong ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng kasangkapan na magkalakip na ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay napakalaking kamalian at hindi man lang umiiral sa mundong ito! Ngunit maging ang ganitong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang basehan, sapagkat ang inyong mga kaisipan ay hindi ganoon kapayak, at ang inyong mga saloobin ay hindi walang katuwiran. Sa halip, ang mga ito ay masyadong angkop at malikhain, lalong hindi ang mga ito maigugupo maging ng sinumang Satanas. Ang nakakaawa ay na ang mga saloobing ito ay pawang mga kamalian at hindi man lang umiiral! Hindi pa ninyo nakita ang tunay na katotohanan; kayo ay gumagawa lamang ng mga haka-haka at mga pagkaintindi, pagkatapos ay hinahabi ninyo ang lahat sa isang kuwento upang makuha nang may pandaraya ang tiwala ng iba at upang pangibabawan ang mga pinakahangal sa mga tao na walang talino o katuwiran, nang sa gayon ay maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang “dalubhasang mga pagtuturo.” Katotohanan ba ito? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Ang lahat ng ito ay walang katuturan! Wala ni isang salita ang angkop! Sa loob ng napakaraming mga taon, ang Diyos ay pinagbaha-bahagi ninyo sa ganitong paraan, papino nang papino ang pagbabahagi sa bawat henerasyon, hanggang sa ang isang Diyos ay lantarang pinagbaha-bahagi sa tatlong Diyos. At ngayon totoong imposible na para sa tao na pagdugtung-dugtungin ang Diyos bilang isa, sapagkat pinagbaha-bahagi ninyo Siya nang pinung-pino! Kung hindi sa Aking mabilis na paggawa bago mahuli ang lahat, mahirap masabi kung gaano katagal kayong mananatiling garapal sa ganitong paraan! Sa patuloy ninyong pagbabaha-bahagi ng Diyos sa ganitong paraan, paano pa Siya magiging inyong Diyos? Makikilala pa ba ninyo ang Diyos? Makababalik pa ba kayo sa Kanya? Kung nahuli pa ng kaunti ang Aking pagdating, malamang ay pinadala na ninyo ang “Ama at Anak,” si Jehovah at si Jesus pabalik sa Israel at inari ang inyong mismong mga sarili na bahagi ng Diyos. Sa kabutihang-palad, ngayon ay ang mga huling araw. Sa wakas, ang araw na ito na matagal Ko nang hinihintay ay dumating na, at pagkatapos na Aking maisagawa ang yugto ng gawaing ito sa pamamagitan ng Aking sariling kamay saka pa lamang matitigil ang inyong pagbabaha-bahagi sa Diyos Mismo. Kung hindi dahil dito, maaaring kayo ay namayagpag na, naipapatong na ang lahat ng mga Satanas sa gitna ninyo sa mga dambana upang sambahin. Ito ay inyong pakana! Ang inyong pamamaraan sa pagbabaha-bahagi sa Diyos! Magpapatuloy pa rin ba kayo ngayon? Hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Gaano ba karami ang Diyos? Aling Diyos ang magdadala sa inyo sa kaligtasan? Ito ba ang unang Diyos, ang ikalawa, o ang ikatlo na palagi ninyong dinadalanginan? Alin sa Kanila ang palagi ninyong pinaniniwalaan? Ito ba ang Ama? O ang Anak? O ito ba ang Espiritu? Sabihin mo sa Akin kung sino ang iyong pinaniniwalaan. Bagamat sa bawat salita na iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, ang inyong totoong pinananiniwalaan ay ang inyong sariling utak! Wala talaga kayong Diyos sa inyong puso! At gayunman sa inyong mga isip ay isang bilang ng gayong mga “Trinidad”! Hindi ba kayo sumasang-ayon?

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

    

   Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa pangangalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas. Magmula ngayon, nakápások Ako sa isang bagong kapanahunan, dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo. Nang bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” nagsimula Ako ng isa pang bahagi ng gawain sa orihinal Kong plano, upang Ako ay higit pang makilala ng mga tao nang mas malalim. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawain, kaya’t Ako ay nagmamadaling nagpaparoon at parito, ginagawa ang Aking bagong gawain sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong kapanahunan, at nakapagdala Ako ng bagong gawain upang dalhin ang mas maraming mga bagong tao sa bagong kapanahunan at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nakapagsagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawain na hindi maaarok ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na umindayog sa hangin, kung saan pagkatapos noon ay marami ang tahimik na naaanod kasama ng pag-ihip ng hangin. Katotohanan, ito ay ang “giikan” na malapit Ko nang linisin; ito ay ang Aking hinahangad at ito rin ay Aking plano. Sapagka’t maraming masasamang nilalang ang tahimik na nakagapang papasok habang Ako ay nasa gawain, nguni’t hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, pangangalatin Ko sila sa tamang panahon. Pagkatapos lamang noon na Ako ay magiging bukal ng buhay, nagpapahintulot sa mga yaon na tunay na nagmamahal sa Akin na tumanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ng mabangong samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang lupain ng alikabok, wala roong nananatiling purong ginto, kundi buhangin lamang, kaya’t, kinakatagpo ang mga kalagayang ito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng gawain. Dapat mong malaman na ang Aking tinatamo ay puro, pinong ginto, hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking bahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging mga dapò sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng bawa’t maiisip na paraan upang ang mga bagay na ito ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakamalay kung ano ang Aking gagawin. Kinukuha ang oportunidad na ito, pinalalayas Ko yaong mga masasama, at napipilitan silang iwan ang Aking presensya. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, nguni’t magkakaroon pa rin ng araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanasà ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay ibinabaling ko ang Aking katawan at ipinakikita ang Aking maluwalhating mukha sa mga bayang Gentil, upang ang mga tao ay makapanirahan sa isang mundo nang sila lamang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang patuloy Kong winiwika ang mga salita na dapat Kong sabihin, at tinutustusan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang napalaganap ang Aking gawain. Ipahahayag Ko pagkatapos ang Aking kalooban sa mga tao, at sisimulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawain sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawain, at hinahayaan ang mga tao na gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya upang isakatuparang kasama Ko ang gawaing marapat kong gawin.