Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)


Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)
Kidlat ng Silanganan - Mga Video, Panginoon, Cristo, Jesus,


Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en.

Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao"  (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, pinakilos ng Espiritu ng Diyos ang dakilang gawaing ito, at bukod dito ay gumawa ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan at sa iba’t ibang bansa. Nakikita ng mga tao ng bawa’t kapanahunan ang ibang disposisyon Niya, na likas na nabubunyag sa pamamagitan ng ibang gawain na ginagawa Niya. Siya ay Diyos, puno ng awa at mapagmahal-na-kabaitan; Siya ang handog para sa kasalanan ng tao at ang pastol ng tao; nguni’t Siya rin ang paghatol, pagkastigo, at sumpa ng tao. Nakaya Niyang pamunuan ang tao upang mabuhay sa lupa sa loob ng dalawang libong taon, at nakaya rin Niyang tubusin ang masamang sangkatauhan mula sa kasalanan. Ngayon, kaya rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, na hindi nakakakilala sa Kanya, at sanhiing magpatirapa sila sa ilalim ng Kanyang pagkasakop, upang ang lahat ay lubusang magpasakop sa Kanya. Sa katapusan, susunugin Niya ang lahat ng marumi at hindi-matuwid sa kalooban ng mga tao sa buong sansinukob, upang ipakita sa kanila na hindi lamang Siya isang maawain at mapagmahal na Diyos, hindi lamang Diyos ng karunungan at mga kababalaghan, hindi lamang isang banal na Diyos, kundi higit pa rito, isang Diyos na humahatol sa tao."

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"


Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"
Hymn Videos, Jesus, katotohanan, Cristo,


I
Nais n'yo bang malaman
kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus?
Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila?
Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias,
naniniwala lamang sa Kanyang pagdating,
di-hanap ang katotohanan ng buhay.  
Sila'y naghihintay pa rin sa Kanya hanggang ngayon, 
landas ng buhay at katotohana ay di nalalaman.
II
Paanong mga taong hangal, sutil,
mangma'y pagpapala ng Diyos makakamtan?
Paanong ang Mesias kanilang mamamasdan?
Kinontra nila si Jesus,
di-nalamam na sinabi N'ya ang landas ng katotohanan
di-nabatid ang Mesias o ang gawain ng Banal na Espiritu, 
di-nakita ni nakasama S'ya kailanman.
Mga hungkag na papuri ‘ginawad sa ngalan Niya
at lahat ginawa para labanan S'ya.
III
Pasaway, sutil, hambog,
pinanghawakan nila ang paniniwalang ito.
Malalim man pangangaral Mo,
mataas man awtoridad Mo,
di Ka Cristo malibang Mesias ang tawag sa'Yo.
Paligoy-ligoy lang ang mga ito
na dapat kutyai't bansagang malalaking pantasya ng tao.
IV
Tanong ng Diyos sa inyo: 
Uulitin n'yo ba mga mali ng mga Fariseo?
Yamang si Jesu-Cristo'y di n'yo naiintindihan,
nakikilala mo ba ang landas ng katotohanan at buhay,
ang gawa ng Banal na Espiritu'y iyo bang nasusundan?
Matitiyak mo bang di mo lalabanan si Cristo?
Kung di, ikaw nga'y nasa bingit ng kamatayan, di ng buhay.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus




Tagalog Christian Movie 2018 | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus
Tagalog Christian Movie, Panginoon, Jesus,

Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. … Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.

Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay"

Mga Pagbigkas ni Cristo, katotohanan, Diyos,

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong mga nagawa nang perpekto ay hindi lamang nakakayang makatamo ng pagsunod pagkatapos na malupig, kundi nakakaya rin nilang magkaroon ng kaalaman at baguhin ang kanilang disposisyon. Kilala nila ang Diyos, nararanasan ang landas ng pagmamahal sa Diyos, at puno ng katotohanan. Alam nilang danasin ang gawain ng Diyos, kayang magdusa para sa Diyos, at mayroong kanilang sariling mga kalooban...Ang nagawang perpekto ay tumutukoy sa mga yaong, pagkalipas ng pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay kayang habulin ang katotohanan at makamit ng Diyos. Tumutukoy ito sa mga yaon na, makalipas ang pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay tumatayong matatag sa kapighatian at isinasabuhay ang katotohanan."

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


 Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"

Cristo, karanasan, katotohanan, Mga Pagbigkas ni Cristo, paniniwala,

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan. Dapat makilala mo ang lahat ng mga ito, at sa paggawa nito, kahit anuman ang mangyari, hindi ka malilito. Ito lamang ang tunay na matayog mong kalagayan. Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinaka-pangunahing alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan?"

Tagalog Christian Praise Song | "Kaugnayan sa Diyos" | God Is With Me on the Path of Faith in God


Tagalog Christian Praise Song | "Kaugnayan sa Diyos" | God Is With Me on the Path of Faith in God
Hymn Videos, katotohanan, Salita ng Diyos,
I
Pinili ako ng Diyos mula sa malawak na karagatan ng mga tao, 
himalang inayos na ako ay pumunta sa Kanyang piling.
Ang mabubuting salita N'ya'y nagpasaya sa puso ko. 
Binigyan ng katotohanan,
nabubuhay ako sa walang katapusang kaligayahan.
Yang pamilyar na tinig, yang pamilyar
na mukha'y di nagbabago mula sa pinakasimula.
Sa pamilya ng Diyos,
aking natikman ang tamis ng Kanyang pagmamahal. 
Sumandal ako malapit sa Kanya,
at hindi nanaising mawalay muli.
Kung wala ang Diyos, mahirap makayanan ang mga araw.
Nagkandarapa ako sa bawat hakbang na puno ng kirot.
Tanging sa nakatagong proteksyon ng Diyos
ko narating ang araw na ito.
At ngayong nasa akin na ang mga salita ng Diyos
ako ay kuntento.
II
Kasama paglipas ng panahon malalaking pagbabago.
Pero walang makapapawi sa puso ko ng kaugnayan ko sa Diyos.
Isang pangako ng ilang libong taon, hindi nagbabagong panata.
Pagkatapos ng maraming pag-ikot ng buhay at kamatayan
bumabalik ako sa piling ng Diyos.
Naghasik S'ya ng buhay sa puso ko.
Nagpapastol at nagdidilig sa'kin mga salita N'ya.
Sa pag-uusig at pagdurusa,
buhay ko'y lalong lumalakas. 
Ang lubak-lubak na mga daan at pagkabigo
ay mga lugar na aking pagsasanayan.
Di kaylanman iniwan ng Diyos piling ko.
Tahimik S'yang nagpapakasakit para sa sangkatauhan
nang di dumaing ni minsan.
Aalisin ko aking tiwaling disposisyon at maging dalisay.
Sa gayon masasamahan ko ang Diyos magpakaylanman.
Di kaylanman iniwan ng Diyos piling ko.
Tahimik S'yang nagpapakasakit para sa sangkatauhan
nang di dumaing ni minsan.
Aalisin ko aking tiwaling disposisyon at maging dalisay. 
Sa gayon masasamahan ko ang Diyos magpakaylanman.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong AwitinDiyos

Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan"


Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Official Trailer)


Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito: Malinaw na nakikita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, kaya bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Hindi lang nila ayaw maghanap o magsiyasat mismo, sinikap pa nilang patigilin ang iba na tanggapin ang tunay na daan. Bakit ganoon? … Nangamba si Zheng Mu'en na malinlang siya at mali ang tinatahak niyang landas, pero nangamba rin siyang mawalan ng pagkakataong ma-rapture. Sa gitna ng pagtatalo ng damdamin at pagkalito, nagpakita pa si Pastor Ma ng mas negatibong propaganda mula sa CCP at sa mga relihiyon, na nagbunga ng mas maraming pagdududa sa puso ni Zheng Mu'en. Ipinasiya niyang makinig kay Pastor Ma at tigilan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Kalaunan, matapos marinig ang patotoo at paliwanag ng mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Zheng Mu'en na sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ang pinaka-pangunahing prinsipyo ay alamin kung nasa daang iyon ang katotohanan at kung nagpapahayag ito ng tinig ng Diyos. Sinuman na makakayang magpahayag ng maraming katotohanan ay posibleng ang pagpapakita ni Cristo, dahil walang miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kung hindi nagtutuon ang isang tao sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, at sa halip ay hinihintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus sakay ng mapuputing ulap batay sa kanilang mga imahinasyon, hinding-hindi nila matatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Sa wakas ay naunawaan din ni Zheng Mu'en ang hiwaga ng matatalinong birhen na nakinig sa tinig ng Diyos na binanggit ng Panginoong Jesus, nagpasiyang hindi na maniniwala sa mga kasinungalingan at katawa-tawang mga teorya ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, at tumakas sa mga paghihigpit at pang-aalipin ng pastor ng kanyang relihiyon. Lubhang nahirapan si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung hindi sa pagkaintindi o paghahangad sa katotohanan, walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos o ma-rapture sa harap ng luklukan ng  Diyos. Sa halip, malilinlang at makokontrol at mamamatay lang ang isang tao sa bitag ni Satanas, na lubos na tumutupad sa mga salita sa Biblia na, "Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hos 4:6). "Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kaw. 10:21).

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal"



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)

Salita ng Diyos, Tagalog Prayer, Himno,

I

Ang panalangin ay isa sa mga paraan
kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,
upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag.
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag.
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
II
Kaya ang mga hindi nananalangin ay patay na walang espiritu.
Hindi sila maaaring maantig ng Diyos,
hindi masusunod ang gawain ng Diyos.
Ang mga taong hindi nananalangin
ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay,
may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan.
Ang mga taong hindi nananalangin
ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay,
may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan.
III
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Christian Movie Trailer | "Kumawala sa Bitag" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie Trailer "Kumawala sa Bitag" | See Through Rumors and Welcome the Lord

2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …

Ang Kidlat ng Silanganan | Mga Patotoo | Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin

Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin


katotohanan, Salita ng Diyos, iglesia, Diyos,
Wu Xia Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong


Pagkatapos tanggapin ang trabahong ito at kainin at inumin ang salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na napakahalaga na nauunawaan ko ang aking sarili. Dahil dito, habang kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, sinigurado ko na suriin nang mabuti ang sarili ko laban sa salita na kung saan inilalantad ng Diyos ang tao. Karamihan sa mga kaso, nagawa kong kilalanin ang aking mga kakulangan at mga kawalang-kakayahan. Naramdaman ko na talagang nagawa kong unawain ang sarili ko. Gayunpaman, sa pamamagitan lamang ng isang pagbubunyag mula sa Diyos ko nakita na hindi ko talaga nauunawaan ang aking sarili ayon sa salita ng Diyos.



Isang araw, nagpunta ako sa isang lugar kasama ng isang pinuno ng distrito upang mag-withdraw ng pera. Nang nakumpirma na ang halaga ng pera at naisulat na ang resibo, nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, at pansamantala, walang sinuman sa amin ang nais na magpatalo. Nang oras na iyon, biglang napabulalas ang pinuno ng distrito: “Kung sirain mo na lang ang huling resibo, walang magiging katibayan. Kung itabi mo na lang kaya ang pera para sa sarili mo?” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos kong marinig ito, pero talagang naramdaman ko ang isang malaking insulto sa aking integridad; naging napakahirap para sa akin na lunukin iyon. Naisip ko: Anong klaseng tao ang tingin mo sa akin? Sinunod ko ang Diyos nang napakaraming taon at isa akong mabuting tao. Paano ko magagawa ang ganoong bagay? Bukod pa rito, pinamunuan ko ang trabahong ito nang napakaraming taon at hindi kailanman nagkamali sa usaping pananalapi, kaya bakit ko nanakawin ang pera ng iglesia? Sa anong paraan ko nakahawig si Judas? … Habang naiisip ko ang tungkol dito, mas lalo akong nagagalit. Habang mas naiisip ko ang tungkol dito, mas lalo kong nadama na hinahamak at ginagawa akong utus-utusan. Labis akong nasaktan na halos mapaluha ako.



Sa aking pighati, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos, “Ang kapaligirang nakapalibot sa atin gayundin ang mga tao, mga usapin at mga bagay, pinapayagang lahat ng Kanyang trono.” Naisip ko rin noon: Bakit lilikha ang Diyos ng sitwasyon kung saan sasabihin ng kapatid na babaeng ito ang gayong bagay? Ano ang itinuturo sa akin ng Diyos? Habang pinag-iisipan ito, nagsimulang makaramdam ng kapayapaan ang aking puso. Nagsimulang magtanong ang isip ko sa masasakit na reaksiyong nakuha ko tungkol sa komento ng kapatid na babae: Mali ba siya nang sabihin niyang “Kung itabi mo na lang kaya ang pera para sa sarili mo?” Sinabi ng Diyos na ipagkakanulo ng tao ang katuwiran at ilalayo ang kanilang sarili sa Diyos sa anumang oras at maging saanman. Walang sinuman ang tunay na mapagkakatiwalaan. Hindi ba ako kabilang dito? Bukod pa rito, gaano ba ang ipinagbago ng aking disposisyon? Gaano kalaking katotohanan na ang natamo ko? Kung hindi ko natamo ang katotohanan o hindi man lang gaanong nagbago ang disposisyon, bakit hindi ko dapat pinahintulutan ang iba na makita ako sa ganoong paraan at sa anong batayan ko dapat makita ang sarili ko bilang marangal at dalisay?

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan"

   

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)


Salita ng Diyos, katapatan, Diyos,

Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,
para ito sa buong bayan ng Diyos.
Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia
at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos.
Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos,
gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu.
Nagdidilig, tumutustos at gumagabay sa'tin mga salita ng Diyos,
at lumalago buhay natin.
Ito ang kahariang pinamumunuan ni Cristo,
ito'y patas at makatarungang mundo.

Kaharian ni Cristo'y mainit kong tahanan,
napakahalaga nito sa bayan ng Diyos.
Naghahari salita ng Diyos sa iglesia,
tayo'y kumikilos ayon sa totoo
at Cristo'y pinagbubunyi sa'ting puso. 
Wala nang paglalaban o intriga,
hindi na kailangan ang pagtatanggol o takot.
Himlayan ng kaluluwa ng tao si Cristo,
di na kailangang gumala-gala pa ako.
Ito ang kaharian ng Diyos inaasam ng mga tao,
ito ang payapang tahanan ng sangkatauhan.

Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,
para ito sa buong bayan ng Diyos.
Dito nararanasan ko ang paghatol at mga pagsubok ng Diyos,
at ang aking masamang disposisyon ay dinalisay at binago.
Ang aking mga kasiyahan at pagtawa,
ang kuwento ng aking paglago ay narito,
narito rin ang aking mga tahimik na salita sa Diyos.
Ang mga hindi malilimutan kong alaala ay narito,
isang talaan ng halagang binabayaran ng Diyos.
Lahat dito'y inaantig ako,
di maihahayag ng mga salita taimtim na katapatan.
Cristo ng mga huling araw, mahal Ko, pinaka-kaibig-ibig,
Binigyan Mo ako ng mainit na tahanang ito.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas


Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas (Tagalog Dubbed)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi naninirahan sa gitna ng pagkaka-tadhana ng Diyos? Kaninong kapanganakan at kamatayan ang nagmula sa kanilang sariling mga pagpipilian?

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Pagdating sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao. Dapat kang magtalaga ng pagsisikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maisakatuparan sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung isagawa at isabuhay mo ang Kanyang mga salita, maaaring ituring na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos." 

Maikling Dula "Ang Pagmamatyag"


Maikling Dula "Ang Pagmamatyag" (Tagalog Dubbed)
Makapangyarihang Diyos, paniniwala,

Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos"




Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos" (Unang Bahagi) 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos



Bilang mga kasapi ng sangkatauhan at mga Kristiyanong tapat,
pananagutan at obligasyon nating lahat
na ialay ang ating katawa't isipan
sa katuparan ng utos ng Diyos,
dahil buong pagkatao nati'y nagmula sa Diyos,
at umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
Kung mga katawa't isip nati'y 'di para sa utos ng Diyos
o para sa matuwid na layunin ng sangkatauhan,
mga kaluluwa nati'y 'di magiging karapat-dapat
sa mga taong naging martir para sa utos ng Diyos,
higit na mas 'di karapat-dapat sa Diyos,
na naglaan sa'tin ng lahat ng bagay, ng lahat ng bagay.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back

iglesia, katotohanan, Makapangyarihang Diyos, Kaligtasan, Diyos,

Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya.  Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan.

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)





Panginoon, Iglesia,
Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam.... Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.

Tagalog Christian Movie Clips | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"


Tagalog Christian Movie Clips | Pagkamulat | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"

Madalas na ipinangangaral ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon sa mga mananampalataya na mawawala ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus at ginawa silang karapat-dapat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, at kapag may isang naligtas, ligtas na rin sila habangbuhay.

Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" | The Heart's Voice of a Christian


Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" | The Heart's Voice of a Christian


Ang pangalan niya'y Chen Xi, at simula noong maliit pa siya dahil sa edukasyon at impluwensya ng kanyang mga magulang at kanyang pag-aaral ay nais niya palaging mahigitan ang ibang tao at maging mas mataas kaysa sa iba, kaya't masigasig siya sa kanyang pag-aaral at walang sinasayang na pagkakataon. Matapos maniwala sa Diyos binasa ni Chen Xi ang napakaraming salita ng Diyos at naunawaan niya ang ilang katotohanan. Nakita niya na ang tanging wastong landas sa buhay ay ang maniwala sa at sumunod sa Diyos at naging masugid na mananaliksik, at napaka-aktibo sa pagganap sa kanyang tungkulin. Si Chen Xi ay nangibang-bayan noong 2016 para takasan ang pagtugis at pang-aapi ng Komunistang gobyerno ng China, at kinailangang gumamit ng Ingles sa pagganap ng kanyang tungkulin ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagbibigay saksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ikinarangal niya ito, at nadamang kakaiba ang kanyang talento. Nang puno na siya ng kumpiyansa at iniisip na magkaroon siya ng posisyon sa iglesia, natuklasan niya na ang kanyang mga kapatid ay nagbahagi ng mga salita ng Diyos nang may liwanag at mas mahusay sila sa Ingles kaysa sa kanya. Ayaw niyang mapag-iwanan, kaya't para malampasan ang iba at tingalain siya at purihin nila, dinoble niya ang kanyang pagsisikap na matuto. Lumipas ang kaunting panahon ngunit hindi pa rin niya mapantayan ang iba. Hindi matanggap ni Chen Xi ang katotohanang ito at natagpuan niya ang kanyang sarili na namumuhay araw-araw na nahihirapang magkaroon ng pangalan at ng personal na pakinabang. Hindi na siya naghahanap ng katotohanan o nakapokus sa pagpasok sa buhay, at lalong hindi niya nagagampanang mabuti ang kanyang tungkulin. Naging negatibo siya at pinanghinaan ng loob…. Noon siya humarap at lumapit sa Diyos sa panalangin at binasa ang Kanyang mga salita—ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita ay pumukaw sa kanyang kaluluwa at dahil dito'y malinaw niyang nakita ang diwa ng reputasyon at status o katayuan sa buhay gayundin ang mga bunga ng kanyang pagkagapos at kahirapang hatid ng mga bagay na ito. Naunawaan niya ang kahalagahan ng pagganap sa kanyang tungkulin, ang tunay na halaga ng buhay, at anong uri ng buhay ang tunay na kaligayahan. Magmula noon nagsimula siyang magkaroon ng mga wastong mithiin at hindi na napailalim sa matinding paghadlang ng katanyagan o katayuan. Nagsimula na siyang magpokus sa paghahanap ng katotohanan at pagganap sa tungkulin ng isang nilalang para masuklian ang pagmamahal ng Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ika-siyamnapu’t-anim na Pagbigkas

Ang Ika-siyamnapu’t-anim na Pagbigkas


Kakastiguhin Ko ang bawa’t isang isinilang Ko na hindi pa Ako nakikilala para ipakita ang lahat ng Aking poot, ipakita ang Aking dakilang kapangyarihan, at ipakita ang Aking lubos na karunungan. Sa Akin ang lahat ay matuwid at lubusang walang di-pagkamatuwid, walang pandaraya, at walang kalikuan; sinuman ang likô at mandaraya ay dapat na maging anak ng impiyerno—dapat maipanganak sa Hades. Sa Akin lahat ay lantad; anuman ang Aking sabihing tutuparin ay natutupad at anumang Aking sabihing itatatag ay naitatatag, at walang sinumang makapagbabago o makagagaya sa mga bagay na ito dahil Ako ang nag-iisa at tanging Diyos Mismo. Sa nalalapit nang dumating, bawa’t isa na nasa pangkat ng Aking paunang-naitálágá at piniling mga panganay na anak-na-lalaki ay mabubunyag nang isa-isa, at bawa’t isa na wala sa pangkat ng mga panganay na anak-na-lalaki ay Aking aalisin sa pamamagitan nito. Ganito kung paano Ko ginagawa at tinutupad ang Aking gawain. Sa sandaling ito ibinubunyag Ko lamang ang ilang mga tao upang makita ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki ang Aking kamangha-manghang mga gawa, nguni’t sa dakong huli ay hindi na Ako gagawa sa ganitong paraan. Bagkus, magpapatuloy Ako mula sa pangkalahatang situwasyon sa halip na hayaan silang ipakita ang kanilang talagang mga kalikasan nang isa-isa (dahil ang mga demonyo ay pangunahing pare-parehong lahat, sapat nang pumili ng ilan lamang bilang pagpapakita). Lahat ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay malinis sa kanilang mga puso, at hindi Ko kailangang ilahad (dahil sa takdang panahon sila ay tiyak na mabubunyag nang isa-isa).

Aking kalikasan na tuparin ang Aking mga pangako at sa Akin ay walang natatago at natatakpan. Anuman ang dapat ninyong maunawaan sasabihin Ko sa inyo ang lahat ng ito, nguni’t anupaman ang hindi ninyo dapat malaman, iyan ay walang-pasubaling hindi Ko sasabihin sa inyo, kung hindi ay baka hindi ninyo makayang tumáyô nang matibay. Huwag kayong mag-iipon nang kaunti para lamang mawalan nang marami—iyan ay talagang hindi nararapat na katumbas. Maniwala kayong Ako ang makapangyarihang Diyos at lahat ay matutupad at ang lahat ay magiging madali at kasiya-siya. Ganito kung paano Ko ginagawa ang mga bagay-bagay. Sinupamang naniniwala, hinahayaan Kong makita niya, at sinupaman ang hindi naniniwala, hindi Ko hinahayaang malaman niya at hindi Ko kailanman hinahayaang maunawaan niya. Sa Akin walang damdamin o habag, at sinupamang lumalabag sa Aking pagkastigo ay tiyak na papatayin Ko siya nang walang pinalilibri, tinatrato silang lahat nang pare-pareho. Ako ay pareho tungo sa bawa’t isa—wala Akong personal na mga damdamin at hindi sa anumang paraan kumikilos nang emosyonal. Paanong hindi ko hahayaan ang mga tao na makita ang Aking pagkamatuwid at pagka-hari? Ito ay Aking karunungan at Aking disposisyon, na walang sinumang makapagbabago at walang sinumang makakaalam nang lubusan. Ang Aking mga kamay ay laging nakakaalam ng lahat, lahat ng oras, at palagi Kong iniaayos ang lahat upang maglingkod sa Akin kung kailan Ko ibig. Maraming tao ang naglilingkod sa Aking pangalan upang tuparin ang Aking planong pamamahala, nguni’t sa katapusan nakikita nila ang mga pagpapala nguni’t hindi natatamasa ang mga iyon—gaanong kaawa-awa! Nguni’t walang sinumang makapagbabago ng Aking puso. Ito ay Aking utos sa pangangasiwa (pagdating sa utos sa pangangasiwa, iyan ang walang sinumang makakapagbago, kaya pag nagsalita Ako sa hinaharap, kung nailagay Ko na ang isipan Ko sa isang bagay, iyan ay nakatitiyak na Aking utos sa pangangasiwa. Tandaan! Hindi ito maaaring labagin! Kung hindi ay magdurusa ka ng kawalan), at ito ay bahagi rin ng Aking planong pamamahala. Ito ay sarili Kong gawain, hindi isang bagay na maaaring gawin ng kahit sinong tao. Dapat Kong gawin ito—dapat Kong iayos ito, na sapat upang ipakita ang Aking pagka-makapangyarihan-sa-lahat at ipamalas ang Aking poot.

Maraming mga tao ang hindi pa rin nakakaalam at hindi malinaw tungkol sa Aking pagkatao. Nasábi Ko na ito nang maraming beses, nguni’t nalalabuan pa rin kayo at hindi masyadong nauunawaan. Nguni’t ito ay Aking gawain, at ngayon, sa sandaling ito, sinupamang nakakaalam, ay nakakaalam, at sinupamang hindi nakakaalam, hindi Ko pinipilit. Maaari lamang itong maging ganito. nakapagsalita na Ako nang malinaw at hindi na ito sasabihin sa dakong huli (dahil napakarami Ko nang nasábi, st sinabi ito nang napakalinaw. Siyang nakakakilala sa Akin ay tiyak na mayroong gawa ng Banal na Espiritu at walang-dudang isa sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Siyang hindi nakakakilala sa Akin ay tiyak na hindi, nagpapatunay na nabawi Ko na ang Aking Espiritu mula sa kanya). Nguni’t sa katapusan, gagawin Kong makilala Ako ng bawa’t isa—ganap na makilala Ako kapwa sa Aking pagkatao at sa Aking pagkaDiyos. Ang mga ito ang mga hakbang ng Aking gawain, at dapat Akong gumawa sa ganitong paraan. Ito rin ay Aking utos sa pangangasiwa. Dapat Akong tawagin ng bawa’t isa na ang nag-iisang tunay na Diyos, at purihin at ipagbunyi Ako nang walang-humpay.

Ang Aking planong pamamahala ay lubusan nang natapos, at lahat ay matagal nang natupad. Sa mata ng tao mukhang marami pa sa Aking gawain ang nagpapatuloy pa rin, nguni’t naiayos Ko na ito nang maayos at ang hinihintay na lamang ay ang kaganapan nito ayon sa Aking mga hakbang nang isa-isa (dahil bago ang paglikha ng mundo Aking paunang-itinálágá kung sino ang kayang makatagal sa pagsubok, sino ang hindi Ko maaaring mapili at paunang maítálágá, at sino ang hindi maaaring makibahagi sa Aking pagdurusa. Yaong mga maaaring makibahagi sa Aking pagdurusa, iyan ay, yaong Aking paunang-itínálágá at pinili, ay tiyak na Aking pananatilihin at bibigyang-kakayahan na pangibabawan ang lahat). Malinaw Ako sa Aking puso tungkol sa kung sino ang nasa bawa’t papel. Alam na alam Ko kung sinong naglilingkod sa Akin, sino ang panganay na anak-na-lalaki, at sino ang kabilang sa Aking mga anak-na-lalaki at Aking mga tao. Alam Ko ito na gaya ng likod ng Aking kamay. Sinumang nasabi Ko sa nakalipas na isang panganay na anak-na-lalaki ay isa pa ring panganay na anak-na-lalaki ngayon, at sinumang nasabi Ko sa nakalipas na hindi isang panganay na anak-na-lalaki ay hindi pa rin isang panganay na anak-na-lalaki ngayon. Anupamang Aking ginagawa, hindi Ko pinanghihinayangan, at hindi ito madaling binabago. Ginagawa Ko ang Aking sinasabi (sa Akin ay walang hindi-seryoso), at hindi ito nagbabago! Yaong mga naglilingkod sa Akin ay palaging naglilingkod sa Akin: Sila ang Aking mga baka; sila ang Aking mga kabayo (nguni’t ang mga taong ito ay hindi kailanman naliwanagan sa kanilang espiritu; kapag ginagamit Ko sila ay may pakinabang sila, nguni’t kapag hindi Ko sila ginagamit pinapatay Ko sila. Pag nagsasalita Ako tungkol sa mga baka at mga kabayo, ibig Kong sabihin ay yaong mga hindi naliwanagan sa kanilang espiritu, na hindi nakakakilala sa Akin, at sumusuway sa Akin, at kahit na sila ay masunurin at nagpapasakop at simple at tapat, sila pa rin ay tunay na mga baka at mga kabayo). Ngayon, karamihan sa mga tao ay pabáyâ at hindi-napipigilan sa harap Ko, basta na lamang nagsasalita at tumatawa, nag-aasal na walang-galang—nakikita lamang nila ang Aking pagkatao, at hindi ang Aking pagkaDiyos. Sa Aking pagkatao ang mga asal na ito ay maaaring palampasin at nakakaya Kong patawarin ang mga iyon, nguni’t sa Aking pagkaDiyos hindi ito napakadali. Sa hinaharap magpapasya Ako na ikaw ay nagkasala ng pagsalangsang sa Akin. Sa ibang mga salita, ang Aking pagkatao ay maaaring labagin, nguni’t ang Aking pagkaDiyos ay hindi, at sinupamang lumalaban kahit bahagya sa Akin, Aking hahatulan kaagad, nang walang pagkaantala. Huwag mong isipin na dahil nakasama kita sa loob ng maraming taon at naging pamilyar sa Akin, maaari kang magsalita at kumilos nang basta na. Wala talaga Akong masyadong pakialam! Kung sino man ito, ituturing Ko siya nang may pagkamatuwid. Ito ang Aking pagkamatuwid.

Ang Aking mga hiwaga ay ibinubunyag sa mga tao araw-araw, at ang mga iyon ay nagiging mas malinaw araw-araw, kasunod ng mga yugto ng pagbubunyag, na sapat upang ipakita ang takbo ng Aking gawain. Ito ang Aking karunungan (hindi Ko ito sinasabi nang tuwiran. Nililiwanagan Ko ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki at binubulag ang anak ng malaking pulang dragon). Higit pa, ngayon Aking ibubunyag ang Aking hiwaga sa inyo sa pamamagitan ng Aking Anak. Ang mga bagay-bagay na hindi kayang maguni-guni ng mga tao ay Aking ibubunyag sa inyo ngayon upang hayaan kayong malaman nang lubos at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa. Higit pa, ang hiwagang ito ay umiiral sa bawa’t isa bukod sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki, nguni’t walang sinumang nakakaunawa rito. Bagaman ito ay naroon sa loob ng bawa’t tao, walang sinumang nakakakilala rito. Ano ang sinasabi Ko? Sa Aking gawain sa loob nitong panahong ito at sa Aking mga pagbigkas sa loob ng panahong ito, malimit Kong binabanggit ang malaking pulang dragon, si Satanas, ang diyablo, at ang arkanghel. Ano ba sila? Ano ang kanilang mga kaugnayan? Ano ang ipinamamalas sa mga bagay na ito? Ang mga pagpapamalas ng malaking pulang dragon ay paglaban sa Akin, kawalan ng pagkaunawa at pag-abot sa mga kahulugan ng Aking mga salita, madalas na pang-uusig sa Akin, at paghahanap na gumamit ng mga pakánâ para gambalain ang Aking pamamahala. Si Satanas ay ipinamamalas sa sumusunod: pakikipagtunggali sa Akin para sa kapangyarihan, pagnanais na angkinin ang Aking mga tao, at paglalabas ng mga negatibong salita para linlangin ang Aking mga tao. Ang mga pagpapamalas ng diyablo (yaong mga hindi tumatanggap sa Aking pangalan, na hindi naniniwala, ay diyablong lahat) ay ang sumusunod: pag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, pagpapasasa sa masasamang pagnanasà, pamumuhay sa ilalim ng pagkagapos kay Satanas, ang ilan ay lumalaban at ang ilan ay sumusuporta sa Akin (nguni’t hindi nagpapatunay na sila ay Aking mga minamahal na anak-na-lalaki). Ang mga pagpapamalas ng arkanghel ay ang sumusunod: pagsasalita nang walang-galang, pagiging di-makaDiyos, malimit na ginagamit ang Aking tono para turuan ang mga tao, pagtutuon lamang sa panlabas na paggaya sa Akin, pagkain ng Aking kinakain at paggamit ng Aking ginagamit; sa madaling salita, pagnanais na makapantay Ko, pagiging ambisyoso nguni’t wala ng Aking katangian at hindi nagtataglay ng Aking buhay, pagiging isang patápón. Si Satanas, ang diyablo, at ang arkanghel ay tipikal na paglalarawang lahat ng malaking pulang dragon, kaya yaong mga hindi Ko paunang-itínálágá at pinili ay mga anak lahat ng malaking pulang dragon: Iyan ay lubusang ganoon! Ang mga ito ay mga kaaway Kong lahat. (Gayunpaman ang mga panggagambala ni Satanas ay hindi kasama. Kung ang iyong kalikasan ay Aking katangian, walang sinumang makapagbabago nito. Dahil ngayon ay namumuhay ka pa rin sa laman, paminsan-minsan ay mapapaharap ka sa mga panunukso ni Satanas—ito ay di-maiiwasan—nguni’t dapat kang laging mag-ingat.) Samakatuwid, tatalikuran Ko ang lahat ng anak ng malaking pulang dragon sa labas ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Ang kanilang kalikasan ay hindi kailanman magbabago, at ito ay ang katangian ni Satanas. Ang diyablo ang kanilang ipinamamalas, at ang arkanghel ang kanilang isinasabuhay. Ito ay lubusang totoo. Ang malaking (“great”) pulang dragon na Aking sinasabi ay hindi ang malaking (“big”) pulang dragon; bagkus ito ay ang masamang espiritu na kalaban Ko, kung saan ang “malaking pulang dragon” ay isang kasing-kahulugang salita. Kaya lahat ng mga espiritu bukod sa Banal na Espiritu ay mga masasamang espiritu, at masasabi ring ang anak ng malaking pulang dragon. Ito lahat ay dapat na maging kasing-linaw ng kristal sa lahat.

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto...Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrol, mas mainam upang mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan."

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Ika-tatlumpu’t-limang Pagbigkas

Ang Ika-tatlumpu’t-limang Pagbigkas

Pitong kulog ang lumalabas mula sa trono, nililiglig ang sansinukob, ibinabaligtad ang langit at lupa, at umaalingawngaw sa buong himpapawid! Lubhang tumatagos ang tunog kaya’t ang mga tao ay hindi makatakas ni makatago mula rito. Ang mga guhit ng kidlat at mga dagundong ng kulog ay ipinadadala, dinadala sa katapusan ang langit at lupa sa isang saglit, at ang mga tao ay nasa bingit ng kamatayan. Pagkatapos, isang marahas na bagyong ulan ang humahagupit sa buong kalawakan na singbilis ng kidlat, bumabagsak mula sa himpapawid! Sa pinakamalalayong sulok ng lupa, tulad sa isang pagbuhos na umaagos tungo sa bawa’t kasuluk-sulukan at piták-piták, walang naiiwan kahit isang mantsa, at habang hinuhugasan nito ang lahat mula ulo hanggang daliri ng paa, walang anumang natatago mula rito ni matatakpan ang sinumang tao mula rito. Ang mga dagundong ng kulog, gaya ng nakakapanindig-balahibong liwanag ng mga guhit ng kidlat, ay nagpapanginig sa mga tao sa takot! Ang matalas at magkabila’y-talim na sibat ay nagpapabagsak sa mga anak ng pagsuway, at ang kaaway ay nakaharap sa sakúnâ nang walang anumang masisilungan, ang kanilang mga ulo’y umiikot sa karahasan ng bagyo, at, nahagupit na walang-malay, sila ay kaagad na bumabagsak na patay tungo sa umaagos na mga tubig upang maanod paláyô. Basta na lamang sila namamatay nang walang anumang paraang magliligtas sa kanilang mga buhay. Ang pitong kulog ay nagmumula sa Akin at dinadala nila ang Aking hangarin, na ang pabagsakin ang pinakamatatandang mga anak-na-lalaki ng Egipto, upang parusahan ang masama at linisin ang Aking mga iglesia, upang ang lahat ay nakakapit nang malápít sa isa’t isa, sila ay nag-iisip at kumikilos nang magkakapareho, at sila ay kaisang-puso Ko, at upang ang lahat ng mga iglesia sa buong sansinukob ay maitayo bilang isa. Ito ang Aking layunin.
Kapag ang kulog ay dumadagundong, ang mga pagtangis ay nagsisimulang umalon. Ang ilan ay nagigising mula sa kanilang pagkakatulog, at, matinding nababahala, nagsasaliksik silang malalim sa kanilang mga kaluluwa at nagmamadaling bumabalik sa harap ng trono. Tumitigil sila sa panlilinlang at pandaraya at paggawa ng mga krimen, at hindi pa gaanong huli para sa gayong mga tao na magising. Nagmamasid Ako mula sa trono. Tinitingnan Ko nang malalim ang mga puso ng mga tao. Inililigtas Ko yaong masigasig at mainit na nagnanasà sa Akin, at kinaaawaan Ko sila. Aking ililigtas tungo sa kawalang-hanggan yaong mga nagmamahal sa Akin sa kanilang mga puso nang higit kaysa lahat ng iba pa, yaong nakakaunawa sa Aking kalooban, at siyang sumusunod sa Akin hanggang sa katapusan ng daan. Hahawakan silang ligtas ng Aking kamay upang hindi nila harapin ang tagpong ito at hindi sumapit sa kapahamakan. Ang ilan, kapag nakita nila ang tanawing ito ng gumuguhit na kidlat, ay naghihirap sa kanilang mga puso na hindi nila maibubulalas, at ang kanilang mga panghihinayang ay masyadong huli na. Kung magpipilit silang kumilos nang papaganito, lubhang huli na para sa kanila. O, ang lahat, ang lahat! Lahat nang ito ay magaganap. Ito ay isa sa Aking mga paraan ng pagliligtas. Inililigtas Ko yaong mga nagmamahal sa Akin at pinababagsak ang masama. Upang ang Aking kaharian ay maging matibay at matatag sa lupa at upang malaman ng lahat ng mga tao sa bawa’t bansa sa buong sansinukob na Ako ay hari, Ako ay nagngangalit na apoy, Ako ay Diyos na nagsasaliksik sa kaloob-loobang puso ng bawa’t tao. Mula sa sandaling ito, ang paghatol ng malaking puting trono ay hayagang ibinubunyag sa karamihan at ibinabalita sa lahat ng mga tao na ang paghatol ay nagsimula na! Walang alinlangan na lahat ng hindi nagsasalita kung ano ang nasa kanilang mga puso, yaong mga nakakadama ng pag-aalinlangan at hindi nangangahas na maging tiyak, lahat ng nagsasayang ng panahon, na nakakaunawa sa Aking mga inaasam nguni’t hindi handang isagawa ang mga iyon, sila ay dapat mahatulan. Dapat ninyong maingat na siyasatin ang inyong sariling mga intensiyon at mga motibo, at lumagay sa inyong dapat kalagyan, isagawa nang lubusan yaong Aking sinasabi, bigyang halaga ang inyong mga karanasan sa buhay, huwag kumilos nang masigasig sa panlabas, kundi palaguin ang inyong mga buhay, magulang, matatag at makaranasan, at saka lamang kayo magiging gaya ng Aking puso.
Tanggihan ang mga sunud-sunuran kay Satanas at ang mga masasamang espiritu na gumagambala at sumisira doon sa Aking mga itinatayong mga pagkakataon para samantalahin ang mga bagay-bagay para sa kanilang kalamangan. Dapat silang mahigpit na malimitahan at mapigilan at mapapakitunguhan lamang sila sa pamamagitan ng paggamit ng matatalas na mga sibat. Yaong mga pinakamasasama ay dapat na agarang mabunot upang hindi na sila maging banta sa hinaharap. At ang iglesia ay magagawang perpekto, hindi magkakaroon ng anumang kapansanan, at ito ay magiging malusog, puno ng sigla at lakas. Kasunod ng gumuguhit na kidlat, umaalingawngaw ang dagundong ng mga kulog. Hindi kayo dapat magpabaya, at hindi kayo dapat sumuko kundi gawin ang inyong sukdulang kakayahan para makahabol, at tiyak na inyong makikita kung ano ang ginagawa ng Aking kamay, kung ano ang Aking kinakamit, kung ano ang Aking itinatapon, kung ano ang Aking pineperpekto, kung ano ang Aking binubunot, kung ano ang Aking pinababagsak. Ang lahat ng ito ay mahahayag sa harap ng inyong mga paningin upang inyong makita nang malinaw ang Aking pagka-makapangyarihan-sa-lahat.
Mula sa trono hanggang sa mga kadulu-duluhan ng buong sansinukob, ang pitong kulog ay umaalingawngaw. Isang malaking pangkat ng mga tao ang maliligtas at magpapasakop sa harap ng Aking trono. Kasunod nitong liwanag ng buhay, naghahanap ang mga tao ng paraan upang makaligtas at hindi nila nakakayang tulungan ang kanilang mga sarili kundi lumalapit sa Akin, upang lumuhod sa pagsamba, ang kanilang mga bibig ay tumatawag sa pangalan ng makapangyarihang totoong Diyos, at ipinahahayag ang kanilang mga kahilingan. Nguni’t para sa kanilang lumalaban sa Akin, mga taong pinatitigas ang kanilang mga puso, ang kulog ay umaalingawngaw sa kanilang mga tainga at walang dudang sila ay dapat mapahamak. Ito lamang ang huling kalalabasan para sa kanila. Ang Aking minamahal na mga anak-na-lalaki na mga matagumpay ay mananatili sa Sion at makikita ng lahat ng mga tao kung ano ang kanilang makukuha, at matinding luwalhati ang makikita sa harap ninyo. Ito ay talagang isang malaking pagpapala na ang katamisan ay mahirap isalita.
Kapag ang lagapak ng pitong kulog ay lumabas, naroon ang kaligtasan niyaong mga nagmamahal sa Akin, niyaong nagnanasa sa Akin nang may tapat na mga puso. Yaong nabibilang sa Akin at siyang Aking naitalaga at napili ay makakayang lahat na sumailalim sa Aking pangalan. Naririnig nila ang Aking tinig, na siyang pagtawag ng Diyos. Hayaan yaong mga nasa kadulu-duluhan ng lupa na makitang Ako ay matuwid, Ako ay tapat, Ako ay pag-ibig, Ako ay kahabagan, Ako ay hari, Ako ay nagngangalit na apoy, at sa kahuli-hulihan Ako ay walang-awang paghatol.
Hayaan ang lahat sa mundo na makitang Ako ay ang tunay at ganap na Diyos Mismo. Lahat ng mga tao ay taos na napapaniwala at walang sinumang nangangahas na muling lumaban sa Akin, na hatulan Ako o siraan Akong muli. Kung hindi, sila ay agad na susumpain at babagsak sa kanila ang sakúnâ. Tatangis lamang sila at pagngangalitin ang kanilang mga ngipin at pasasapitin nila ang kanilang sariling pagkawasak.
Hayaang malaman ng lahat ng mga tao, at ipaalam sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob, upang malaman ng bawa’t tao. Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang totoong Diyos, ang lahat ay isa-isang luluhod para sumamba sa Kanya at kahit ang mga batang kaaalam lamang magsalita ay tatawag ng “Makapangyarihang Diyos”! Makikita niyaong mga nanunungkulang may-kapangyarihan ng kanilang sariling mga mata ang totoong Diyos na nagpapakita sa harapan nila at sila rin ay magpapatirapa sa pagsamba, nagsusumamo para sa habag at kapatawaran, nguni’t ito ay lubhang huli na dahil ang sandali ng kanilang pagpanaw ay nakarating na; dapat itong magawa para sa kanila: pinapatawan sila ng hatol na mapunta sa walang-hanggang hukay. Dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa katapusan, at lalo pang palalakasin ang Aking kaharian. Lahat ng mga bansa at mga bayan ay magpapasakop sa Aking harapan hanggang sa kawalang-hanggan!

Mga Pagsasalaysay|Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikaapat na bahagi)




Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Ninive ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan
Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira—Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon
Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw
Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan
Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan

Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)

Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)


Si Zheng Xinming na may edad nang halos pitumpo, ay isang matapat na Kristiyano. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon, nadetine at nabilanggo siya, at nahatulan ng walong taon. Sa kanyang paglaya, inilista pa rin siya ng pulis na Komunistang Tsino bilang target ng nakatuon na pagmamanman. Partikular, matapos tanggapin ng matanda ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, halow araw-araw na dumarating ang mga pulis para takutin at istorbohin siya. Walang paraan para mabasa ni Zheng Xinming ang salita ng Diyos nang normal sa bahay, at maging ang mga kapamilya niya'y nababalisa rin. Ngayon bisperas ng Bagong Taon at nasa bahay ang matandang nagbabasa ng salita ng Diyos, hindi alam kung ano ang maaaring mangyari …